“Magandang araw po, Madam!” bungad sa kanya ng sekretary ng asawa bago pa siya makapasok sa mismong opisina nito sa loob ng munisipyo.
Nginitian niya lang ito at nagtuloy-tuloy ng paglalakad.
“Um, Madam, wala po si sir sa kanyang office,” saad ng babae nang habulin siya nito para pigilan.
“Huh? Saan siya nagpunta?” pagtatakang tanong niya.
“May meeting daw po siya sa abogado niya ngayon.”
“Huh? Bakit hindi na lang ang abogado niya ang pinapunta niya dito?” bumalik siya dito para kausapin ang babae. Iyon naman kasi ang ugali ng asawa, hindi ito basta-basta umaalis sa office nito hangga’t hindi importante ang gagawing lakad.
“Urgent po yata. Marami daw po kasing inaasikaso si Atty. Delmundo kaya siya na lang po ang pumunta sa office ng abogado niya,” paliwanag nito.
Napakunot siya ng noo. Masyadong urgent naman yata iyon at kailangan pa nitong ito mismo ang sumadya sa sariling abogado?
Kalaunan ay ipinagkibit balikat niya na lang iyon. Dala ang pagkain na pagsasaluhan sana nilang mag-asawa ay bumalik siya sa bahay. Nawala ang gutom niya kung kaya inilagay na lamang iyon sa loob ng fridge. Kapagkuwan ay gumaya ulit upang pumunta ng mall para bumili ng susuotin niyang damit para sa fifth wedding anniversary nila ng asawa sa darating na linggo.
***
“I need to talk to you,” saad ni Arnulfo isang hapon noong pagkauwi nito galing ng trabaho. Naabutan siya nitong nagluluto para sa hapunan.
Ganito na talaga siya, kahit pa may mga kasambahay ay gusto niyang pinagsisilbihan ang asawa.
“Oh, Mahal! Ang aga mo naman yatang umuwi?” bahagya pa siyang nasorpresa nang sumulpot ito sa likuran niya. Lumapit siya dito upang gawaran ito ng halik sa labi ngunit buong pagtataka niya noong umilag ito.
“We need to talk, in my office,” saad ng lalaki sa seryosong tono ng boses pagkatapos ay tinalukuran na siya.
Napamaang lang naman siya kasabay ng marahang pagtango. Itinigil niya ang ginagawa. Mukhang hanggang ngayon ay wala sa mood ang kabiyak kung kaya agad na sinundan ito. Pansin niya na may hawak itong isang folder sa kanang kamay. Pagkapasok niya sa opisina nito ay ito na mismo ang nagsarado ng pintuan. Kapagkuwan ay nagdirediretso ito sa likuran ng office table, binuklat ang hawak hawak na folder, ipinatong sa lamesa at inilapit sa kanya para makita niya.
Yumuko naman siya para basahin iyon.
“I want an annulment,” saad ng lalaki sa maawtoridad na tono ng boses.
Kunot ang noo niyang naiangat ang paningin dito.
“Did I hear it right? Annulment? Alam mo ba ang pinagsasabi mo, Mahal?” natatawa pa siya na tila ba isang joke lang ang narinig niya mula sa asawa.
“You heard me loud and clear. I want an annulment, I want our marriage to be void,” sunod na saad nito na namulsa pa.
Sa puntong iyon ay hindi siya nakaimik ng ilang segundo. “B-but why? Anong problema? May ginawa ba akong masama? Bakit ka nakikipaghiwalay sa akin?”
“You know what I want. Ever since nagpakasal tayo naging vocal na ako sa gusto kong mangyari. I want a child. At dahil hindi mo rin naman maibigay iyon sa akin, mas mabuti pang maghiwalay na lang tayo,” walang pasakalyeng wika nito.
Napamaang siya sa narinig. Hindi siya makapaniwala sa pabigla biglang pagdedesisyon nito. Dahil lang sa hindi niya ito agad-agad mabigyan ng anak ay makikipagpaghiwalay na ito? Ang ibang couple nga mas matagal pa sa kanila pero nakapaghintay naman. Para saan pa yung nilaan nilang sandamakmak na effort at pagkarami raming pera para lamang matupad ang pangarap nila kung sa huli ay maggi-give up din pala ito?
“You can’t do this to me Arnulfo! Sabi mo maghihintay tayo hanggang sa dumating ang tamang panahon na biyayaan na tayo ng anak. Bakit sumusuko ka na ngayon?” naipalo niya ang palad sa lamesa sa biglaang galit na naramdaman.
“Hindi na. Masyadong matagal na. Ayokong maghintay pa ng ilang taon.”
“Malay mo naman, next year meron na, we just have to be patient!” nilapitan niya ang lalaki para hawakan ang kamay nito pero iniilag nito iyon. “Hindi mo na ba ako mahal? Sumumpa tayo sa harapan ng Diyos na magsasama habang buhay. Hindi mo dapat iniisip ang ganitong bagay. Ikaw pa ang nagsabi noon na hindi natin magiging option ang paghihiwalay once na dumaan tayo sa mga problema pero bakit.. “ hindi na niya naipagpatuloy pa ang sasabihin nang sumingit na ito.
“Enough, Carmina! Ayoko nang makarinig ng kung ano-ano pa,” sigaw nito sa kanya. “Just sign the paper and we’re done!” sunod pa nitong utos.
Hindi na siya nakaimik pa noong marinig ang pagkalutong lutong na pagbanggit nito sa pangalan niya. It’s been a while since she heard him call her by her name. Ngunit ngayon niya lang din napansin na hindi na rin pala siya nito tinatawag sa terms of endearment nila. Halos manginig siya sa galit sa nararamdaman dito. Matalim na pinakatitigan niya ang lalaki. Umiwas naman ito sa mga tingin niya. Hindi niya alam ang gagawin pero hinding-hindi niya pipirmahan ang papeles na iyon. Sa inis ay kinuha niya iyon at pinunit at nag-iiiyak na lumabas ng opisina nito. Kinuha niya ang susi ng sasakyan at nagtuloy tuloy sa labas. Sumakay sa kanyang SUV at sa sumunod pang mga sandali ay pinaharurot na iyon sa kalsada.