Five years later... "Tita, ako na ho ang maghahatid kay Larah," presenta ni Lucy sa kanya. Nag-aaral na ang bunsong anak nila ni Luke sa isang exclusive school. "Sige, mas mabuti at nang makapasok ako nang maaga sa opisina. Sasabay na lang ako kay Lincoln para hindi na 'ko magdala ng sasakyan." "Okay, Tita." Humalik si Lucy sa kanya at sa Daddy nito. Siya naman ay humalik din sa anak na naka-uniporme at dala na ang backpack. "Magpapakabait sa school ha? Sasagot sa teacher kapag tinawag ang pangalan." "Yes, Mommy..." Halatang inaantok pa ang anak nila dahil maaga ang pasok nito sa school. Lumakad naman si Luke papunta sa anak at humalik din. "Mag-iingat kayo. Huwag mong iiwanan ang kapatid ko hangga't hindi dumadating ang teacher," bilin ni Luke kay Lucy. "Of course, Dad. Ilang bese

