Chapter 6

2105 Words
"Bring me another cup of coffee, Miss Dimayuga," utos ni Sir Braxton sa akin matapos nitong makipag-usap kay Mr. Chan. Mainit ang ulo nito kanina dahil nagtalo ang mag-ama matapos bumaba ulit ang sales sa nagdaang mga araw. Marami na rin kasi ang nagsulputang murang tela na galing sa China. "Hindi ba na-o-overdose si Sir Braxton kakakape?" "Naku, Maliyah, kaya nerbyusin 'yang amo mo kasi nakaka-anim na tasa 'yan sa buong araw. Ano na naman ba ang dahilan kung bakit mainit ulo?" "E di nagtalo na naman sila ni Sir Felix. Mababa kasi ang sales ng tatlong araw." "Naku, kaya pala. Gusto na kasing magretiro ni Sir Felix eh, kaso hindi pa niya magawa kasi baka hindi pa raw kayang pamahalaan ni Sir Braxton 'tong kumpanya." "Saan nga pala 'yung dalawa niyang kapatid? Hindi ba dito nagtatrabaho 'yung dalawang 'yun?" "Dito din, pero sa ibang department. Si Sir Davis nasa Amerika kasama ng Mama nila." "Kakain ka na ba? Hintayin mo na 'ko, ibibigay ko lang 'tong mainit na kape baka lumipat ung init sa ulo ni Sir Braxton eh. Sayang ang mukha, gwapo pa naman." "And how that happens Miss Dimayuga? Nag-e-evaporate ba ang init ng kape papunta sa ulo ko?" Halos lumubog ako sa kinatatayuan nang pagbaling ko ay nakatayo si Sir Braxton sa pinto. Wala na ang init ng ulo nito at ang pumalit at nakakainis na pigil nitong pagngiti. "Miss Dimayuga?" "Ah... Eh... Joke lang naman po 'yun..." "Alin do'n? Na gwapo ako?" Tiyaka na pulang-pula na ang mukha ko sa kaba at pagkapahiya. Lumapit na ito sa akin dahil hindi ko yata magawang ihakbang ang aking mga paa. Nang kuhanin nito ang kape sa kamay ko ay humaplos pa ang kamay nito sa bawat himaymay ng daliri ko. "Thank you for this. Iinumin ko na para sa t'yan ko mapunta ang init kaysa sa ulo ko. Tama ba?" Isang pilit na ngiti ang isinagot ko. Pag-alis nito ay napaupo ako sa silya at sinapo ang mukha. "Nagalit kaya 'yun?" "Mukha ba 'yung nagalit? E pinigilan pa ngang ngumiti nung sinabi mong gwapo eh," ani Edcel. "In fairness ha, gwapo talaga 'yan si Sir Braxton sa kanilang magkakapatid. Pero ngayon ko lang siya nagwapuhan talaga kasi parang ngayon lang ngumiti." "Oo nga kaya nagulat ako eh. Kanina lang halos ihagis pati mga alak sa estante eh." Isang malutong na halakhak ang pinakawalan ni Edcel. "Masanay ka na d'yan, matandang binata kasi." "Matandang binata?! May girlfriend si Sir Braxton no!" "Ows? Sino? Pa'no mo nalaman?" Napigil ang pagsubo ko nang ma-realize na hindi ko dapat sabihin sa iba ang nasaksihan ko. Una, hindi pa rin alam ng mga empleyado na nakatira ako sa condo ni Sir Braxton. Pangalawa, masyadong mahalay ang nadatnan ko tatlong araw na ang nakalilipas. "Parang narinig ko lang na may tumawag sa kanyang babae sa telepono." "Naku, eh kung sino sino naman talaga ang babaeng kinakausap niyan eh. Alam mo ba, naabutan na 'yan na may kahalikan sa opisina? At hindi lang isang babae, nung sumunod na linggo iba naman." "Babaero si Sir Braxton?!" "Nagtaka ka pa! Eh sa estado niyan sa buhay, talaga namang maraming gustong makabingwit d'yan." "Eh bakit wala pang asawa kung marami naman palang babaeng umaaligid?" "Naku, day. Ang mga ganyang lalaki takot sa commitment. Mas gusto nila ng one-night stand ganun. Ang balita pa, kapag naka-s*x na nun 'yung babae, iniiwasan niya na kasi nga baka maghabol." "Totoo ba 'yan?" "Kaya ikaw, iwas-iwasan mong mahumaling sa mga ngiting ganun ni Sir Braxton, Maliyah," paalala naman ni Edcel sa 'kin. "Maganda ka pa naman at sexy." "E di ba ang sabi mo hindi naman sila pumapatol sa mga empleyado?" "Sabagay. Pero mabuti na rin 'yung ikaw na rin ang umiwas." "Huwag kang mag-alala, alam ko naman 'yun." Matapos ang breaktime ay bumalik na ako sa opisina ko. Kung sa ilang araw, ang pilit kong iwinawaglit sa isip ay ang nakita kong eksena ni Sir Brandon sa kama kasama ang isang babae, ngayon naman ay ang pilyong ngiti nito kanina at ang paghawak nito sa kamay ko nang abutin nito ang kape. Hindi ko gustong magkaroon ng attachment at mas lalong hindi puwedeng mahulog ang loob ko sa kanya. "Maliyah, pakitapos mo daw 'tong i-encode sabi ni Sir Felix," wika ng isang empleyado sa Sales Department. "Ano 'to?" "Memo yata sa mga ahente para sa komisyon nila. Tapos ibigay mo daw kay Sir Braxton pagka-print mo dahil pag-uusapan nila bukas." Alas singko y media na nang tumingin ako sa orasan. Tinapos ko lang talaga ang tambak sa mesa ko para ibang trabaho na ang aasikasuhin ko bukas. "Sige. Bibigyan ko rin ba ng kopya si Sir Felix?" "Oo. Ilang minutes ba para balikan ko dito?" "Sige, mga five minutes lang." Nakita kong nakalagay sa memo na babawasan na ang ibibigay na komisyon sa mga ahente dahil sa tumataas na expense pero bumababa ang benta. Nang dalhin ko kay Sir Braxton iyon ay agad niyang itinapon sa basura. "Do you think that's fair? These people are working hard for the company. Bakit hindi maintindihan ni Papa 'yun?" pagalit nitong wika. Wala naman akong maisagot. "Kung ikaw ang ahente, matutuwa ka ba sa sulat na 'yan?" "Hindi ho." "See? Ano ang sasabihin mo sa akin bilang COO? Ano ang mararamdaman mo?" "Nakausap niyo na ho ba sila kung bakit mababa ang sales?" "Yes. You were there, right? Marami na ang tumatangkilik ngayon sa China products pati na rin sa damit na kahit low quality ay mas binibili. Mura nga naman kasi." "Depende naman ho kung gaano kalaki ang deperensya ng presyo. Mahirap na ho kasi talaga ang buhay ngayon." "Ikaw, saan mo ba binibili ang damit mo?" Naalala ko ang unang beses na nagpunta ako sa mamahaling mall pero umatras din dahil sa nakakapasong presyo ng mga office attire doon. "Sa ukay-ukay lang ho ang kaya ko." Napatitig ito sa akin na tila ba nagbibiro lang ako. Mukha naman kasing mamahalin ang suot ko na nakuha na sa paglalaba at plantsa. "So, what do you suggest?" "Puwede naman ho tayong mag-adjust sa quality pero huwag namang gano'n sa nabibili sa bangketa na dalawang laba lang eh manipis na." "We can't. Iyon nga ang gusto kong ipunto kay Papa, ayaw kong isakripisyo ang quality para lang masabi na may benta tayo. What if these market realized in the end that China products aren't worth to buy anymore, paano tayo? Kapag pumangit ang quality natin, hindi na rin sila sa atin bibili." "Eh kung magdagdag ho tayo ng brand ng produkto natin? May brand para sa high quality, may brand din para sa masa na ang kaya ay three hundred pesos lang para sa isang blouse o t-shirt. Hindi na ho lahat ng kabataan ay kayang bumili ng nine hundred pesos na damit." "It is too risky." "But what if it is worth it?" Napatitig si Sir Braxton sa akin na tumatagos yata sa kalamnan ko. Nagpakawala ako ng isang ngiti para alisin ang pagkailang. "Yun ho ay suhestyon ko lang naman..." "Let me think about it. Sa ngayon ay anim na brands ang meron tayo sa iba't ibang malls. Kailangan kong pag-aralan ang suhestyon mo bago ko ipresenta kay Papa." Marahan na lang akong tumango saka nagpaalam na uuwi na. Gusto kong dumaan sa mall para bumili ng maliit na rice cooker. Lagi na lang tinapay at pasta ang kinakain ko sa hapunan. "Sumabay ka na sa 'kin, thirty minutes na lang uuwi na rin ako." "Naku, hindi na ho. May dadaanan pa ho akong iba." "Are you sure?" "Oho. At saka para hindi rin kayo magmadali na uuwi." "Hi, Maliyah! Puwede bang sumabay?" Ngumiti ako kay Danny na messenger ng kumpanya. Madalas ay ito ang inuutusan ko kapag may madaliang dadalhin sa mga kliyente. Hindi kasi ito maangal sa trabaho. "Sige ba. Saan ka ba umuuwi?" "Sa Blumentritt pa. Ikaw?" "Sa Malate. Pero dadaan muna ako sa mall, may bibilhin kasi ako." "Puwede bang sumama?" "Naku, huwag na. Kailangan ko ding umuwi kaagad kasi magluluto pa 'ko." Hindi ko alam kung bakit sa dami ng gustong magyaya sa akin sa labas, wala talaga akong gustong pagbigyan. Puwede siguro kung may kasama pa kaming ibang ka-opisina at may okasyon naman tulad ng birthday. Mas gusto kong dumeretso na lang sa condo ni Sir Braxton para makapagpahinga. "Sige pasasakayin na lang muna kita bago ako sumakay sa ibang jeep," wika pa nito. Kaso, mahirap talagang sumakay kapag rush hour sa Kalaw Street. Mabilis mapuno ang mga jeep at nagkataon pa na Biyernes ng araw na 'yun. May sasakyang tumapat sa kinatatayuan ko pero hindi ko pinapansin dahil walang tigil si Danny sa kakukwento. Kahit paano ay nawala ang pagkabagot ko sa paghihintay ng sasakyan. Bumusina na ito at saka ibinaba ang salaming bintana ng kotse saka ko lang nakita na si Sir Braxton ang naroon. "S-Sir!" Sumenyas ito na sumakay kaya mabilis akong nagpaalam kay Dennis. "Kaya pala ayaw mong sumabay sa 'kin, may iba kang gustong sabayan." "Ay hindi ho ah! Humabol lang si Dennis sa 'kin kanina paglabas ko." "Do you know that employees are not allowed to have any affairs with co-employees?" "Ay hindi ho talaga! Sobra naman ho kayo, nagkasabay lang sa sakayan ng jeep may affair na kaagad." "So, he's not courting you." "Hindi nga ho. Wala pa sa isip ko 'yan kasi bata pa naman ako." "Bata? How old are you? Twenty four, right?" "Oho. Matanda na ba 'yun?" Mahina itong tumawa na para bang pinagtatawanan ako. "Nagka-boyfriend ka na ba dati?" "Hindi pa ho." "Kahit isa?!" "Hindi nga ho..." Nakita ko ang pigil niyang pagngiti na parang nakakaloko. Isinandal nito ang isang siko sa bintana at ang kamay ay nilalaro ang baba na parang gustong pigilan na huwag tumawa nang malakas. "Ano ba ang hanap mo sa isang lalaki kung sakali?" "Wala naman. Basta mabait." "Lahat ng lalaki ay kabaitan ang ipapakita sa 'yo kapag manliligaw, babe. Paano mo masasabi kung sino sa kanila ang karapat-dapat?" "Ay ewan ko ho, hindi ko pa naman na e-experience magkagusto sa lalaki." "I wonder why," sagot naman nito. "Baka naman hindi lalaki ang gusto mo?" "Hindi ho ako tibo ah!" "Kung ganyang hindi ka pa na-a-attract sa lalaki, may posibilidad na babae nga ang tipo mo." Kulang na lang ay aminin ko sa kanya na dati pa akong may crush sa kanya nasa Bukidnon pa lang ako. At hindi ko man gustong aminin, kahit ngayon ay kinikilig pa rin ako sa mga ngiti nito at sulyap. "Bahala ka nga kung ano ang gusto mong isipin." "May kilala akong magandang chicks, minsan dadalhin ko sa condo." "Para saan ho?" Hindi pa man ay nagselos na ako kaagad. Parang nasanay na ako na kami lang dalawa sa condo. Gusto ko pa naman siyang pakainin ng ilang putaheng iluluto ko. "Cherry is a beautiful woman. Kapag nagkagusto ka sa kanya, ibig sabihin miyembro ka ng LGBT." "Hay naku, sir, ang dami mong alam." Kinuha nito ang telepono saka tinawagan si Cherry na ikinagulat ko. Seryoso pala ito dahil pinapunta nito si Cherry sa condo ngayon din. "Saan niyo naman ho nakilala ang Cherry na 'yun?!" naiinis kong wika. Ang balak kong pagluluto ng Pork Estofado ay naglaho dahil umeksena si Sir Braxton. "Ahente siya ng kotse tapos niyaya ko sa club kagabi. May inaalok siyang unit sa 'kin pero pinag-iisipan ko pa. Let's see if you will like her." Imbes na ngumiti ay sumimangot pa ako. Wala ako sa mood makipagkita sa kung sinong babae dahil siguradong silang dalawa pa ang magkakagustuhan. "She's coming in ten minutes," nakangiti nitong wika nang lumabas sa silid nito na naka-sando at boxer shorts na. "Anong pagkain ang gusto mo?" "Gusto ko ho ng bucket na fried chicken at limang order ng kanin." "Wow! Mukhang pinaghahandaan mo talaga si Cherry ah!" pang-iinis nito. Lalo akong naiirita. Pinanindigan talaga nito na tibo na ako. "Ganyan lang ho ang suot niyo kahit may bisita?" "Yes, what's wrong?" "Eh kasi sa Bukidnon kapag may bisita sila Papa niyo, nagsusuot ho 'yun ng desenteng damit." "Well, my father and I are different. Isa pa, pupunta dito si Cherry para maki hang-out sa 'tin, hindi para mag-ahente ng kotse." "Okay... Sabi niyo eh..." "Ikaw ang magbihis. Bakit ka naka-jeans? Nasa bahay ka lang eh, para kang estudyanteng may field trip." "Field trip?!" Tumunog ang buzzer at may kumatok rin sa pinto. "She's here!" Kumislap ang mata nito na parang ito ang tuwang-tuwa sa bisita niya. Nang pumasok ang babae ay napanganga ako. Halos lumuwa ang dibdib nito sa suot na tank top at naka-short din na siguradong masisilipan kapag umupo. Umikot na ang mata ko sa inis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD