Chapter 3

1888 Words
Sa isang ancestral church siya napadpad may ilang milya rin ang layo mula sa lungsod na tinitirahan nila. Magtatakip-silim na iyon at usually ay hindi na siya pinapag-drive ng asawa kapag sumapit na ang gabi pero sa oras na iyon ay wala na siyang pakealam pa. Doon sa loob ng simbahan, sa harapan ng altar ay lumuhod siya at inilabas niya ang sama ng loob habang nag-iiiyak. Idinulog niya sa Diyos ang mga hinanakit sa buhay lalong-lalo na sa asawa. Hindi niya ito maintindihan. Alam niyang mahal pa siya nito pero bakit mas pinipili nitong makipaghiwalay kesa sabay nilang harapin ang pagsubok na iyon sa kanilang buhay. Ngunit sandali siyang napa-isip. Mahal pa ba talaga siya ng lalaki eh kung makapag desisyon nga ito na hiwalayan siya ay hindi man lang nito iniisip kung masasaktan ba siya o hindi? Dalawang oras din siya namalagi doon. Noong halos wala na siyang mailabas pang mga luha ay tsaka na niyang napagpasyahang umalis. Masama pa rin ang loob niya noong lumabas siya ng simbahan. Hindi niya tuloy napansin na may sumusunod pala sa kanyang isang matandang babae habang papunta siya sa kanyang nakaparadang sasakyan. “Nako, Nay, tinakot n’yo naman po ako,” saad niya nang lingunin ito. “Pasensya na ‘nak, gusto ko lang makabenta kahit isa lang, bago ako umuwi,” wika naman ng estranghero. Makikitaang may sukbit itong isang bag sa balikat. “Ano po ba ang itinitinda ninyo?” tanong niya na lang kahit wala siyang interes sa kung anong mga bagay na inilalako nito. “Eto meron akong mga agimat, at mga pangpaswerte,” itinaas nito ang dalawang kamay na may hawak na kakaibang itsurang mga kwintas at mga maliliit na garapon. “Nako Nay, hindi naman po ako gumagamit ng mga ‘yan,” iling niya nang makita ang mga iyon. “Sige na, kahit isa lang ang bilhin mo sa akin,” pamimilit pa nito. “Eh, meron po ba kayong iba pang itinitinda?” “Wala na eh, ito na lang,” ipinakita nito ang loob ng bag na naglalalaman pa ng mga kaparehas na bagay na kasalukuyang hawak-hawak. “Ano ‘yan? Bakit naman ang dami nyong picture na dala-dala?” pag-uusyosa niya nang makita pa ang ibang bagay na naroon. “Wala, galing lang ‘yan sa mga customer ko sa panggagayuma,” sagot nito. “Ho? Nanggagayuma kayo?” medyo nagulat siya sa sinabi ng kausap. “Oo, Nak.” “Eh, totoo ho ba yan?” “Dipende sa iyo kung maniniwala ka. Bakit, may gusto ka bang ipagayuma?” seryosong pakli ng matanda. Bigla siyang natigilan sa itinanong nito at kapagkuwan ay napatingin sa mataas na krus na nasa ituktok ng bubong ng simbahan na pinasukan kanina. Alam niyang salungat iyon sa paniniwala ng kanyang relihiyon ngunit sa sitwasyon niya ngayon gusto niyang subukan kung makakatulong iyon sa personal na problemang kinakaharap niya. Ilang minuto pa silang nag-usap ng matandang babae at sinabi nga nito kung ano-ano ang mga bagay na kailangan upang maisagawa nito ang ritwal na iyon. Hiningian siya nito ng picture ng asawa niya but unfortunately ay wala siyang maibigay noong mga oras na iyon, kung kaya hiningian na lamang siya nito ng mga personal na bagay ng kabiyak. Naalala niya, nadala niya pala minsan ang panyo nito noon at naiwan sa kanyang sasakyan. Binuksan niya ang pintuan ng sasakyan at kinuha iyon mula sa glove box nito at ibinigay sa matanda. Tinanggap naman iyon ng ale, at sinabihan siyang oorasyunan daw nito iyon gabi-gabi hanggang sa bumalik ang pag-ibig ng asawa niya sa kanya. Hindi man masyadong kumbinsido sa gagawin ng matandang babae ay naniniwala siya na babalik ang asawa sa piling niya. Sa huli, bago sila nagkahiwalay ng matanda ay pinasobrahan niya ang bayad dito, tulong na rin sa kalagayan nito. Kinawayan pa siya nito nang paandarin niya ang sariling sasakyan palayo sa lugar na iyon. Umuwi siya sa bahay nila mag-aalas nuebe na ng gabi. Hanggang ngayon ay mabigat pa rin ang dibdib niya sa nangyari. Lalo na nang datnan ang lalaki na himbing nang natutulog. Hindi man lang ito naghintay sa pag-uwi niya na siyang ginagawa nito noon. Ni hindi man lang ito nag-alala na baka napaano na siya sa labas habang nagmamanehong may galit na nararamdaman. Sa sama ng loob ay natulog siya noong gabing iyon sa kabilang kuwarto. Pero bago iyon ay nilapatan niya muna ng halik ang asawa sa pisngi at inayos ang kumot nito. Kahit may pagtatalong namagitan sa kanila kani-kanina lamang ay nangingibabaw pa rin ang concern niya sa lalaki. Kailangan niya lang makaisip ng paraan upang magbago ang isip nito, kahit man lang ma-extend ang pagsasama nila kahit sa maiksing panahon man lang. Kinabukasan ay maagang siyang bumangon. Pinagluto niya ang asawa. Nagtataka pa si Arnulfo noong makita siyang naghihintay na dito sa hapagkainan. Akala siguro nito, dahil sa gustong mangyari ng lalaki ay hindi na niya ito pagsisilbihan pa. Pumwesto si Arnulfo sa upuang malayo sa kanya at agad na sinimulang kumain. “I want you to know na hindi ako sang-ayon sa gusto mong mangyari. But because that's what you want, pagbibigyan kita. I will sign that annulment paper, pero sa isang kundisyon,” mahinahong saad niya sa gitna ng pagkain nila ng agahan. Tiningnan lang siya nito at naghihintay ng iba pa niyang sasabihin. “Sa loob ng tatlong buwan, uuwi ka sa bahay na ito, sabay tayong kakain, matutulog tayong magkatabi, at gagawin pa rin natin ang mga karaniwang ginagawa ng mag-asawa. We’ll go out on dates, and have fun like we usually do. Gagawin mo ang mga iyon na walang pilitang mangyayari,” wika niya dito habang nakataas ang noo. “What? Are you crazy?” magkasalubong ang mga kilay na pagmamaktol naman nito. “In just 3 months Arnulfo, 3 months lang naman,” may pakiusap pero maawtoridad ang pagkakasabi niyang iyon. Hindi naman agad nakasagot ang kausap at tila ba ay nag-iisip pa. “Nakahanap ka na ba ng ibang babaeng ipapalit mo sa akin? Yung kaya kang bigyan ng maraming anak?” “What are you talking about? You know that I am not that kind of person!” madilim ang mukha nitong sagot sa paratang niya. Marahan naman siyang tumango. Naniniwala siya dito dahil kilala niya ang lalaki. Alam niya ang history ng past nito sa mga naging karelasyon nito dati at hindi nga ito ang uri ng lalaking bago pa man makipaghiwalay ay may nakareserba na agad. “I believe you, but hear me out first. I know that we’re on the stage of ending up our marriage pero parang awa mo na huwag ka munang maghahanap ng iba. ‘Yon lang ang pakiusap ko sa iyo for the very last time. As soon as matapos ang 3 months, first thing in the morning, ako mismo ang magbibigay sa iyo ng signed documents na kailangan mo,” saad niya pa. “Fine!” padabog nitong ibinaba ang gamit na kubyertos, pinunasan ng napkin ang bibig at kahit hindi pa tapos kumain ay tumayo na. “By the way, it’s our anniversary tomorrow, you know what you should do,” pahabol pa niyang paalala bago pa ito lumabas ng dining area. Napahinto ito sa paglalakad pero agad ring ipinagpatuloy noong matapos na siya sa pagsasalita. *** Kinabukasan. Kung nag-eefort na siya every time may okasyon silang sini-celebrate ng asawa, ngayon ay doble ang ginawang niyang pag-eeffort. Nagpaganda siya, inayos ang buhok, naglagay ng kolorete sa mukha, at nagsuot ng sexy na damit. Humahalimuyak ang amoy niya noong lumabas sa kuwarto. Pababa pa lamang sa unang palapag nang makita niya ang asawa sa ibabang baitang ng hagdanan na naka pormal rin ang pananamit, bagamat nakasimangot ang mukha ay dala naman nito ang malaking bouquet ng red roses sa kaliwang kamay nito. Ito ang karaniwang ginagawa nito sa tuwing magdi-date sila, palaging may pa-bulaklak. Dahan dahan siyang pumababa habang may ngiti sa mga labi. Natutuwa siya at nakikipag-cooperate ang asawa sa napagkasunduan nila. Hindi lang siya sigurado kung may regalo rin ito na palagi nitong ginagawa kapag ipinagdiriwang nila ang anibersaryo. “Happy Anniversary,” ito na ang unang bumati sa kanya pero halos kasing lamig ng yelo ang pagsasabi nitong iyon. Walang ka-emo-emosyon. Iniabot lang nito sa kanya ang bulaklak at nauna nang naglakad papunta sa sasakyan na nakaparada at naghihintay lang sa kanila sa tapat ng pintuan ng bahay. Napalis ang ngiti niya sa tinuran nito. Sinundan niya lang ito pagkatapos magpakawala ng isang malalim na buntong hininga. Kailangan niyang magtiis at pakisamahan ang pagsusuplado ng lalaki habang hinihintay na tumalab ang panggagayuma niya dito. Sa loob ng sasakyan ay wala silang imikan hanggang sa makarating sila sa isang Korean fine dining restaurant na matagal na niyang ipina-reserve para sa 5th wedding anniversary nila. “Mahal, Mom and Dad are expecting us to go to Palawan for our three-day and two-night stay at our resort. They will be there kasi dadalaw sila Uncle Ben at Auntie Clara. Remember them? They are one of our ninong and ninang sa kasal ,” inform niya dito pagkatapos lunukin ang isinubong pagkain. Sarili nilang pag-aari ang nabanggit na resort na sa limang taong pagsasama ay nakagawian na nilang pumunta roon sa tuwing magsi-celebrate sila ng wedding anniversary. “I can't go. Marami akong kailangan gawin sa trabaho,” sagot naman nito na hindi man lang siya tinitingnan. “I told you about this last month, and you said we can go,” may bahid ng pagtatampo ang pagkakasabi niyang iyon. “Last month iyon. You know my job, kailangan nila lagi ang assistant ko,” idiniin naman nito ang pagsasabi. Hindi naman siya agad nakasagot. Alam niyang nagrarason lang ito para hindi makasama. Kilala niya ang asawa, hindi muna ito papayag na pumunta sa ibang lugar hanggat hindi nito naaayos ang schedule nito sa trabaho. Knowing na umoo na ito last time that means nakapag-file na ito ng leave noon pa man. “Mahal, kung pupwede sana, huwag muna nating ipahalata sa kanila na hihiwalayan mo na ako soon,” pakiusap niya. Nagtagis naman ang bagang ng asawa sa yamot na naramdaman. Kung pupwede lang itong mag walk out noong mga oras na iyon ay ginawa na nito ngunit naalala nito ang napagkasunduan nila. “Fine, we’ll go!” medyo naitaas nito ang boses sa pagsasabing iyon. Mahabang katahimikan ang sumaklob sa kanila sa mga sumunod na mga minuto. Patapos na sila kumain noong may kunin siya sa loob ng dala dalang maliit na bag. “Happy Anniversary, mahal,” may ngiti sa labi niyang inilapag iyon sa lamesa sa harapan ng lalaki. Sandaling natigilan si Arnulfo. Kinuha nito iyon at itinabi. “Aren't you going to open it?” request niya. “Mamaya na, wala rin naman akong ibibigay sa iyo.” “You have given me flowers, and that's enough.” Hindi na ito umimik. Ni hindi man lang nagpasalamat sa ibinigay niyang regalo. It was an expensive pair of cufflinks na ikinakabit sa ibabang sleeves ng tuxedo. Kelan lang kasi ay nawala ang isang pares na madalas nitong gamitin. Pagkatapos noon ay hindi na sila nag-imikan pa hanggang sa makauwi ng bahay. Nauna na ito sa kuwarto at agad nang natulog. “I love you, mahal,” sambit niya dito pagkatapos hagkan ito sa pisngi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD