Magkahawak ang mga kamay nilang umakyat sa entablado noong dumating ang araw na iyon. Sa isang malaking convention hotel sa Manila ginanap ang paggawad ng parangal sa mga huwarang personalidad.
“First and foremost, I want to extend my heartfelt gratitude to this organization, for this incredible recognition. I am deeply honored and humbled to stand before you today as a recipient of this prestigious award. Ang parangal na ito ay hindi lamang pagpapatunay sa aking mga pagsisikap, kundi isang salamin rin ng hirap at dedikasyon ng buong koponan na sumuporta sa akin. I share this honor with each and every one of them, as well as my constituent, dahil ang kanilang dedikasyon ay naging instrumento sa ating tagumpay… While this award is a moment of personal recognition, it is also a reminder of the work that lies ahead. There is still much to be done in our pursuit of a better tomorrow – a tomorrow defined by equality, justice, and opportunity for all. Sa pagdiriwang ngayong araw ng ating tagumpay, huwag nating kalilimutan ang kahalagahan ng pagkakaisa in achieving our goals. Sama sama po nating lampasan ang anumang hadlang sa magandang kinabukasan ng susunod na henerasyon. Once again, thank you from the bottom of my heart for this incredible honor. I am truly grateful, and I pledge to continue serving with integrity, compassion, and dedication.”
Sa ginawang speech ni Mayor Arnulfo Ledesma, lahat ng mga tao roon ay nagsitayuan at nagpalakpakan, kabilang na siya na mangiyak ngiyak lang sa isang tabi sa mga nakamit na achievement ng asawa. Ilang buwan na lang at matatapos na ang termino nito at hindi pa nila napag-uusapan kung ano ba ang balak nito. Kung magpapatuloy ba ito sa pagtakbo sa mas mataas na posisyon o magpapahinga muna sa susunod na eleksyon. Sa palagay niya ay hindi na niya iyon malalaman pa ngayong masyadong malayo na ang loob nito sa kanya bagama’t masaya siya sa anumang magiging desisyon nito. Gaya nga ng sinabi niya noong magpasya itong tumakbo noon bilang Mayor, that she will support him all the way.
It was a tiring day dahil nagkaroon pa sila ng salo-salo na siya rin ang nag-conduct. Inimbitahan niya ang lahat ng constituent ng asawa, maging lahat ng kaibigan nito mapa-personal man o sa pulitika. Pagsapit ng dilim ay napagpasyahan niyang mauna nang umuwi dahil nakita niyang masaya pa itong nakikihalubilo sa mga bisita. After a few hours, dumating na lamang ito sa bahay na lulugo lugo. Mukhang naparami ang alak na nainom ng lalaki na never pa naman nito ginawa noon. Arnulfo is a moderate drinker.
Inalalayan niya ito noong medyo hirap na umakyat sa hagdanan.
“Uh! Hayaan mo ako. Kailangan ko nang masanay mag-isa!” tabig nito sa kanya. “Oo nga pala, salamat sa lahat ng effort mo today,” anas pa nito na hindi man lang siya nilingon bagkus ay nagpatuloy pa rin sa paghakbang paakyat sa pangalawang palapag.
Hindi niya naman alam kung anong mararamdaman noong mga oras na iyon. She was happy na na-appreciate nito ang mga ginawa niya ngayong araw pero ang marinig mula dito na kailangan na nitong masanay mag-isa, it breaks her heart. Hindi pa rin niya tanggap hanggang ngayon na maghihiwalay na sila.
“Mahal, let me help you!” saad niya sa asawa nang mahintakutan na baka magkamali ito sa pag-apak sa hagdan, mahulog at magpagulong gulong pababa. Hindi naman na sumagot ang lalaki nang kunin niya ang braso nito at ipatong sa kanyang balikat.
Dinala niya ito sa kwarto nila, inihiga sa kama. At dahil hindi na nito kayang asikasuhin ang sarili ay napagpasyahan niyang siya na lamang ang magtanggal ng mga damit nito.
“This is not the life that I am dreaming, Carmina. I want to have a family, I want to have children. Simpleng bagay lang naman iyon hindi mo pa maibigay,” tila paglalabas rin nito ng sama ng loob habang pikit ang mga mata.
Napatingin lang siya dito habang inaalis ang sapatos nito.
“Mabibigyan naman kita ng anak, mahal. Kailangan mo lang maging patient,” sagot niya pero sa isip lamang. Narinig niya kasi ang lalaki na kasalukuyan nang himbing sa pagtulog at naghihilik na.
Dahan dahan niyang inalis ang damit nito, sinimulan niya ang barong tagalog nito at ang t-shirt at noong tatanggalin na niya ang pants nito ay nabigla siya nang walang ano ano ay palapit siyang hatakin ng lalaki. Napaibabaw siya sa katawan ng asawa at hindi na nakaimik nang hapitin nito ang mukha niya at hagkan ang kanyang mga labi. Pipigilan sana niya ito ngunit nanaig rin ang pagka-miss sa asawa kung kaya hinayaan na lamang ito sa gusto nitong gawin. Noong gabing iyon, pagkatapos ng ilang linggong walang nangyayari sa pagitan nila, tila ba para silang isang couple na bagong kasal pa lamang. Wari’y sabik na sabik sa isa’t isa. Ang ipinagtataka niya kahit may galit sa kanya ang asawa, sa mga oras na iyon, sa kabila ng pagiging lasing nito, marahan pa rin ang mga paghaplos at pagyakap na ibinibigay nito sa kanya.
Napakasaya ng puso niya noong gabing iyon, pero agad namang napawi noong magising siya kinabukasan sa mga ingay na dulot ng pagdadabog ng lalaki.
“What’s wrong, Mahal?” tanong niya nang makita si Arnulfo na naghahanda na upang makapaligo.
“What’s wrong? Hindi ba dapat ako ang nagtatanong sa iyo nyan?” singhal nito umagang umaga. “Maghihiwalay na tayo and yet hinayaan mo pang may mangyari sa atin?”
“Anong problema doon eh mag-asawa pa rin naman tayo?” bulalas niya rin. Tapis niya sa hubad na katawan ang makapal na comforter.
“Baka nakakalimutan mong nandito lang ako dahil sa napagkasunduan natin!”
“I know, but isn't it part of our agreement?”
“Nahihibang ka na ba? Payag ka na may nangyayari pa sa atin kahit eventually maghihiwalay na tayo?”
“Why not? In the first place wala naman akong ginawang masama. Hindi ko kasalanan na hanggang ngayon wala pa rin tayong anak, Arnulfo. Kung gusto mo akong hiwalayan, fine, but gusto ko namang pagbigyan muna ang sarili ko na i-enjoy ka for the short period of time. Hindi yung basta basta mo na lang akong iiwan. At least, sa ganitong paraan maire-ready ko na ang sarili ko sa mangyayari,” emosyonal niyang sabi.
Nagpailing ito. “You’re crazy!” saad nito at tuluyan na siyang tinalikuran upang pumunta ng banyo para makapaligo.
Mangiyak ngiyak naman siyang tumayo. “ I guess so. Sadyang mahal lang kita, Arnulfo, kaya kahit nagpapakatanga na ako, okay lang,” naibulong na lamang niya iyon sa sarili.
Inihanda niya ang susuotin ng asawa sa araw na iyon. Kahit noon pa man ay sa tuwing may pagtatampuhan sila ay hindi pa rin niya nakakaligtaan na asikasuhin ito. Doon lang gumagaan ang loob niya at isa sa kaligayahan niya ang pagsilbihan ang lalaki.