CHAPTER 2

1495 Words
Yled's POV "YOU'RE FIRED!" Naghuhuramentadong sigaw ni Yled Benavidez sa kanyang Executive Assistant. Gigil niya pang ihinagis ang mga folders dito habang nanginginig sa takot na nagligpit ng gamit ang EA at naglakad-takbo palabas ng opisina. Lahat ng mga empleyado ay halos ibaon ang mga ulo sa kanilang mga cubicle at baka sila pa ang mapagbalingan ng kanilang amo. Pabalibag na sinarado ni Yled ang pinto ng kaniyang opisina at pinagbabato ang iba pang folders na nasa lamesa. "D*mmit! B*llshit! " ulit ulit na mura nito. Isang malaking kliyente ang nawala dahil sa katangahan ng kaniyang EA. Nakalimutan nitong ilagay sa schedule niya ang meeting presentation dito dahilan para magalit ang may-ari nito at umatras sa deal. "Stupid! Stupid! M*ron! Idiot!" Habang hinahampas ang lamesa. Biglang bumukas ang pinto ng kanyang opisina. "What?" Bulyaw niya sa pumasok. "Hey! What happened, Dude?" Si Jarred ang VP for operations na matalik niya ring kaibigan. "Easy, Man! Pati ako parang gusto mo lamunin ng buo ah?" "Got no time for jokes, Man. D*mn it! Ang laki ng nawala sa atin dahil sa isang malaking katangahan!" "Chill lang, oy! This is not yet the end of the world okay? Kumalma ka nga. Marami pa namang naka-line up na pwede natin makuhang clients." Binagsak nito ang sarili paupo sa sofa at nag-cross legs. Ang kamay nito ay pinagkrus sa kanyang dibdib. "Kung ako sa iyo Bro hayaan mo na. Nangyari na eh." Humugot ng malalim na buntong-hininga ito. "Nga pala, have you read the report about the Jang Group? Yung pina-background check ko sa private investigator?" Pagiiba ni Yled sa usapan ngunit hindi pa rin nawawala ang badtrip nito. "Yep. Have you informed the authorities about this? Baka balikan ka ng mga iyon. Mahirap na." "Actually, napaisip din ako na kumontak na ng awtoridad tungkol dito pero nagdalawang isip ako dahil hindi ko alam baka hawak din ng Jang iyong mga makakausap ko at lalo ko ikapahamak." "Sabagay, napakalawak ng impluwensya ng mga lokong yun. Kailangan mo magdoble ingat. Mas mabuti ng magingat kesa ang mabigla ka nalang na nasa bingit ka na ng kamatayan. Kung gusto mo alarmahin na natin ang tropa para kung sakali," seryoso nitong wika. Ang tropa na tinutukoy ay ang organisasyon nilang kinabibilangan "Hindi ko na nga rin sana maalala pero kasi recently feeling ko may mga matang laging nagmamasid sa akin. Hindi ko alam, wala akong nakikitang mismong tao pero iba ang pakiramdam ko na parang laging may nakamasid. Nasabihan ko na sila pero sabi ko ay standby lang at nakikiramdam pa ako." "Baka naman isa lang iyan sa mga babaeng niloko at pinaiyak mo, Dude? Nakupo lagot ka na!" Sabay tawa ng malakas. "Gagi! Wala akong niloloko, bago ako pumatol nililinaw ko sa kanila na walang attachment at commitment. Hindi ako gaya mo, Loverboy!" Sinipa niya ito at umupo sa katabing sofa. "Hoy, pero seryoso magdoble ingat ka lalo at malaking mga siraulo pala ang mga kuneho na iyon. Kumuha ka kaya ng bodyguards?" sambit nito habang hinihimas ang binting sinipa ni Yled. "Ayoko, Dude. Kaya ko naman ang sarili ko. I'm a black belter alam mo yan." "At may magagawa ba ang pagiging black belter mo kapag bala na ng baril ang kaharap mo at isang katerba ang sumugod sa iyo, aber?" Angil nito sa kaibigan. Napaisip din sya. May point.. Malaking point actually. "Pag-isipan ko, Dude. Pero sa ngayon tinitimbang ko pa ang sitwasyon." "Ikaw ang bahala. Pero maging alerto ka lalo at nasa labas ka. Sige na layas na ako, may meeting ako ng 2pm. Tsaka maghahanap pa ako ng date para hindi kasing boring ng buhay mo ang buhay ko," pangaasar na sambit nito habang humahalakhak "Siraulo!" Binato niya ito ng ballpen habang tumatakbo palabas ng pinto. Krynn's POV Ilang araw na siyang nagmamanman sa BEC at sinusundan si Yled. Kumukuha rin sya ng iba pang impormasyon sa mga empleyado sa paminsan minsan niyang pagtatanong. Naulinigan niya ang paguusap ng dalawang babaeng empleyado na papasok ng building after bumili ng lunch. "Naku buti nalang talaga at guwapo iyan si sir kung hindi matagal na rin ako nagresign dito sa totoo lang," wika ng isang babae. Naka-pencil cut skirt ito na above the knee at nakablouse na pink na hakab sa katawan. Nakasuot din ito ng 3-inches heels. Morena ito, makinis ang balat at katamtaman ang taas. "Ibang klase magalit ano? Grabe! Nakakailang EA na siya sa loob lang ng dalawang buwan. Walang natagal sa kaniya. Kung ita-transfer ako as EA niya hindi ko alam kung kakayanin ko, Ghorl!" sambit nito habang kumukumpas-kumpas pa ang kamay nito. Medyo chubby ito pero maputi at makinis din ang kutis. "Oo sa sungit ba naman no'n eh! Maski ako ewan ko nalang. Nahihirapan na ang HR sa kaniya kakahanap ng EA," iiling iling nitong wika. "Hindi iyong kasungitan niya ang ibig kong sabihin na hindi ko kakayanin, iyong charm niya, Ghorl!" turan nito at sabay silang parang kinikilig ng kasama nito. Lumapit ako sa dalawang babae. "Hi, pwede magtanong?" "Yes?" medyo nakataas ang isang kilay na wika ng morenang babae. "Ahm, naghahanap kasi ako ng work. Pasensiya na hindi ko man sinasadya pero narinig ko kasi na may opening dito sa company nyo? Gusto ko sana mag-apply as Executive Assistant." Pinasadahan siya ng tingin ng dalawang babae at nagtinginan. "Ayyy! Perfect ka Girl! Samahan ka namin sa HR. May resume ka ba?" "Naku, wala eh nagbakasakali lang muna sana ako," napakamot niyang turan. "Naku Girl, kapag ganiyan ka ng ganiyan baka lamunin ka ng buo ng CEO! Ayaw no'n ng hindi prepared!" napatawang wika ng chubby na babae "Huy, ano ka ba? Baka mag-backout iyan! Para hindi na rin tayo nahihirapan saluhin iyong naiwang trabaho ni Gracie," wika ng morenang babae. "Ah tara samahan ka namin sa HR. Ano pala pangalan mo?" "M-Myrrh," nautal kong wika. Shocks! Hindi pala ako handa! "Let's go!" At pumasok na sila sa elevator. Dinala siya ng mga ito sa HR at ipinakausap sa Head nito. Nilinga niya ang paningin sa kabuuan ng opisina. Maayos at parang mga subsob sa trabaho ang mga empleyado. Bumukas ang pinto ng isang silid na marahil ay opisina ng Head ng HR at iniluwa ang isang babae na halos nasa 40's na ang edad. Pinag-aralan niya ang itsura at pino-profile ang personality nito. Mukha naman itong professional. Nakablazer ito ng itim na may panloob na puting kamison. Naka-slacks at naka-heels din ito. Kagyat itong ngumiti ng tumingin sa dako niya. "Good afternoon. Are you the one that Ms. De Vera and Ms. Kansa are referring to? The one who wanted to apply as Executive Assistant? By the way, I'm Ms. Del Mundo the Head of the HR Department," malumanay at nakangiti nitong turan at kinamayan siya. "Let's come inside my office." "Good afternoon. Yes Ma'am, Im Myrrh De Gracia. I just actually overheard that your company is in need of an EA to the CEO. And it's a good timing that I am also looking for a job that's why I approached and asked them. That being said, it is also the reason why I cannot hand any CV or resume to you as of the moment but rest assured that I can send it to your email the soonest possible time or hand it tomorrow here at your office first thing in the morning," mahabang turan niya habang naglalakad papasok ng opisina nito. Pakitang gilas lang teh? "Please have a seat, Ms. De Gracia. I will be very honest, I'm impressed with your communication skills. But yes, I still need to see your credentials and your CV so I can submit it to the CEO and schedule you for an interview. I just would like to let you know that CEO YGB is not easy to handle. Sobrang short-tempered at parang bumubuga ng apoy kapag may mali o hindi nagawa na inutos niya. Mas mabuti ng properly oriented ka na para handa ka at hindi ka na ma-shock kung sakaling makita mo ang side niya na ito. Now, are you still willing to apply?" Paninigurado nito pagkatapos ng kaniyang rebelasyon tungkol sa boss. "Yes, Maam. Sabi nga nila, there's no harm in trying. Hindi naman po siguro niya ako gigilitan ng leeg kapag nagalit sya?"" nakangiti kong turan dito. "That I cannot assure you," sagot nito habang pinipigil ang tawa at naaliw sa sinabi niya. "I think I can handle him, Ma'am. Dahil alam ko naman po na hindi nakakamatay ang bulyawan. As long as my neck will not be on the line, push tayo diyan, Ma'am," tila ba kumportable kong turan dito. Magaan siya kausap at hindi naman terror kaya binatuhan ko na ng mga simpleng kalokohan. "I like you, Ms. De Gracia. Do your best para i-accept ka niya as EA. Please come over dito sa office bukas ng 8am and bring your CV." "Yes, Ms. Del Mundo. Thank you very much and have a great day." Tumayo na ako at kinamayan sya. "See you tomorrow, Ms. De Gracia."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD