Nagulat ako nang bunukas ang pinto at tawagin ako ni Sir Braxton na pumunta sa silid niya. Kinabahan ako dahil kahapon ay hindi naman niya ako tinawag kahit isang beses. Lalo akong kinabahan nang makitang nasa table nito ang print out ng sales report na tinapos ko kahapon.
"Sit down." Umupo din ito sa executive chair nito saka sumadal at nilaro ng bibig ang hawak na sign pen. "Ikaw ba ang gumawa nito?"
"K-kami ho ni Edcel."
"So, kapag may sinabi kong mali sa report na 'to, si Edcel ang sisisihin mo, gan'on ba?"
"H-hindi ho... Baka ho namali na ako ng pag-type kasi nag-start po ako ng alas sais. Wala na ho si Edcel nun."
"So, ikaw ang sisisihin ko?"
"A-ako nga ho..."
Napatitig ito sa akin sandali na iniwasan ko ng tingin. Maya mya ay tinawagan nito ang supervisors sa Production Department para papuntahin sa conference room.
"Sasama ka sa meeting, magdala ka ng ballpen at papel para sa notes."
"Sa meeting ho?"
"I usually have meetings with Production Department and Sales Department weekly. I need you to come with me to take down notes." Tumingin ito sa relo bago muling nagsalita. "Dalhan mo 'ko ng kape sa conference room in five minutes."
"S-sige ho..."
Pagpunta ko sa pantry ay naroon si Edcel. Kay Sir Felix pala ito derektang nagrereport kaya ingat din ako na makagawa ng mali dahil siguradong magsusumbong ito.
"Kinausap ka ba ni Sir Braxton?"
"Tungkol saan?" tanong nito na umupo sa mesa dala ang kape nito.
"Sa report na ginawa natin kahapon."
"Ah oo, tinanong niya kanina kung ikaw ba ang gumawa."
"Anong sabi mo?"
"E di sinabi ko oo."
"Hindi ba nagalit?"
"Bakit magagalit?"
"Baka mali eh."
"Walang mali. Kaya nga tinanong niya kung ako ba ang gumawa o ikaw eh, kasi walang mali. 'Yung dati niyang assistant, palaging may revision kapag gumagawa ng report."
"Totoo?" Nagliwanag ang mukha ko at nawala lahat ng kaba ko. Talagang pagbubutihan ko ang trabaho ko para hindi ko mapainit ang ulo niya.
"Oo. Hindi na kita mapupuntahan ngayon sa opisina mo ha? Ang dami din kasing utos si Sir Felix ngayon."
Bago ako nakasagot ay may empleyadong pumasok sa pantry.
"Maliyah, 'yung kape daw ni Sir Braxton."
"Ay oo nga pala!" Hindi na ako nakapagpaalam kay Edcel dahil nagmamadali akong magpunta sa conference room. Pagpasok ko room ay may apat na empleyado nang kasama si Sir Braxton. Tahimik ang lahat kaya lalong nakakakaba, idagdag pa ang may inis na titig ni Sir Braxton dahil na-late ang kape niya.
"S-sorry ho..."
"Every minute of my time is precious, Miss Dimayuga. Isama mo na rin ang oras ng mga empleyadong nandito."
"H-hindi na ho mauulit..."
"And where are your pen and paper?!"
"K-kukunin ko ho sandali..."
Mabilis akong bumalik sa opisina ko para kumuha ng ballpen at notebook. Nagsimula lang mag-discuss si Sir Braxton nang makabalik ako.
Pagkatapos ng meeting sa Production Department ay ipinatawag naman ang mga tao sa Sales para sa quota ngayong buwan. Nakita ko unti-unti ang problema ng kumpanya. Naiintindihan ko na rin ang sunasabi ni Sir Braxton na mahalaga ang bawat minuto nito.
Pagdating ng alas singko ay muli niya akong tinawag sa opisina nito. Nagulat ako nang mag-abot ito ng pera na nakasobre.
"Para ho saan ''to?"
"Bumili ka ng groceries dahil wala nang laman ang ref. Buy anything you want, just don't forget to buy bread. I like that french toast you made yesterday. Bumili ka na rin ng canned goods at softdrinks."
Alanganin kong tinanggap pero tiyak kasi na magagalit ito kung tatanggi na naman ako. Kung sabagay, matitipid ko ang dapat pang grocery ko. Idadagdag ko na lang sa pambili ko ng bagong damit.
"T-thank you ho. May kailangan pa ho ba kayo?"
"Wala na. Kung tapos na ang trabaho mo, puwede ka nang umuwi."
Pagbalik ko sa pwesto ko ay binilang ko ang laman ng sobre. Twenty thousand. Ganoon ba karami ang bibilhin ko? Paano ko naman iuuwi eh magko-commute lang naman ako.
Sa isang mall na malapit na sa condo ako nagtungo. Inuna ko muna ang pagpili ng damit pero bawat mall na mapupuntahan ko ay napapaatras din ako. Hindi ko kaya ang presyo ng mga iyon. Dalawang libo lang ang budget ko para sana sa apat o limang pares ng damit. Pero ang mga nandun ay libo na rin ang halaga blouse pa lang 'yun. Ang ending, sa ukay-ukay na lang ako nauwi sa katabing building ng malaking mall na una kong pinuntahan.
Alas otso na ako nakauwi sa condo dala ang pinamili kong mga damit at groceries na hindi ko halos mabuhat sa bigat. Hinanap ko pa ang mamahaling brand ng mga de lata dahil tiyak na hindi kumakain si Sir Braxton ng mumurahing pagkain. Kahit ang dinner namin kahapon ay inabot na sa limanglibo dalawa lang naman kaming kumain.
Nauwi sa tinapay at ham ang hapunan ko dahil wala naman palang rice cooker sa condo ni Sir Braxton. Pangalawang araw ko nang nadi-dyeta sa kanin. Alas diyes na pero wala pa rin si Sir Braxton. Gumawa pa naman ako ng clubhouse sandwich na isa rin sa natutunan kong paborito ng mga Desiderio noon sa Bukidnon. Natuwa kasi ako sa sinabi ni Sir Braxton kanina na nagustuhan nito ang french toast na ginawa ko. Marami pa akong puwedeng iluto na sana ay magustuhan niya.
Kinabukasan ay wala pa rin si Sir Braxton kaya't nag-alala ako. Wala kasi ang susi ng kotse sa pasamano kung saan nito nilalagay tuwing uuwi. Pero nagsabi naman ito na minsan ay hindi ito doon natutulog. Baka sa bahay nila Sir Felix ito nagpalipas ng magdamag.
Alas diyes na ito nakarating sa opisina. May apat na tawag na ng mga kliyente ang naghihintay dito. Mainit pa yata ang ulo nito dahil napagalitan daw ang isang security guard nang makitang wala ito sa puwesto kanina.
"Cancel my meeting with Mr. Chan at ten thirty. I couldn't make it," utos nito na mabilis kong sinunod. Napansin ko na ito pa ang suot nito kahapon. Saan ito nagpalipas ng magdamag kung hindi pa ito nagbibihis?
Umalis din ito ng ala una ng hapon. Hindi na ito bumalik dahil may meeting ito ng alas kwatro sa Albano Hotel sa isang supplier naman ng yarn.
"Birthday ni Celeste, sama ka naman sa 'min," yaya ni Edcel nang puntahan ako ng alas singko.
"Saan?"
"Sa bar sa malate. Umiinom ka ba?"
"Hindi eh. Pagagalitan ako ng Lola ko kapag uminom ako."
"Hoy, ilang taon ka na ba?" Natatawa nitong wika. "Kahit nga dise sais lang ngayon marunong ng uminom."
"Eh nakakulong lang naman kasi kami sa mansyon dati sa probinsya. Dalawang linggo ko pa nga lang ngayon, di ba?"
"O sige, 'yung light beer na lang ang inumin mo 'yung may mga flavor para hindi na malasing."
"Hanggang anong oras tayo? Baka gabihin ako sa daan."
"Saan ka ba nakatira?"
"Ah... D'yan lang din naman sa Malate." Hindi ko na sinabi na sa condo ni Sir Braxton ako umuuwi. Baka pagmulan pa kami ng tsismis.
"Sa Malate?! E lalakarin mo na lang pala eh. Tara na. Kakain muna tayo ng chickenjoy at spaghetti bago tayo uminom.
Napilitan akong sumama para makibagay sa mga bagong kasamahan ko sa trabaho. Pagdating doon ay halos sampu yata kami na apat doon ay mga lalaki. Masaya naman silang kasama at nag-enjoy ako sa maraming kwento nila tungkol sa kumpanya.
"Hindi pa ba tayo uuwi?" pangungulit ko kay Edcel. Alas onse na ng gabi. Nag-text naman ako kay Sir Braxton na pupunra kami sa bar kasama sila Edcel. Baka kasi mag-alala at hanapin ako kapag hindi ako nakauwi nang maaga.
"Eto na, uubusin na lang namin 'to."
Kanina pa ako alas nueve nagyaya na umuwi na pinagtatawanan naman ako. Para daw akong bata na mapapalo ng magulang kapag lumagpas sa alas nueve na curfew hours. Pinagbigyan ko na lang sila kaya't heto, umabot na kami ng alas onse.
"Mauuna na nga lang ako sa inyo. Malapit lang naman ang uuwian ko, lalakarin ko na lang."
"Okay lang ba? Baka abutin pa ng alas dose ang mga 'to eh," wika ni Edcel na wala pa ring balak umuwi.
"Oo naman. Maliwanag naman sa lalakaran ko."
Totoo namang marami pang tao sa lansangan kahit halos hatinggabi na. Sa Malate kasi ang maraming bar at mas buhay pa yata sa gabi ang mga negosyo dito. Nakahinga naman ako nang maluwag nang marating ko ang condo. Madilim ang paligid. Inaantok na rin ako dahil bukod sa alas onse pasado na, nakadalawang bote rin ako ng beer.
Kumuha lang ako ng malamig na tubig sa ref nang makarinig ako ng ungol. Bahagyang nakaawang ang pinto ng silid ni Sir Braxton at nasa sofa ang laptop bag nito kaya't alam ko na natutulog na ito. Pero may umuungol talaga. Dahan dahan akong lumapit at sumilip. Kahit ilaw lang sa poste sa labas ang pumapasok sa silid ni Sir Braxton ay kitang-kita ko ang ginagawa nito sa loob ng silid.
Napansandal ako sa dingding habang tutop ang bibig. Hindi ko rin mapigilan ang matinding pagtibok ng dibdib ko. Hubo't hubad si Sir Braxton at nasa ibabaw ng hubad din na babae. Umiigkas ang puwetan nito habang bumabayo at ang babae naman ay nakapikit at kumakapit sa bedsheet. Ang kamay ni Sir Braxton ay nakatukod naman sa magkabilang dibdib ng babae. Parehong ungol ng dalawa ang naririnig niya.
Mabilis akong nagtungo sa silid para humiga. Nawala yata ang kalasingan ko. At kahit sampung minuto na akong pabiling-biling sa kama ay hindi mawala sa balintataw ko ang nasaksihan. Ganoon pala ang akwal na pagtatalik. Ibig sabihin ay may kasintahan si Sir Braxton.
Hindi ko alam kung anong oras na ako nakatulog dahil paggising ko ay maliwanag na. Dali-dali akong lumabas dahil alas siyete na pala. Nasa kusina si Sir Braxton at gumagawa ng sarili nitong kape. Wala na ang babae. Hindi naman ako makatingin ng deretso kay Sir Braxton dahil bumabalik sa isip ko ang itsura nito kagabi.
"Pasensya na ho, tinanghali na ako ng gising." Nagmadali akong gumawa ng french toast. Nakasandal naman ito sa kitchen counter habang pinapanood ako. Gusto ko tuloy itong paalisin dahil naiilang ako sa mga titig nito. At sa unang pagkakataon ay hindi rin ito masungit at hindi pormal magsalita.
"Anong oras ka ba nakauwi?"
"Eleven twenty ho..."
"Hindi yata kita namalayan."
Paano nga ba niya ako mamamalayan eh abala ito sa pagbayo doon sa babae?
Isang ngiti lang ang pinakawalan ko habang patuloy sa ginagawa. Nang iabot ko sa kanya ang unang naluto ko ay pumatong pa ang kamat nito sa kamay ko. Mas napaso pa yata ako roon kaysa sa init ng mainit na tinapay.
"Ako na ang gumawa ng kape mo." Iniabot din nito ang tasa sa akin. At dahil sa hawakan ng tasa lang ang pwede kong hawakan, hindi rin naiwasan na magdikit ang mga balat namin. Bakit naman kasi parang ganda ng gising nito ngayon. Mas makakatulong sana sa akin kung pormal na lang ulit itong magsalita at hindi nagtatagal sa tabi ko.
"S-salamat ho..."
"Did you enjoy last night?"
"Ang alin ho?"
"Going out with friends."
"Ahh... Okay naman ho..."
"Good."
Sandaling katahimikan ang namayani. At dahil mainit pa ang kape, nagpaalam akong maliligo muna para iwasan ito dahil naiilang akong talaga.
Mini skirt pa ang mga nabili kong palda dahil marami ang nagsasabi noon na bagay sa 'kin dahil sa balingkinitan kong katawan. Pero ngayon ay nakaramdam na ako ng hiya na isuot 'yun. Ang kaso, ito ang mga nakahanda kong damit dahil luma na talaga ang mga damit kong galing sa Bukidnon.
Inubos ko ang kape ko kahit lumamig na. May kausap si Sir Braxton sa telepono habang naghihintay sa akin. Nang makita akong nakatayo na malapit sa pinto ay tinapos na nito ang pakikipag-usap.
"Let's go. We are late."
Sa unang pagkakataon ay pinauna niya akong maglakad at ito na ang nagsara ng pinto ng condo. Mabilis ang lakad ko dahil kapag naabutan niya ako ay humahawak ito sa likod ng baywang ko na para akong napapaso. Hanggang sa makarating kami sa opisina ay ilang beses nitong ipinatong ang kamay sa likod ko. Hindi ko gustong bigyan ng malisya kahit ang pagtingin nito sa mga hita ko kapag hindi ako nakatingin. May girlfriend naman pala ito kaya't hindi ko na dapat pangarapin na magkakagusto ito sa kin.