NAGISING si Myrrh sa yugyog sa kanyang balikat. Namulatan nya ang nakatunghay na mukha ni Manang Nelia "Iha, bumangon ka na." wika nito Luminga sya at nakita nya na nasa kwarto na sya. "Anong oras na po Manang?" tanong nya. Hindi nya alam kung gano sya kaytagal nakatulog dahil sa pinaamoy ng Warren na yun "Alas dos na Iha." sagot nito. Syete! Tagal ko pala nakatulog! "Kumain ka na muna. Dahil maya maya lang ay darating na ang magmamake-up sayo" "Ano ho? Bakit po?" kunot noo nyang tanong "Ngayon ang kasal nyo ni Warren. Hindi mo ba alam?" takang tanong nito Anak ng pating! Agad-agad talaga??! Pano ba ko makakatakas sa lintek na sitwasyon na to! Tinitigan nya lang si Manang Nelia. Kagyat na itong tumayo "Sige na Iha kumilos ka na dahil baka hindi ka na makakain mamaya pag dumatin

