10

883 Words
ilang araw na ng lumipas simula ng umuwi si Sierra at bumalik sa kampo nila. pero hindi niya maiwasan na maalala parin si Yuan, simula nang huling tagpo nila ay di na sila nagusap pang muli ni Yuan hanggang sa araw na bumalik ito sa maynila ay di na siya nito kinausap pa. pinipilit naman ni Sierra ang kalimutan ito pero sadyang pumapasok sa isip niya si Yuan. malalakas na suntok ang binitawan ni Sierra sa punching bag na nasa harap saka nahahapong napaupo. hey." you seem very distracted." saad ni Ivy sa kanya. wala naman medyo naninibago lang alam mo na medyo matagal hindi nakapag train saad niya. naku, baka sabihin mo naiisip mo pa si papa Yuan mo." panguuyam ni Luisa kay Sierra. shut up, kung ayaw mong bigyan kita ng maraming penalty. pagbabanta ni Sierra. grabe ka naman sis. akala ko magkaibigan tayo, walang ganyanan. saad ni Luisa na ikintawa ni Sierra at Ivy. by the way alam mo naba cap?." ani Ivy na kinunutan ng noo ni Sierra. ang alin?." pagtatanong ni Sierra. darating yung isa sa mafia organization na The Empire. ang alam ko ni request ni chief iyon para mag train ng ibang mga matataas ang position at i check ang security access natin, saad ni Ivy. ano ang security access natin? paguulit ni Sierra, bakit ba ganun na lang kalaki ang tiwala sa kanila ng chief natin baka nakakalimutan nila mafia parin sila. saad ni Sierra. ewan, ang alam ko magagaling sila yun ang naririnig ko sabi pa nga mga genius sila. saad ni Luisa. mga genius, malay iisa lang naman ang alam kong genius, saad ni Sierra na muli nanamang naalala si Yuan. ...... bro." kamusta ang bakasyon? saad ni Shaun saka nakipag bro hug kay Yuan. well, relaxing naman maganda pala minsan mag bakasyon, saad ni Yuan. mabuti kapa nakapag bakasyon samantalang ako eto. sasaluhin ko nanaman ang trabaho mo. pagrereklamo ni Shaun. napailing naman si Yuan nasa opisina sila ni Laurence dahil nagpatawag ito ng meeting kagaya naman ng dati si Shaun at siya ang laging maagang dumating sa tuwing may meeting sila. mga bro." ano balita? bungad ni Liam saka nakipag bro hug din sa kanila. pinadadala ako ni Laurence sa special force para i check ang program ng system nila at mag train ng ilang agent, saad ni Yuan. mukhang mahahasle ka bro." natatawang saad ni Shaun. napailing naman si Yuan dito. ikaw talaga ang mapagkakatiwalaan pag dating dyan bro." saad naman ni Liam. ilang sandali pa ay dumating na si Laurence at ang iba pa. saka nag simula na silang mag meeting. walang problema ang lahat malls, contractions, and yung mga assets natin since tayo naman ang board of directors kagaya ng dati si Cedrick ang bahalang mag organize ng lahat. isa pa nga pala we are in code red. dapat tayong mag back up kay Yuan, kahit pa siya lang ang pinadala ko sa special force tandaan niyo iisa lang tayo. si Yuan lang ang representative natin pero kung may mangyari kasama niya tayong kikilos kaya dapat tayong maging handa naiintindihan niyo ba?." maawtoridad na saad ni Laurence sa kanila. copy." sabay sabay na sagot nila. Yuan, don't forget to report every casualties at lahat ng malaman mo. mawtoridad saad ni Laurence. copy bro." saad ni Yuan. don't worry bro." baback up kami sayo kahit sa mga chicks, nakangising saad ni Ryan napailing na lamang si Yuan. kung mangchichicks lang ako si Kenzo ang isasama ko kasi mas magaling siya kumilatis ng babae, natatawang saad niya. napangisi naman si Kenzo. okay we're adjourned." saad ni Laurence. saka sabay sabay na nagpaalam para gawin ang mga toka nila. nilapitan naman ni Yuan si Laurence. napatuon naman si Laurence kay Yuan. bakit bro." takang tanong ni Laurence. gusto ko sana humingi ng pabor, saad ni Yuan. say it." saad ni Laurence. gusto kong alamin lahat ng nangyari kay Sierra simula ng umalis ako. kaya mo ba akong tulungan? saad ni Yuan. ngumiti naman si Laurence, who is she Yuan." pagtatanong ni Laurence. She's special to me bro." sinserong saad ni Yuan. agad naman nag dial si Laurence sa phone." hey bro." nasa building ka paba, come back here please. saad nito sa kabilang linya. ilang sandali pa at dumating si Kenzo. why bro." walang ganang tanong ni Kenzo. Yuan, ibigay mo nalang kay Kenzo ang pangalan niya at siya na ang bahala. Kenzo, alam mo na ang gagawin mo, maawtoridad na saad ni Laurence ngumisi naman si Kenzo, no problem." saad nito. salamat sa inyo mga bro." pasasalamat ni Yuan. sus! sa dami ng ginawa mo para samin maliit lang ito bro." saad ni Kenzo. kelan mo planong pumunta doon? pagtatanong ni Kenzo. bukas na." saad ni Yuan. ........ maaga naman nagsimula ng workout routine si Sierra, at pagbalik niya sa kampo ay napansin niya ang pagiging abala ng lahat halos lahat ay naka uniform at nagmamadali. nilapitan naman niya ang isa sa mga nakaduty na agent upang magtanong. anong meron bakit parang abala ang lahat, pagtatanong ni Sierra. captain, biglaan po kasi nagsabi na darating si Commander in Chief upang salubungin ang pagdating ng isa sa grupong The Empire na darating kaya abala ang lahat sa pagaayos ng buong lugar para siguraduhin na magiging maayos ang lahat. diretsong saad nito. sige, salamat." saad ni Sierra saka nagmamadaling umalis para makapagbihis. cap, saan kaba nanggaling nagkakagulo na ang lahat dahil darating ang Commander." alalang saad ni Ivy. oo, alam ko na." walang ganang saad ni Sierra, para kasi sa kanya madumi ang mga mafia at dahil isang grupo ng mafia ang The Empire ay malaki ang pagtataka niya para bigyan sila ng malaking respeto ng commander in chief nila. ganun ba talaga sila ka galing." bulong ni Sierra sa sarili. nag umpisa naman humilera ang lahat at pumwesto siya sa harap kasama ng mga captain ng bawat grupo at sa likod ang mismong grupo nila. ilang sandali pa ay dumating na ang Commander in Chief at sinalubong ng iyo ng Head Captain nila. ilang sandali pa at dumating ang isang black na Porsche 911 targa 4s, parang halos lumuwa ang mata ni Sierra ng makita ang napakagandang sasakyan sa harap niya dahil matagal na niyang pangarap ang ganito kagandang sasakyan, kaya talagang nagsusumikap siyang makabili ng ganito sa picture lang niya ito nakikita pero hindi siya makapaniwala na nasa harap na niya mismo. bigla naman bumukas ang pinto ng driver seat, kaya napa alerto silang lahat, para namang natuklaw ng ahas si Sierra ng mapagsino ang lalaking lumabas mula sa mamahaling sasakyan na iyon. parang nahirapan siyang huminga habang pinagmamasdan ang gwapo nitong mukha, hindi siya maaring magkamali si Yuan ang lalaking iyon. nilapitan naman ng commander in Chief si Yuan at nakipag kamay wala namang emosyong makikita sa mukha ni Yuan. isa isang pinakilala ang mga captain ng mga grupo, ganun na lamang ang pagka bigla ni Yuan ng magtama ang tingin nila ni Sierra. hindi makapaniwala si Yuan na napasok bilang special agent si Sierra. ganun na lang ang pagdilim ng mukha ni Yuan ng makita si Sierra. nakipag kamay si Sierra kay Yuan kagaya ng iba pero nabigla siya ng mahigpit siyang hinawakan ni Yuan, saka bahagyang bumulong sa kanya, anong ginagawa mo dito, mahinahon ngunit puno ng galit sa mga matang tanong ni Yuan kay Sierra. hindi naman nakaimik si Sierra na halos mapadaing sa sakit dahil mas humihigpit ang hawak sa kanya ni Yuan. bakit, magkakilala ba kayo?." pagtatanong ng Commander in Chief nila na si Xander. she's my sister saad ni Yuan. nabigla naman ang lahat na napatuon pa kay Sierra dahil sa kabiglaan. bumulong naman mula sa likuran niya si Luisa, siya ba yung kuya mo? my god di mo naman sinabi na mala angel ang kagwapuhan niya." saad nito na impit pang napapatili sa kanya. bahagya naman siyang siniko ni Sierra, manahimik ka nga dyan, sita nito sa kaibigan. pumasok naman si Yuan kasama si Xander sa loob ng kampo at nag umpisang mag inspect at maglibot. at dahil kasama si Sierra sa mga ittrain ni Yuan obligated silang sumama sa kanila. hindi naman mapigilan ni Sierra ang mapatingin kay Yuan, napakalaki ng pagbabago nito kapag nagttrabaho dahil napaka siryoso nito at makikitang alam na alam niya ang ginagawa niya. pero hindi talaga makapaniwala si Sierra na parte ng kilalang The Empire si Yuan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD