Sa mga sumunod na mga araw ay nagtuloy tuloy na ang pagaling ni Arnulfo. Bumalik na rin ito sa trabaho, sa isang iglap lang ay naging normal na ulit ang kanilang pagsasama.
“Good morning, mahal,” pagmulat pa lamang ng mata niya ay bungad ng asawa sa kanya. Hinalikan siya nito sa mga labi. “I have something for you!” saad pa nito habang nakangiti.
Nakita niyang may bitbit itong dalawang pahabang papel sa kaliwang kamay, samantalang isang box naman ang nasa kanang kamay.
“Ano ‘yang mga ‘yan?” natatawa niya namang tanong.
“Take it, for you to find out,” saad nito na mahahalata ang excitement sa mukha.
Namili siya kung ano ang unang titingnan at napagdesisyunan niyang kunin muna ang isang maliit na box na hawak nito.
She was so excited lalo na nang makita ang laman noon. Isa iyong singsing, na kumikinang ang bato nang kunin niya mula sa kahon.
“I didn't give you gifts the last time we celebrated our 5th wedding anniversary, so I decided to give you one kahit late na,” saad nito. Kinuha nito iyon sa kamay ng asawa at ito na ang nagsuot sa palasingsingan niya. “I love you. Thank you for giving me another chance to make up for the heartaches I cause you.”
Napalabi siya nang marinig ang mga sinabi ng asawa. Namula na rin ang mga mata niya sa pagiging emosyunal.
“You’re welcome, mahal and I love you too,” sambit niya rin dito.
Kinuha ni Arnulfo ang mukha niya upang lapatan ng halik ang kanyang mga labi.
“Eh ano naman ito?” kinuha niya ang dalawang papel na nailapag nito sa kama noong pakahapitin nito ang kanyang mukha. Nanlaki ang mga mata niya nang makita na ticket ang mga iyon. Ticket nilang dalawa sa one week cruise ship upang libutin ang ilang city sa Europa.
“Hindi natin na-enjoy ang bakasyon natin sa resort noong nakaraan so this time tagalan na natin para makapag-enjoy,” ani pa nito.
Sa tuwa ay nayakap niya ito ng mahigpit. Alam ng asawa na matagal na niyang gustong pumunta sa Europe, hindi nga lang nito maisingit sa schedule nito ang pangarap niyang engrandeng bakasyon.
Samantalang napupog naman siya ng halik ng asawa. Sandali silang nagharutan sa kama na humantong sa malamyos na halikan at pakikipagniig.
***
Mabilis na lumipas ang araw.
Sa cruise ship ay wala silang ginawa kung hindi i-relax ang katawan at isipan. Wala na kasi silang kailangang problemahin pagsampa pa lamang doon. Kung baga bayad na ang lahat ng gusto nilang gawin sa barko. All they have to do ay kumain, magbabad sa mga swimming pools, mag-shopping, mag-casino, at i-enjoy ang mga unli-amenities ng mga ito which is ang spa, pumunta sa mga disco lounges, magpapawis sa gym, mag-date by watching movies sa theater at umattend ng formal dinner. At kapag nagda-dock naman ang barko sa iba’t ibang lugar na nadaraanan nila ay inaaliw nila ang mga sarili sa pagkain sa mga restaurants at pagbisita sa mga small stores para mamimili ng mga remembrance at pasalubong sa pamilya. They enjoyed each day habang kapiling ang isa’t isa sa cruise. Ito nga lang na sumunod na araw, na kung kelan last day na ay tsaka naman sumama ang pakiramdam ni Carmina. Bigla itong nahilo at madalas ay nasusuka, bagay na ikinabahala ni Arnulfo. Mabuti na lamang at at may clinic doon sa barko. Inabisuhan siya ng Doctor magpahinga lang, baka kasi dahil iyon sa malalaking alon noong medyo sumama ang panahon noong pabalik na sila sa seaport na pagdadaungan nila sa Dubai. Doon ay napagdesisyunan nilang i-cancel muna ang flight pabalik sa Pilipinas at mag stay muna kahit isang gabi lang sa hotel para patuloy pa ring makapagpahinga. At noong bumuti buti na ang pakiramdam niya ay tsaka na sila lumipad pabalik naman ng Pilipinas.
“Hindi ka naman ba na-food poison Carmina? Baka nakakain ka ng hindi gusto ng tyan mo while you were at the cruise,” tanong ng family doctor nila noong magpabisita siya sa bahay pagkalipas lang ng ilang oras pagkarating nila roon. Nasa tabi niya noon si Arnulfo, nakaupo, habang siya ay nakahiga sa kanilang kama.
“Hindi naman po siguro Dok. Hindi naman sumakit ang tyan ko. Sadyang nahihilo lang ako at nasusuka,” paliwanag niya rin.
“Normal naman ang blood pressure mo, wala ka rin namang lagnat. Mahirap kasing magbigay na lang basta basta ng gamot sa iyo dahil baka…” itinigil ng doktor ang pagsasalita pero agad na nilang nakuha ang gusto nitong sabihin.
Dahil doon ay namilog ang kanilang mga mata.
“Nagkaroon ka na ba ng buwanang dalaw this month?” tanong nito kapagkuwan.
“Hindi pa po. Actually delayed na nga ako ng ilang araw. Pero madalas naman akong ganito, Dok.”
“Hmm… may kakaiba ka pa bang nararamdaman sa sarili mo?”
“Yes. Medyo unusual ang pagka-sore ng dibdib ko ngayon, and may pakonti konting uncomfort sa bandang puson.”
“I suspect na meron na ‘yan Carmina. Gusto mo bang malaman?” nakangiting sambit pa ng may katandaan nang Doktor.
Sa sinabi ng kausap ay napahigpit ang kapit nilang dalawa sa kamay ng isa’t isa.
“Don’t be too excited. We just need to confirm kung ano ‘yang mga nararamdaman mo. Patuloy pa rin naman ang procedure ng IVF n’yo until now di ba?”
Biglang nawala ang excitement nila sa narinig nilang iyon. Magtatatlong buwan na kasing hindi sila bumabalik sa doctor nila na siyang espesyalista pagdating sa procedure na iyon.
“Well, that doesn't mean wala na kayong chance na makabuo. Baka hindi nyo naman talaga kailangan ng IVF,” nangingiti nitong sambit. “Let’s find out,” tumayo ito at inalalayan si Carmina para pumunta ng banyo. Kumuha ito ng pregnancy test kit at pinagawa iyon sa babae. Habang ang Doctor at ang asawa ay naghihintay lang sa labas.
Halos lumabas naman na ang puso niya mula sa dibdib sa kabang nararamdaman habang ginagawa ang PT. Ayaw niyang kumurap habang pinakatitigan ang bagay na iyon, hanggang sa lumipas ang ilang minuto ay malinaw na dalawang guhit ang nakita niya roon.
Sa pagkamangha ay agad niyang kinuha iyon, binuksan ang pintuan at sa mga oras na iyon ay mabilis na niyakap ang asawa na naghihintay lang din ng resulta sa tapat ng pinto. Nag-iiiyak siya nang ibigay niya dito ang hawak hawak.
Samantang namilog ang mga mata ni Arnulfo nang makita iyon. Tila napipi rin ito ng ilang minuto. Iyon ang resulta na pinakahihintay nitong masaksihan sa matagal nang panahon. Sa sobrang kagalakan ay nilapatan nito ng halik ang labi ng asawa pagkatapos ay niyakap ito ng mahigpit. Walang paglagyan ng kaligayahan ang ang puso ng lalaki habang dumadaloy ang mga luha mula sa mga mata nito. At last, after a long time ay dumating na ang pinakahihintay nilang mag-asawa. Ang mabiyayaan ng supling.
“Congratulations guys. Bukas na bukas visit me in the clinic for more thorough test,” pagkatapos nitong makipagkamay sa mag-asawa ay umalis na ito.
Halos hindi naman na nila napansin ang paglisan ng Doctor dahil sa mga panahong iyon ay naka-focus na lamangs sila sa isa’t isa at sa sayang nararamdaman.
Kinabukasan ay maaga silang pumunta sa clinic at pagkatapos ng ultrasound ay doon nga nila napag-alaman na 7 weeks na ang fetus na nasa kanyang sinapupunan. They realized nabuo ang bata noong nasa gitna pa sila ng sigulot sa kanilang pagsasama. Noong tulungan niya itong alisin ang mga damit ng asawa noong dumating ito sa bahay na lulugo lugo dahil sa kalasingan. Hindi nila akalaing makakabuo sila ng bata sa hindi inaasahang pagkakataon.