9

1103 Words
habang nasa byahe ay kapwa walang imik sila Yuan at Sierra hanggang makarating sa bahay. agad naman sinalubong ni Yesha sina Yuan, naku basang basa kayong dalawa." ani Yesha ng makita ang mga ito. saka nagpakuha kaagad ng towel sa kasambahay at binalot kay Sierra wala naman imik si Yuan na umakyat na agad sa kwarto. may problema ba hija?." alalang tanong ni Yesha. wala po mom, baka napagod lang." maang na sagot ni Sierra. tumango naman si Yesha na naniwala sa dahilan ni Sierra. nasa kwarto si Sierra ng tawagin siya ni Yesha para sa hapunan at dahil minsan lang sila kumpleto ay gustong gusto nito na kumpleto sila sa hapag kaya kahit na tinatamad si Sierra ay napilitan itong bumangon kahit na hindi pa niya kayang harapin si Yuan dahil sa nangyari sa kanila. habang tinatahak ang daan pababa ay agad niyang natanaw si Yuan sa hapag. umupo naman si Sierra sa tabi ng inang si Yesha kaya magkaharap sila ni Yuan. wala naman emosyong makikita kay Yuan, ni hindi siya nito tinapunan ng tingin at diretso lang itong kumain. naging malamig ang pakikitungo nito sa kanya kagaya ng pinangako nito. nakaramdam ng kirot sa dibdib si Sierra pero agad niya itong pinigilan dahil ayaw na niyang mahulog muli kay Yuan, ito ang tama, kaya hindi ako dapat magdamdam." bulong ni Sierra sa sarili. nang matapos si Yuan maghapunan ay kumuha muna ito ng wine sa bar counter na nasa kitchen saka dirediretsong umakyat. nagtataka man ang mga magulang sa iginagawi ni Yuan ay nagkibit balikat na lamang ang mga ito. itinuon naman ni Yuan ang attensyon sa harap ng loptop at tinignan ang mga report ng assistant nya, saka ito nagsalin ng wine sa baso at dahan dahan iyong ininom. pero kahit na anong gawin ni Yuan ay dj mawala sa isip ang imahe ni Sierra habang hinahalikan niya ito at kung paano ito lumuha. kasabay din nun ang sakit na nadarama kapag naalala ang pag taboy nito sa kanya. naikuyom ni Yuan ang mga kamay dahil sa inis, 'bakit, siya lang ba ang nasaktan noon, hindi siya nagtiwala sa akin kagaya ng iba at ang mas masakit siya pa of all people. nasaktan din naman ako pero kung hindi ako umalis mas pagsisisihan ko iyon buong buhay ko. inis na usal ni Yuan sa sarili. pero masaya kaba?." tanong ng kabilang bahagi ng isip niya. Yes." pero may kulang. sagot ni Yuan sa sarili. naglakad naman si Yuan papunta sa terrace ng kwarto niya at lumanghap ng sariwang hangin para pakalmahin ang nararamdaman, Yuan." pagaagaw ng attensyon niya kaya napabaling siya dito at nakita ang inang si Yesha, nakangiti itong lumapit sa kanya. Yuan anak, talagang napakalaki na ng ipinagbago mo at natutuwa ako sayo you're finally a full grown man. masayang saad ni Yesha. isang ngiti naman ang pinagkaloob ni Yuan sa ina. saka umakbay dito. anak, may problema ba kayo ni Sierra?." natigilan naman si Yuan at di nakapagsalita. anak, sana pahabain mo pa ang pasensya kay Sierra ng umalis ka kasi hindi biro ang pinagdaanan niya. saad ni Yesha na ipinagtaka ni Yuan. napakunot ito ng noo habang nakatingin sa ina na parang tinatanong kung anong ibig nyang sabihin. humugot naman ng hangin si Yesha para magkaroon ng lakas ng loob para magsalita. noong umalis ka anak, hinanap ka ni Sierra kung saan saan. hindi siya halos kumakain at palaging wala sa sarili at umiiyak kung alam mo lang sobra ang pagaalala ko sa inyong dalawa pero mas higit sa kanya dahil alam kong kaya mo ang sarili mo dahil natural kang matalino pero si Sierra mahina siya, halos madurog ang puso ko na makitang nagkakaganun siya hanggang sa umabot sa puntong muntik na siyang mapagsamantalahan sa paghahanap sayo Yuan." di napigilan ni Yesha na mapaluha sa alaala ng nakaraan. parang huminto naman sa pagtibok ang puso ni Yuan sa sinabi ni Yesha, para siyang nahirapang huminga at nahihirapang iproseso ang nalaman. nang araw na iyon sabi niya may nagsabi sa kanya na nasa maynila ka kaya sa kagustuhang makita ka ay di na nagdalawang isip pa si Sierra at agad siyang bumyahe papunta sa address na ibinigay sa kanya pero wala ka doon at sa pagbabaka sakali ay patuloy ka parin niyang hinanap at ginabi siya sa paghahanap sayo ng may madaanan siya na grupo ng kalalakihan at pinagtangkaan siya ng mga ito mabuti na lamang at nakapanlaban siya at nakatakbo kaya nagawa pa niyang makahingi ng tulong nalaman nalang namin ang nangyari ng may tumawag sa amin mula sa police station at duon namin siya natagpuan traumatized siya ng mga oras na iyon halos hindi namin siya makausap, simula din non ay nagbago si Sierra, lagi na siyang nadadawit sa mga gulo kung di naman ay napapaaway, gabi gabi din siyang nagpupunta sa mga bar at ang mas masaklap nagdecide siya pasok sa millitar na sobrang ikinabigla namin ng dad mo, pagkkwento ni Yesha sa anak. kaya sana anak habaan mo ang pasensya mo sa kanya, mahal na mahal ka niya anak." naluluhang pakiusap ng ina. pero mom, she don't want me anymore." mahinang saad ni Yuan. hinawakan naman ni Yesha ang magkabilang pisngi ni Yuan at pinaharap ito sa kanya. anak, you're Yuan na kahit pigilan ng kahit na sino kapag nag desisyon ay buo at pursigido. para sayo makakaya mo ang lahat, kayá naniniwala ako sayo anak, magagawa mo siyang paibigin muli sayo. saad ng ina di naman napigilan ni Yuan ang makaramdam ng galak dahil buong buhay niya ay inisip niyang walang tiwala sa kanya ang ina ngunit mali pala siya dahil sobra ang tiwala nito sa kanya kaya palagay ang loob ng ina pagdating sa kanya. na miss interpret niya ito. yes mom, pipilitin kong maayos ang lahat sa amin ni Sierra. ani Yuan ngumiti naman si Yesha at muling niyakap si Yuan. salamat anak, ikaw lang ang mapagkakatiwalaan ko kay Sierra syempre dahil anak kita, alagaan mo siya dahil itinuring ko na tunay na anak si Sierra, I'm sorry kung inisip mo na hindi kita pinahahalagahan, pero gusto ko sabihin sayo anak, parehas kayong mahalaga sa akin kaya gusto kong sayo siya mapunta hijo. sinserong saad ni Yesha. malalim na nag isip si Yuan sa sinabi ng ina. hindi siya makapaniwala sa nangyari kay Sierra at may parte ng isip nya na sinisisi ang sarili dahil wala siya ng mga oras na nangyari iyon kay Sierra. mabilis na lumipas ang araw ngunit patuloy na naging malamig si Yuan kay Sierra kagaya ng gusto ni Sierra. pero hindi maiwasan ni Sierra na masaktan kahit pa siya ang may gusto noon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD