WARREN JANG'S POV Hindi nya maipaliwanag ang galit na nararamdaman nya ng nakita nya ang itsura ng dalaga kanina. Parang gusto nyang laslasin ang leeg ng mga hayup nyang tauhan kasama na ang kapatid nya sa mga pinaggagawa ng mga ito dagdag pa na nakita nyang nakadagan dito ang kapatid nya habang pinagtatangkaang halayin. "Apat na taon. Nakuntento nalang akong tanawin ka at mahalin ka sa malayo" malungkot na turan nito habang ginagamot ang mga sugat nito --------FLASHBACK----------- Masaya nyang hinihintay ang fiance' nya sa isang coffee shop. Excited sya laging makita ito at hindi na sya makapaghintay na makasama ito habambuhay. Sa kabila nito ay ang malaking agam-agam nya na matuklasan nito ang lihim ng kanyang pamilya. Ipagtatapat na lamang nya ito kapag tapos na ang kasal nila na

