KINABUKASAN sinag ng araw ang gumising kay Myrrh. Agad syang napa-aray ng matamaan ang sugat nya pagpihit nya... "Arrgghh! Aray!" At biglang unti-unting bumalik ang ulirat nya... napabalikwas sya at bumangon... Hinanap ng mata si Yled... s**t! Nagmamadali syang lumabas ng silid at sumilip sa baba... wala ito... nagmamadali syang bumaba at nakahinga sya ng maluwag ng makita nya ito sa kusina kasama si Manang Belle... "Oh iha, kamusta ka? Nakuuuu, okay ka lang ba ha?" nagaalala nitong wika "O-opo Manang Belle" matipid nyang sagot at ngumiti Naiilang sya sa tingin sa kanya ni Yled... Alam nyang nagtatanong ito... bahala na! "Kumain ka na muna at magbihis ka pagkatapos. May pupuntahan tayo" malumanay nitong turan habang tila ba tumatagos ang titig nito sa kanya Hindi sya sumagot at umupo

