Matapos akong ipakilala ni Sir Braxton kay Cherry ay umupo ang dalawa nang magkatabi sa sofa. May dala pang wine si Cherry na binuksan kaagad ni Sir Braxton bago nagpakuha ng baso at yelo sa akin. Nagkwentuhan ang dalawa na hindi ko naman maintindihan kung ano 'yun. Minsan ay nagbubulungan pa ang dalawa at dumadapo ang palad ng babae sa hita ni Sir Braxton. Ganito ba talaga ang amo ko? Tatlong araw pa lang ang lumipas matapos ko siyang abutan na may babaeng kasiping sa silid nito, ngayon ay ibang babae naman ang nilalandi.
Mabuti at nakabukas ang TV kaya't nalilibang ako sa panonood. Nag-abot si Cherry sa akin ng baso ng alak na magalang ko namang tinanggihan.
"Pasensya na pero hindi kasi ako umiinom."
"Just a sip," wika naman ni Sir Braxton. "Twelve percent lang naman 'yan, mahina lang ang tama. Wala namang pasok bukas kaya hindi mo kailangang gumising nang maaga."
Napilitan na akong tanggapin ang baso pero nilagyan ko ng maraming yelo para mas lalong mahaluan ng tubig.
"May boyfriend ka na ba, Maliyah?" tanong ni Cherry. Seryoso naman ang pagkakatitig ni Sir Braxton sa akin.
"Wala."
"Sayang naman ang ganda mo. Gusto mo ipa-blind date kita?"
"No, I don't think she's interested on a blind date," sagot ni Sir Braxton.
"Anong blind date?"
"Eh di 'yung makikipag-date ka pero doon mo pa lang makikilala 'yung lalaki sa mismong date niyo. Masaya 'yun, try mo."
"Naku, nakakatakot naman. Ang daming masasamang loob ngayon."
Tumawa nang malakas si Cherry. "Siyempre ipapa-blind date kita sa gwapo din at mabait. 'Yung kilala ko din at siguradong magugustuhan mo. Ano ba ang tipo mong lalaki?"
"She is not interested with men," sagot ulit ni Sir Braxton.
"Bakit ikaw ang sumasagot sa mga tanong ko?"
"Nasabi kasi niya kanina habang nasa sasakyan kami."
"Ahhh... Totoo ba? Hindi ka interesado sa mga lalaki?"
"Hindi naman sa hindi interesado. Hindi ko pa lang 'yan naiisip sa ngayon kasi bago pa lang ako sa trabaho ko."
"Bago ka pa lang ba sa kumpanya nila Braxton?"
"Hmmm two weeks na rin. Pero ngayong linggo lang ako nag-start sa ibang department."
Hawak ni Sir Brandon ang tinidor na may pineapple at isinubo kay Cherry na halos nakasandal na ang babae dito. Parang silang dalawa lang ang tao sa unit na iyon kung magharutan. Kunyari ay humikab na ako na inaantok para makapagpaalam ako mamaya na matutulog na.
"I'll get more ice."
"Ako na ho, Sir Braxton." Kinuha ko sa kamay nito ang ice bucket at tumuloy sa kusina. Maraming hugasin at marumi ang kitchen counter nang makita ko.
"Ah, okay. So, payag kang makipag-blind date soon?" muling tanong ni Cherry pagbalik ko.
"Oo naman," kaswal kong sagot. Hindi na ako umupo ulit sa sofa dahil gusto ko nang magligpit ng mga kalat namin kanina nang maghapunan. Iniwan ko na silang dalawa sa sofa para makapagharutan nang todo. Alas onse na ng gabi at mas gusto ko nang matulog.
"Aalis na 'ko, Maliyah," paalam ni Cherry na nilingon ko lang sandali saka ngumiti. Hindi ko inaasahan na uuwi na ito nang hindi man lang muna sinolo ni Sir Braxton sa kwarto nito.
"Mag-iingat ka."
"Salamat."
Umakbay si Sir Braxton kay Cherry saka sinamahan ito paglabas. Nang makita kong mag natitira pang kalahating baso sa wine bottle ay ibinuhos ko 'yun sa baso ko at tuloy-tuloy na ininom. Masarap naman talaga ang dalang alak ni Cherry. Kanina ay nakadalawang baso na rin ako.
Lumipas na ang ilang minuto pero hindi pa rin bumabalik si Sir Braxton. Siguradong sa kotse na lang naglampungan ang dalawa dahil nasa condo ako at baka nahiya lang si Sir Braxton.
Pagkatapos kong maglinis sa kusina ay sa sala naman ako naglinis. Pinatay ko na ang ilaw at in-i-onn ang blue light para maganda ang ambiance ng silid. Inalis ko ang saksakan ng TV sa socket para hindi umaandar ang kuryente sa stand-by mode. Pagtayo ko ay muntik ulit akong matumba nang bumangga ako sa katawan ni Sir Braxton na nasa likod ko na pala.
"Ay de p*ta siya! Ay, sorry ho!"
"What did you say?" Nakangisi nitong wika na tila naaaliw pa sa sinabi ko.
"E-expression ko lang ho 'yun pag nagugulat."
"Hmmm... Did I scare you?"
Gusto kong sabihin na oo. Dahil ang pagkakalapit ng katawan namin ay nakakatakot naman talaga. Nakahawak pa rin ito sa baywang ko at magkadikit ang katawan namin mula tiyan hanggang sa binti. Dim pa ang ilaw sa sala at pareho na kaming nakainom.
Oh, Lord...
"N-nakaalis na ho si Cherry?"
"Y-yes..." Napalunok ito habang nakatitig sa mga labi ko. Napapaso ako sa balat nito kaya't naisipan kong bumitiw. Nakahawak din pala ako sa baywang nito nang hindi ko namalayan.
"M-matutulog na ho ako..."
"Yeah, right. Goodnight, Maliyah."
Sa kauna-unahang pagkakataon ay tinawag ako ni Sir Braxton sa una kong pangalan. Palagi na lang Miss Dimayuga. Matamis akong ngumiti bago humakbang papunta sa silid ko. Mabilis naman itong humakbang din at humarang sa pinto ng silid.
"Inaantok ka na ba talaga?"
"Oho. Alas dose na kaya halos." Gusto kong itulak na lang para makapasok na ako sa silid. Ang totoo ay nawala ang antok ko kanina nang magbanggaan ang mga katawan namin. Pero gusto ko nang pumasok sa silid para iwasan ang mga ngiting nakakadala sa damdamin ko.
"Can I ask a favor?"
"A-ano ho 'yun?" Dumagundong ang dibdib ko sa kaba.
"Can I have a hot brewed coffee, please?"
Isang irap ang pinakawalan ko bago ngumiti. Hanggang sa hatinggabi ay gusto pa nitong magkape.
Lumakas ako patungong kusina at nakasunod naman si Sir Braxton sa akin. Isinandal nito ang siko sa kitchen counter.
"So, what do you think of Cherry?"
"Hmmm... Maganda... Mas maganda siya kaysa sa babaeng kasama mo dati."
"Kasama ko dati?! May naipakilala na ako sa 'yo na ibang babae? I don't remember..."
Nakagat ko ang ibabang labi dahil nadulas ako sa sinabi ko. Hindi nito dapat malaman na nakita ko sila sa silid.
"Ah... Kailan nga ba 'yun? Sa opisina yata, hindi ko na rin ho maalala."
"Hey, we have been working for a week now. Pero isang linggo lang 'yun para hindi ko maalala na may ipinakilala ako sa 'yo."
"Hindi ko rin maalala. Baka hindi ikaw 'yun."
"You are lying."
"Hindi ho. Hindi ko ho talaga maalala."
"Isang beses lang ako nagdala ng babae dito sa loob ng isang linggo mula nang dito ka tumira. Paano mo nakita si Britney kung hindi ka naman niya nakita?"
"Sino hong Britney?"
Ngumisi ito na kaagad kong iniwas ang tingin. Inabot ko sa kanya ang kape saka tumalikod pero nahablot nito ang kamay ko. Patay na rin ang maliwanag na ilaw sa kusina pero nakasindi ang dim light na nasa bandang itaas ng kitchen counter. Tiyak na nakita ni Sir Braxton ang pamumula ng mukha ko.
"You saw us together in bed..." konklusyon nito. "Were you shocked?"
Wala nang dahilan para magkaila. Lalo lang akong magmumukhang guilty.
"Hindi ko ho sinasadya na makita. Narinig ko ho kasi na may umuungol. Akala ko ho may lagnat kayo kasi umalis kayo nang maaga sa opisina nun."
"Lagnat? Yeah, babe, I was freakin' feeling hot that day," pilyo nitong wika. "Anong ginawa mo pagkakita sa 'min."
"E di pumasok na lang ho ako sa kwarto. Ano naman ang gagawin ko nun?"
"And what did you do in your room?"
"N-natulog ho."
Isang mahinang tawa ang pinakawalan nito saka humigop sa tasa. Inilapag nito ang tasa sa kitchen counter pagkatapos at muling sumandal doon.
"At anong oras ka nakatulog?"
"Ang dami naman hong tanong. Inaantok na ho ako eh," pagdadahilan ko. Para kasing may gusto itong tumbukin. Napahiya na ako nang aminin ko na nakita ko ito noong gabing 'yun. Masyado yatang matabil ang dila ko kapag nakainom.
"Okay, one last question before I let you go."
"Isang tanong na lang ha."
"Last two."
"Last one."
"So, you had seen me naked... Did you like it?"
"Anong klaseng tanong naman ho 'yan."
"What was I doing that time you saw us?"
"Matutulog na ho ako." Mabilis na akong umalis dahil wala akong balak sagutin ang mga tanong nito. Siguradong bukas ay uungkatin na naman nito ang topic na iyon pero hindi talaga ako mapaaamin.
"Did you touch yourself after?" malakas nitong wika bago ko tuluyang maisara ang pinto ng tinutulugan kong silid. Ibinagsak ko ang mukha ko sa unan sa pagkapahiya. Paano ko haharapin si Sir Braxton bukas nito?