Nakakunot ang noo habang binabasa ang laman ng CV ng isang aplikante. Parang wala namang impressive sa mga accomplishments nito.
"Sir? Okay po ba ang credentials niya sa inyo?" wika ni Ms. Del Mundo kay Yled. "Para rin po hindi na kayo mahirapan at may EA na po kayo na tututok sa schedule niyo."
"Okay, send her in. Interviewhin ko muna," wika nito habang hinihilot ang sintido. Medyo may hangover siya ngayon at napadami ang nainom kagabi at nagpakalunod sa kandungan ng kanyang flavor of the month na si Jasmin.
Maya-maya pa ay iniluwa na ng pinto ang aplikante. Tinitigan niya ito. Maganda ang height na tantiya niya ay nasa 5'5" na nadagdagan pa dahil naka-heels ito ng 2 inches. Mahubog ang katawan na tinatago ng suot nitong blazer na may itim na kamison. Naka-pencil cut ito na skirt na lagpas tuhod at may maliit na slit sa may kaliwang bahagi. Maaliwalas ang mukha, matangos ang ilong at korteng puso ang hugis ng mukha. Ang bagsak na maiksing buhok na hanggang ilalim ng tenga lang ang haba. Nakangiti pati ang mata nito at ang labi. . .
Lunok! Napalunok sya.
"Good morning, Mr. Benavidez." Bati nito sa kaniya na pumukaw ng kanyang napalalim na pag-analisa ng kanyang kabuuan.
"G-Good morning. Have a seat." s**t! Bakit nabubulol ka? Wika ni Yled sa sarili
"Thank you, Sir."
"I'll go straight to the point, Ms. De Gracia. Why do you think that you deserve the EA position?"
Ayyy! hindi ako nainform na parang miss universe pageant pala ang level ng Q&A dito! Sigaw ng isip niya.
"Well ---" Hindi niya naituloy ang sasabihin ng biglang pumasok ang morenang babae na humahangos.
"What?" kunot-noong turan ni Yled sa empleyado. "Can't you see I'm in the middle of an interview?"
"Sorry, Sir! This is urgent. Dumating po ang mga member ng board and may urgent meeting daw po, ngayon na. Nasa conference po sila ngayon and demanding for the sales report of BEC." Humahangos pa ito habang nagsasalita
"What the ---!" Napatayo ito sa upuan. "Then go ahead and print the f*cking updated sales report and bring it to the conference room ASAP!" sigaw nito.
Ang toxic naman nitong maging boss. Kailangan talaga sumisigaw? Sa isip niya.
"Yes, Sir!" Mabilis din itong lumabas at humahangos na bumalik sa pwesto niya. Tanaw mula sa room ng CEO ang babaeng lumabas, Maya-maya pa ay napamura ito at namatay ang computer at ayaw mag-on. Mabilis nitong dinampot ang telepono at nagdial, ngunit makailang ulit pa itong nag-dial at ng may sumagot sa kabilang linya ay lalo itong nastress. Mabilis itong nagtatakbo muli papasok ng opisina ni Yled.
"Sir, we got problem!"
"What is it this time?!" bulyaw nito.
"Nagshutdown po ang PC ni Gracie and wala raw po ang IT natin ngayon naka-leave."
"B*llshit! Ano ba nangyari sa lintek na PC na iyan?" naggagalaiti nitong turan. "Wala bang may alam kung pano i-troubleshoot iyan?!" Parang pusa na hindi mapaanak si Yled at naihilamos na ang kamay sa mukha.
"Can I check what I can do, Sir?" turan ko at tumitig ng diretso rito.
Napahinto si Yled at napatitig sa aplikante. "IT ka ba? Ang nakalagay sa CV mo Psychology ang tinapos mo," nakakunot noo nitong tanong habang nakapameywang.
"Kailangan ba maging IT muna para makapagtrouble shoot ng computer?" Pambabara niya rito. "Mas okay na siguro na itry kaysa naman maghintay tayo rito sa wala at para kayong pusa na hindi mapaanak."
Hindi na pinansin ni Yled ang sarkastiko nitong tinuran. "Sige go ahead and see what you can do about it. If maging successful ka , tanggap ka na. Pero kapag hindi at inaksaya mo ang oras ko you better get out of my sight." Seryoso at nangangalit ang bagang nito.
"I think you better go to the conference room, Sir. Isusunod ko nalang ang files once naprint na." Feel na feel ko na talaga ang pagiging EA ng halimaw na ito.
Nagulat si Yled sa tinuran nitong antipatikang aplikante pero may point siya. "Okay, bring that f*cking report at the conference ASAP!" Bulyaw nito at sinuot na ang coat at lumabas ng opisina.
Agad niyang pinuntahan ang PC na sinasabi at hinugot niya lahat ng nakasaksak at isa-isa ulit isinaksak. "Pahiram ako ng VGA mukhang mahina na ang kapit nitong isang ito baka maluwang na."
Natuto siya magtroubleshoot ng PC noong nag-aaral pa siya. Research-research lang sa youtube. Akalain mo iyo,n magagamit ko pa pala sa ganitong mga pagkakataon.
Click! At bumukas na ang PC. Agad siyang umupo at pinakialaman ang computer.
"Got it!" mahinang wika niya.
"Oh my God! Naayos mo?" manghang-mangha na tanong sa kaniya ng babaeng kanina pa natataranta sa Boss nito. Base sa reaksyon nito tila ba isang imposibleng bagay ang nagawa ko.
Nilingon ko ito at tipid na nginitian. "Saan dito iyong kailangan iprint and ilang copies?"
"Yung Updated Sales Report ang file name. Ang galing mo, Girl!" bulalas nito.
"Magaling agad? Hindi ba pwedeng natsambahan lang?" Nginisihan ko ito.
Umiling ito habang nakangiti "Excited na ako to work with you! Salamat sa pag-save mo sa amin sa pagbuga ng apoy ni YBG," nakanguso nitong turan. "Sampung copies ang need na iprint pala, Girl. Maraming salamat ulit!" wika nito matapos siyang tapikin at nagmamadali ng bumalik sa pwesto niya na wari ba ay nailigtas ito sa bingit ng kamatayan.
Mabilis niyang tinipa ang computer at nagprint. Hinanda na rin ni Eve ang mga folders. Siya iyong morenang babae at iyong chubby naman ay si Kristine.
Maya-maya ay tumunog ang intercom at nagkukumahog na tinakbo ito ni Eve. "Yes, Sir?" sagot nito.
"Where the hell is the report I'm asking for?" Dumadagundong ang boses nito at kita ko ang panginginig ng kamay ni Eve habang naka-pindot sa intercom.
Lumapit ako kay Eve at ako na ang nagsalita sa intercom sa kalmadong boses "I'm on my way to the conference room, Mr. Benavidez" Sabay end sa call nito. Naiwang nakaawang ang labi ni Eve habang nakatingin sa mukha niya.
Nang matapos kong ayusin ang mga documents ay nilapitan ko muli si Eve. "Saan ang conference room, Eve?"
"Doon ang conference sa dulong kaliwa ng hall," sagot naman nito na halata pa rin ang kaba. Tinapik ko ito sa balikat at nginitian.
Humigit muna ako ng malalim na buntong-hininga bago marahan na naglakad papunta sa direksyon na tinuro ni Eve.