"P*ta! Ano yun?!" sigaw ni Wei. At bigla ng nagkagulo ang paligid. Maya maya pa ay may naririnig na sya na palitan ng putok ng baril. Napadapa sya dahil sa pagyanig at hindi sya agad makatayo dahil sa haba ng gown at bigat nito Lumapit Si Warren sa kanya at inalalayan syang tumayo. Giniya sya nito sa may gilid "Stay there!" Sabi nito bago tumakbo papunta sa nagpapalitan ng putok Stay there??? Ano ko aso?? Hiniklas nya ang belo sa ulo nya at hinagis sa kung saan. Dagli nyang hinawakan ang laylayan ng gown at tumayo.. May nakita syang baril sa tabi ng nakahandusay na tauhan ni Warren at kinuha nya iyon. Luminga sya para tignan ang sitwasyon at kung sino ang mga kalaban na lumusob. Nagliwanag ang mukha nya sa mga pamilyar na mukha na nakikipagsagupaan… dumating sila para iligtas ako!

