Sa mga sumunod na gabi ay napagpasyahan nitong huwag nang matulog sa kuwarto nilang mag-asawa. Umuuwi pa rin naman ito sa kanilang bahay pero sa ibang kuwarto na ito dumudiretso. Halos hindi na rin niya ito nakakasabay sa pagkain kung kaya siya na ang nagdadala ng food para sa pananghalian nito. Gusto man niyang ipaalala dito ang nalalabag nitong rules sa napagkasunduan nila pero ayaw na niyang galitin pa ang lalaki. Madalas kasi ay nakainom itong umuuwi ng bahay at gabing gabi na kung dumating. Nalalapitan na lamang niya ito kapag himbing na ito sa pagtulog. Datapwat kahit ganoon na ang sitwasyon nila, sa gitna ng gabi ay hindi pa rin niya nakakalimutang tumayo upang puntahan ito sa kuwarto ng lalaki upang hagkan ito sa pisngi.
“Mahal, inaapoy ka ng lagnat,” nataranta siya nang maramdaman ang mainit na balat ng lalaki nang hagkan niya ito isang gabi bago siya matulog. Nakita niyang nanginginig din ito habang nakatabon ng kumot ang katawan.
Gabing gabi na nang dumating ang lalaki galing sa isang feeding project na kinunduct nito sa kanilang bayan. Nakatulog na rin siya noon kaya noong magising at maalala ang asawa ay pinuntahan niya ito sa kuwarto nito at ito nga ang kanyang naabutan. Marahil nagkasakit ang asawa sa sobrang pagod nito dinagdagan pa ng masungit na panahon kanina.
“Here, uminom ka ng gamot,” saad niya nang makakuha ng gamot sa medicine cabinet na nasa kanilang banyo. Ininom naman nito iyon ngunit lumipas na lang ang ilang oras ay hindi pa rin bumababa ang lagnat ng asawa. Pinunasan niya ang buong katawan nito ng basang bimpo pero dahil wala pa ring pagbabago ay tinawagan na niya ang kanilang family doctor upang papuntahin doon.
“We have to rush him to the hospital, his blood pressure is too high. A stroke accompanying with a high fever is very dangerous,” saad ng doctor na naalarma rin matapos i-check ang blood pressure ng Mayor.
Nataranta naman siya at agad na nag patulong sa body guard ng asawa na buhatin ito papuntang sasakyan. Sa narinig mula sa Doktor ay halos abot langit na ang pag-aalala niya sa kalagayan ng kabiyak. Ang totoo ay health conscious naman ang lalaki, napakadalang lang nitong magkasakit, pero ngayong nagkasakit naman ito ay bakit parang binawi nito ang mga panahon na sobrang sigla at lakas nito. Paano’y halos hindi na ito makagalaw, hindi na rin ito sumasagot kahit anong pagkausap nila dito, ni idilat ang mga mata ay hindi nito magawa.
She felt anxious that time. Natatakot siyang mawala ang asawa. Ito lang ang buhay niya at kung may mangyari ditong masama ay baka hindi niya kayanin. Sa pagkakasakit nito ngayon ay hindi niya tuloy maiwasang sisihin ang sarili. Aminado siya na napabayaan niya na ang asawa. Dahil sa gabi niya na lamang ito nakikita ay hindi na niya ito madalas naaasikaso. Dumistansya rin siya dito dahil nga ayaw niyang istorbohin pa ito. Alam niya na malaking factor ang stress patungkol sa pinagdaraanan ng kanilang married life ngayon kung bakit rin ito nagkasakit, dinagdagan pa ng stress sa trabaho, lalo pa’t malapit na matapos ang termino nito.
Pagdating sa ospital ay agad itong inasikaso ng mga Doktor. And knowing na isang Mayor si Arnulfo ay VIP ang naging treatment ng mga ito dito. Nag-undergo agad ito sa pagkarami raming test, at agad nang binigyan ng gamot para maging normal ulit ang blood pressure nito. Samantalang bumaba na ang lagnat nito nang pasukan ng gamot ang dextrose na ikinabit dito pagkarating na pagkarating pa lamang sa ospital.
“Maswerte ka at hindi ka natuluyang ma-stroke. Mabuti at agad kang nadala dito sa ospital, naagapan ang paglala ng kalagayan mo. Be thankful to your wife,” saad ng espesyalistang tumingin dito nang magising ang lalaki.
Naibaling ni Arnulfo ang mga mata sa asawa na nasa isang tabi ng kuwarto. Halata kay Carmina ang pagod at puyat sa halos dalawang araw na walang palyang pagbabantay sa kabiyak.
“Ibig sabihin po ba ligtas na ako sa stroke?” makikita pa rin ang pag-aalala sa mukha ng lalaki sa kabila ng nalamang naagapan naman ang pagkakasakit nito ng malubha.
“Unfortunately hindi pa. We need to confine you for a few more days. Kailangan ka naming obserbahan sa loob ng ilang araw. We’ll make sure na out of danger ka na for stroke bago ka namin i-release. Bakit mo kasi pinabayaan ang sarili mo? Wala ka bang nararamdamang kakaiba sa iyo in the past days? Usually you will feel unusual before mag spike ng ganoon kataas ang dugo mo,” tila nagtatakang tanong ng Doktor.
“Actually Dok, I wasn't feeling good na nitong mga nakaraang araw. Palagi nang masakit ang ulo ko at medyo nahihilo ako. Pero binabalewala ko lang dahil maraming trabahong kailangang tapusin,” confess nito sa kausap.
“Hindi maganda na binabalewala mo ang nararamdaman mo sa katawan. Your body knows if there's something wrong. Gaya na lang ‘yan na kapag napapagod tayo ay kailangan nating magpahinga. Now if you’re not feeling good that's the time na magpakunsulta. Ang trabaho nandiyan lang yan, pero hindi natin magagawa ang mga ‘yan once nag-give up na ang katawan natin,” sermon ng Doctor. “You are lucky at naagapan ka pa, kung hindi baka nasa ICU ka ngayon, dahil hindi biro ang ma-stroke na may mataas na lagnat. Usually, hindi nagtatagal ang mga pasyente naming nakakaranas ng ganyan. Sa ngayon manageable naman na ang kalagayan mo. Kailangan mo lang iwasan ang mga bawal. Huwag mo munang isipin ang trabaho, I’m sure may nag-aasikaso na ng mga iyon para sa iyo. Bawal ang ma-stress, okay?” iyon lang at lumabas na ang Doktor sa private room na pinaglagyan sa dito.
Nagpakiramdaman naman sila nang sila na lamang ang naiwan doon. Naramdaman niya na gusto siyang kausapin ng kabiyak pero tila umiiral ang pride nito. Ni magpasalamat sa pagsugod niya sa ospital dito ay hindi nito magawa. She realized wala nang pagkukusa ang lalaki, nag-iba na talaga ang ugali nito. Napabuntong hininga na lamang siya. Kung tutuusin, sa silent treatment na ipinapakita nito sa kanya sa kabila ng pagmamalasakit niya dito ay pwede naman niya itong iwan na lamang doon at mag hire na lamang ng mag-aalaga sa lalaki ngunit ayaw niya iyong gawin. Wala na kasi itong mga magulang, both namatay ng maaga sa parehas na sakit. Ang mga kapatid naman nito ay nasa Amerika na. Ipinaalam niya sa dalawang kapatid ng asawa ang nagyari dito ngunit wala pang response sa kanya.
Inalagaan niya si Arnulfo habang nasa ospital ito kahit pa patuloy ang hindi pagpansin nito sa kanya. Pinapakain niya ito, sinasamahang maligo sa banyo dahil takot siyang baka matumba doon ang lalaki, inaalalayan niya rin ito sa pagbibihis ng damit. Lahat ng bagay na dapat ay ginagawa nito para sa sarili ay siya na ang gumagawa para dito. Pero ni simpleng pag-appreciate ay hindi niya man lang narinig mula kay Arnulfo. Ngayon niya napagtanto na napakalayo na ng ugali nito ngayon sa pagkakaalam niyang ugali nito noon.
After five days ng confinement nito sa ospital ay tsaka lang ito nakauwi sa kanilang bahay. Siya ang nasunod noong patulugin niya ito sa kuwarto nilang mag-asawa. Hindi naman din ito umalma. After ng ilang linggo ay muli niya itong nakatabi sa kama. That night ay pinakiramdaman niya lang ang lalaki. He seems peaceful, isang bagay na ngayon niya lang ulit nakita pagkatapos ng halos dalawang buwan. Kung kaya noong gabing iyon, labag man sa kalooban niya ay kailangan na niyang makapagdesisyon. Mahirap man pero napagpasyahan niyang ibigay na lang dito ang matagal nang hinihiling ng lalaki kahit pa hindi pa tapos ang kanilang napagkasunduan. She’ll do it for his own sake, and for his own peace of mind.
Kinabukasan ng umaga, gaya ng nakagawin ay pinakain niya ito, inilabas upang makapaglakad lakad sa loob ng kanilang bakuran, sinamahan para maligo at nang nagsisyesta na ito ay umalis muna siya para asikasuhin ang mga bagay na kailangan niyang asikasuhin. Magiging busy siya ngayong araw kaya mahigpit na ipinagbilin niya na lamang si Arnulfo sa mga katulong.
“Saan ka galing? Bakit hindi ikaw ang naghatid ng pagkain ko kaninang tanghalian?” tanong ni Arnulfo noong abutin nito ang tray na ibinibigay niya na naglalaman ng mga platong may pagkain. Nandoon pa rin ito sa kama. Sa gabi ay doon ito kumakain, mas napapagod kasi ito sa pag-akyat panaog sa mataas na hagdan.
“May inasikaso lang,” maikli niyang sagot. Medyo gumaan ang loob niya nang pagkatapos ng mahabang panahon ay imikin na siya nito.
“Ikaw, kumain ka na ba?” tanong ulit nito.
“Tapos na ako,” tugon niya rin. Napangiti siya sa ipinakita nitong concern. It’s been a while na rin na wala itong pakealam sa kanya.
Sandaling pinagmasdan ni Arnulfo ang kabuuang ayos niya. Nakapang-alis kasi siya noong mga oras na iyon. Pagkatapos ay tahimik na itong nagsimulang kumain. Pinakatitigan niya ang lahat ng pagkilos ng lalaki. Ang bawat pagsubo, ang bawat pagnguya. Bagama’t nabawasan ito ng timbang sa diet na ginagawa para sa kalusugan nito ay gwapo pa rin naman ang lalaki. Nagtataka naman si Arnulfo kung bakit habang kumakain ito ay matamang na pinapanood ng asawa pero nagpatuloy lang ito hanggang sa matapos.
Maingat niyang niligpit ang pinagkainan nito, siya na rin ang nagbaba ng mga iyon sa kusina. Maya maya pa, noong pagbalik niya sa kanilang kuwarto ay may bitbit na siyang isang malaking envelope. Walang pagdadalawang isip na agad niya iyong ibinigay sa lalaki.
Halata ang pagtataka sa mukha ni Arnulfo noong abutin nito ang bagay na iyon. Binuksan nito iyon at bahagyang sinilip ang loob at napatingin sa kaharap nang tila ba nahulaan na nito kung ano ang nakasulat sa iilang papel na nandoon. Malakas ang kabog ng dibdib na hinugot nito ang mga dokumento at isa isang binasa.
“I have decided na ibigay na sa iyo ang matagal mo nang nire-request. Pinapakawalan na kita, Arnulfo,” mahinahon ang pagkakasabi niyang iyon habang pigil ang pagiging emosyonal. “Lahat ng assets natin, business, ari-arian, from the day na naging mag-asawa tayo, ako na ang mag-aasikaso para maibenta. Everything will be done according to your will, half-half, ayon na rin sa naunang papel na ipinagawa mo sa abogado mo. All of our joint accounts sa banko naka process na rin para paghatian natin. Wala ka nang aasikasuhin pa,” salaysay niya. Ang akala niyang magbubunyi ito at liliwanag ang mukha ay hindi nangyari. Nalaglag ang mga balikat nitong napamaang sa kanya.
“But hindi pa tapos ang three months na hinihingi mo di ba?” tanong nito.
“Huwag mo nang isipin iyon. I just want this to be over, para hindi ka na ma-stress pa. Mas mabilis kang gagaling kung wala ka nang aalalahanin pa,” nginitian niya ang lalaki pero mababanaag sa mga mata niya ang lungkot.
Hindi naman ito nakapagsalita at muli lang tiningnan ang mga papel na hawak hawak ng mga kamay.
“Kung okay na ang lahat sa iyo, aalis na ako. May flight pa ako in a few hours,” saad niya.
Hindi naman ito umimik at nanatili lang nakatungo. Palabas na sana siya ng pintuan noong pigilan siya nito.
“Carmina…”
Nilingon niya ito at nakita niya ang pamumula ng mga mata ng lalaki at ang malungkot na rehistro ng mukha nito. Nataranta siya at napabalik dito sa pag-aakalang may kung anong nararamdaman na naman ito.
“Are you okay? May masakit ba sa iyo? Arnulfo?” hinawakan niya ang kamay nito, pinisil ang mga braso, pati ang mukha nito ay itinaas niya upang iharap sa kanya para makasiguradong ayos pa ang lalaki.
“I am not okay,” may prustrasyong mababanaag dito sa pagsasabi nitong iyon.
“Do you want me to call a Doctor?” tanong niya naman.
“No, Carmina. I don’t need a Doctor,” mangiyak-ngiyak na sambit na nito.
“Don’t worry, may mag-aalaga pa naman sa iyo. Parating na naman ang mga kapatid mo,” pagpapaintindi niya pa dito.
“Carmina, I don’t need anybody else. Ikaw ang kailangan ko. Please don’t leave. Please stay,” mata sa mata siyang tinitigan nito kasabay ng mahigpit na paghawak sa kanyang mga kamay.
Napakunot naman ang noo niya at medyo naguluhan sa narinig mula rito “Pero, di ba ito ang gusto mo? Ang makipaghiwalay sa akin?”
“That was before, pero nagbago na ang isip ko,”
“Arnulfo, pinaglalaruan mo lang ba ako?” saad niya at pumaatras.
“No, hindi sa ganon,” iling naman ng kausap.
“Hindi eh! Kung makapag desisyon ka na gusto mo nang makipaghiwalay eh parang hindi tayo nagsama ng matagal. And now, babawiin mo iyon para bang joke lang ang lahat?”
“I’m so sorry…” tuluyan nang bumagsak ang mga luha nito sa pisngi.
“I don't understand! Kung ayaw mo nang matuloy ang pakikipaghiwalay sa akin bakit kung tratuhin mo ako eh parang hindi ako nag-e-exist sa bahay na ito?”
“It was just my pride. Nahihiya ako sa mga nangyari sa akin. I used to be strong. Nasanay ako na ako ang sinasandalan mo hindi yung ako ang sumasandal sa iyo. I felt like natatapakan ang ego ko.”
Napapailing ulit siya, hanggang ngayon ay hindi niya pa rin ito maintindihan. “You were pushing me away Arnulfo, even before ka nagkasakit ka itinataboy mo na ako!”
“Dahil gusto kong ma-realize mo noong mga panahon na iyon na masyado ka nang nagpapakamartir sa akin. Gusto kong ma-realize mo ang worth mo. Na bakit mo pa ako minamahal eh hindi naman talaga ako kamahal mahal. I want you to give up on me dahil hindi ako karapat dapat sa iyo. Pero kanina, noong maghapon kang wala, it hit me hard. Naisip ko na baka nga iniwan mo na ako. I felt so scared. Napagtanto kong hindi ko pala kaya na wala. Hindi ko kayang mabuhay ng mag-isa na wala ka sa piling ko Carmina, hindi ko kaya.” nasapo na nito ang mukha noong humagolgol sa pag-iyak. “Ito, this was a mistake. Napagdesisyunan ko lang ito out of my frustrations. But I never really wanted this to happen,” kinuha nito ang mga papel na iyon at pinunit sa harapan niya.
Siya naman ang napamaang sa tinuran nito.
Tumayo ito upang lapitan siya. “Please, mahal, forgive me. Patawarin mo ako sa mga pabigla biglang pagdedesisyon ko. Mahal na mahal kita.”
HIndi siya nakapagsalita pa, pero mababanaag sa mga mata nito ang sinseridad sa paghingi ng tawad.
“Please don't leave, hindi ko kayang mawala ka sa akin,” pumaluhod na ito sa paulit ulit na ginagawang pakiusap.
Tila nadurog naman ang puso niya sa tagpong iyon.
“Sigurado ka na ba, mahal?” kinuha niya ang mukha nito at itinutok sa kanyang mukha.
“I couldn't be more certain, mahal. I want you to stay with me, please. Stay with me forever,” malamyos na sagot nito.
Doon ay nagyakap sila ng mahigpit.
“Pero paano kung hindi nga talaga kita mabibigyan ng anak?” tanong niya pa kapagkuwan.
“I don’t care anymore, basta huwag ka lang aalis. Marami pa namang paraan para magkaanak tayo, we can adopt, basta huwag mo lang akong iiwan.”
Sa mga naririnig mula rito ay wala nang paglagyan pa ng kaligayan ang dibdib niya noong mga oras na iyon. Hindi siya makapaniwala. Tila bumaligtad ang lahat ng bagay sa pagitan nilang dalawa nang ganoon kabilis lamang. Agad niya tuloy naisip na baka tumalab na ang gayuma ng matanda. Ngayon na lang ulit pumasok sa isipan niya ang tungkol sa bagay na iyon. Ang akala niya ay niloloko lang siya ng babae at wala na talagang pag-asa na bumalik si Arnulfo sa piling niya. Ngunit heto at nagmamakaawa pa na huwag niya itong iwan.