11

1331 Words
napabuntong hininga naman si Sierra habang naglalakad pabalik ng dorm sa loob ng kampo kung saan din siya nka stay kasama ng grupo na nakaassigned sa kanya. kakatapos lang niyang kumain at kakagaling lang niya sa canteen kung saan kumakain lahat ng agent pagkatapos nilang samahan ang commander at si Yuan na maglibot kanina parang naubos lahat ng lakas ni Sierra kaya nag decide syang kumain sa canteen saka magpapahinga muna sa dorm. napaalerto naman si Sierra ng may humila sa kanya agad niya itong siniko pero mabilis ito at nasalag nito kaagad ang pagatake ni Sierra akma niya itong papatidin sa mabilis na pagsipa pero mabilis din itong tumalon para makaiwas mabilis na sumuntok si Sierra pero hinawakan na nito ang kamay niya, natigilan naman si Sierra ng makita si Yuan. anong ginagawa mo dito?," biglang saad ni Sierra. ikaw, anong ginagawa mo sa ganitong lugar? galit na saad ni Yuan, pwede ba, wag mo nga akong pakelaman diretsong saad ni Sierra. mapaklang napangisi si Yuan, alam ba nila mom ang ginagawa mo?." ang lugar na ito ay hindi palaruan kung saan pwedeng maglaro, madiing saad ni Yuan. tumuon naman si Sierra kay Yuan, pwede ba wag mo akong ituring na walang isip na bata kagaya ng dati dahil hindi na ako ang batang babae na iniwan mo 10 years ago. kaya ko na ang sarili ko at wag na wag kang magtatangkang magsabi ng kahit na ano kina mom tungkol dito dahil sinasabi ko sayo kamumuhian kita Yuan." pagbabanta ni Sierra. pwede ba Sierra, stop acting like a spoiled brat, umalis kana sa lugar na ito dahil di ka nababagay sa lugar na ito. madiing saad ni Yuan. napangisi naman si Sierra habang pinipigil ang matinding galit na lumabas. pwede ba Yuan, Im not acting like a spoiled brat, at kung meron mang hindi nababagay sa lugar na ito hindi ako yun kundi kayo ng grupo niyo mga mafia na walang ibang ginagawa kundi puro kaguluhan, ngumisi naman si Yuan kay Sierra, were not mafia for your information lahat ng meron ako nagawa at nakamit ko sa legal na paraan pinaghirapan kong lahat hindi kami gumagawa ng illegal di kagaya ng iniisip mo. diretsong saad ni Yuan. talaga lang huh!, pwes kung paano mo nakuha lahat ng meron ka, wala na ako doon pero para sabihin ko sayo alam ko ang ginagawa ko at kung meron man dapat tumigil dito ay walang iba kundi ikaw, stop acting like a concerned brother because we're not even blood related, and as far as I know were not really close as siblings, saad ni Sierra bago nagdirediretso ng lakad. hindi naman nakaimik si Yuan na pinanuod ang pagalis ni Sierra. ilang araw ang dumaan simula ng huling paguusap ni Sierra at Yuan, napapabuntong hininga na lamang si Sierra sa tuwing maalala ang naging pagsasagutan nila, 'Captain." pagtawag sa kanya agad naman siyang napabaling sa mga ito at nakita niya si Ivy na papalapit, 'Cap, natapos na po namin ang lahat ng pinagawa niyong training routine na binigay niyo. anito. tumango naman si Sierra bilang tugon dito, sabihan mo ang buong team na mag break muna mamaya sa firing area tayo, maawtoridad niyang utos na agad naman tinugon ni Ivy. at habang nagbbreak naisipan naman pumunta ni Sierra sa Canteen at dahil nasa liblib na lugar ang kampo nila ito lamang ang lugar kung saan sila makakakain, masaya naman umorder si Sierra ng pagkain habang nag hahanap ng mauupuan ay tinawag siya ni Luisa na kumakaway pa sa kanya, ngumiti naman siya dito na lumapit, pero bahagya niyang binagalan ang paghakbang niya ng marinig ang pinaguusapan ng mga babaeng agent na nadaanan niya, 'ang gwapo niya grabe at napaka talino." saad ng isa sa mga ito 'oo nga sinabi mo pa, alam niyo ba binago niya ang lahat ng program na ng security dito and di lang yun mas magiging high tech na ang lahat ng facility natin at dahil yun sa kanya." pagmamalaki naman ng isa pa, kahit di man alamin ni Sierra sigurado siyang si Yuan ang pinaguusapan ng mga ito, pagupo ni Sierra sa tabi ni Luisa nagmamadali naman lumapit si Ivy sa kanila, 'hey cap, alam mo na ba? agad nitong saad, napatuon naman sa kanya si Sierra na nahihiwagaan sa sinasabi nito, bahagya naman lumapit si Ivy at mahinang nagsalita pero sapat para malinaw na marinig nila Sierra ang sinasabi nito. 'yung kuya mo napakaraming binago pati mga training ng bawat grupo ay binago niya maging ang dorm ng bawat grupo ay pinapabago niya at pinapalipat na tayo sa kabilang dorm dahil kakailanganin ayusin ang dorm natin in short makikihati tayo sa iba pang grupo hanggang matapos ang renovation ng dorm," dirediretsong saad nito. napatayo naman sa kabiglaan si Sierra, 'what." singhal nito. saka nagmamadaling umalis na sinundan ni Ivy at Luisa, 'hindi, hindi pwede ito." saad ni Sierra sa isip niya, magiging malaking problema ang bagay na ito para kay Sierra dahil binubully ng ibang grupo ang team nila Sierra hindi dahil mahina silang team kundi dahil maraming malalaking mission ang pinapagawa sa kanila kahit na bago pa lamang si Sierra na narecruit ng special force kapag nagkataon mahihirapan ang grupo nila, pagdating sa dorm ay naabutan ni Sierra na inilalabas ang mga gamit ng team nila at maging ng iba pa, agad naman niya nakita si Yuan na inoobserbahan ang buong lugar, agad naman niya itong nilapitan upang kausapin, natigilan naman si Yuan sa ginagawa ng harangin siya ni Sierra, 'ano sa tingin mo ang ginagawa mo? hindi mo pwedeng basta paalisin ang bawat team ng ganun na lang." singhal ni Sierra, napabuntong hinga naman si Yuan dito. 'pwede ba Sierra hindi mo ba nakikita na busy ako." usal ni Yuan at akma itong aalis pero pilit siyang hinaharang ni Sierra, frustrated na napatuon si Yuan kay Sierra, 'What do you want." naiiritang saad ni Yuan, 'pabalikin mo ang team ko sa dorm." saad naman ng dalaga, napangisi naman si Yuan, 'bakit ko naman gagawin ang bagay na iyon, dapat nga magpasalamat pa kayo dahil pagkatapos ko irenovate ang buong building mas magiging maayos na sa inyo ang lahat, saad ni Yuan, 'hindi mo ko naiintindihan, hindi kakayanin ng team ko na sumama sa iba pang team, diretsong saad ni Sierra, umiling naman si Yuan, 'makinig ka Captain Sierra, may pahintulot ako galing sa mas nakakataas na gawin ang mga bagay na ito kung gusto mo sila ang kwestyonin mo, at isa pa malaki ang bawat dorm maraming bakante kung saan pwede kayo pansamantala ng team mo ngayon kung ayaw niyo di ko na iyon problema." walang emosyong saad ni Yuan kay Sierra saka nagdirediretso ng lakad, wala naman nagawa si Sierra dahil wala siyang laban sa sinabi ni Yuan, nakagat pa ni Sierra ang ibabang labi dahil sa frustration, dahil last time na may nakasama silang ibang team ay muntik ng magkagulo dahil sa panununtok ng isa sa team ni Sierra dahil na rin sa pabubully ng kabilang grupo sa team ni Sierra at dahil ahead ang mga ito sa grupo ni Sierra, si Sierra ang tumangap ng penalty dahil sa nangyari, habang abala sila Sierra at ang grupo niya sa paglilipat ng gamit ay lumapit naman si Jana na isa sa mga babaeng team captain ng special force at talagang hindi sila magkasundo nito. pinaikot naman ni Sierra ang mata dahil sa inis ngunit pilit niyang pinipigil ang sarili na patulan ito, 'well dito pala kayo lumipat." saad nito, nagtaas naman ng kilay si Sierra dito, 'oo, bakit may problema? saad niya. ngumisi naman ito ng nakakaloko sa kanya, 'wala naman atleast may mapagkakatuwaan nanaman kami ng grupo ko." confident nitong saad na talagang nagpakulo sa dugo ni Sierra, pero pinilit niyang pakalmahin ang sarili dahil ayaw niyang pagmulan ng gulo, 'naku, sarap sabunutan ng bruhang ito kagigil.'' gigil na saad ni Sierra sa isip, ngumisi naman si Jana kay Sierra bago tuluyang umalis, 'kasalanan talaga ito ni Yuan." usal ni Sierra sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD