NAGMULAT si Myrrh ng maramdaman sa balat ang sinag ng araw na tumatama sa mukha nya. Ang sakit sakit ng katawan nya. Napabalikwas sya ng maalala ang nangyari. Shit! Wika nya at sinipat ang sarili nya. Nakita nyang may gasa na ang sugat nya sa noo na umumpog sa pader. Muling sinipat ang sarili at nakita nya ang malaking pasa sa braso nya na kulay violet. Sunod ay hinimas ang pisngi na kumikirot din sa sakit Nanlalaki ang mata nya… dahil iba na din ang suot nyang damit… Pashnea! Sino nagpalit sakin??? Napaawang ang labi nya na napatulala… Maya maya ay tumayo sya at luminga sa kwarto kung nasan sya...hindi ito ang kwarto na pinagdalhan sa kanya kahapon at wala na din tali ang mga kamay at paa nya… Parang lalaki ang may-ari ng kwarto dahil sa interior nito dagdag pa ang pabango na na

