"Magandang gabi po, Manang Belle. Hindi po ako kasintahan ni Sir. Empleyado niya po ako." Ngumiti siya sa matanda. Lumapit ito sa kanya at niyakap siya. Bakit ba parang gustong-gusto ng matanda na niyayakap ako? Curious na tanong ng isip niya. "Naku, sayang at bagay kayo! Maganda magiging lahi ng anak ninyo!" wika nito habang pumapalakpak pa. Namula ang mukha ni Myrrh. Saglit din natigilan ang matanda ng makita ang mukha niya. "Ano nangyari sa labi mo hija?" "Ayy eto po?" tugon niya sabay hinawakan ang labi. "Kaunting aksidente lang ho." "Naku, magiingat ka sayang naman ang magandang mukha mo kung magkakaganyan!" bulalas nito. Kanina kasi ay hindi nahalata sa site dahil nakamask sya. "Opo Manang. Salamat ho." "Ay sya, halika na't kumain alam kong gutom na kayo dahil sa haba ng byahe

