Chapter 4

2069 Words
Hindi ako halos makatulog sa sofa sa kaiisip sa galit ni Sir Barxton kanina. Hindi ako magiging komportable dito sa condo kung ganoon palagi ang ibubungad niyang mukha sa akin. Tama na ang sa opisina niya ako pagagalitan. Kung hindi ako puwedeng tumira sa boarding house na kasama ang mga trabahador sa pabrika, puwede akong maghanap ng ibang boarding house. Maaga akong gumising kinabukasan para magluto ng almusal. Mabuti na lang dahil natutunan ko ang paggawa ng brewed coffee sa coffee maker nasa hacienda pa lang ako. Ang sabi ni Edcel ay mahilig sa kape si Sir Braxton. Naghanap ako ng malulutong almusal. Ang naroon lang ay tinapay kaya't gumawa na lang ako ng french toast. Bago mag alas-sais ay nakahanda na ang almusal nila sa mesa na hindi ko alam kung ikabubusog ko ba. Dadaan na lang ako sa canteen mamaya para bumili ng kanin at ulam. Kailangan ko ring makahanap ng malilipatan na boarding house sa lalong madaling panahon. Alas siyete na ng umaga nang bumukas ang pinto ni Sir Braxton. Nakaligo na ito at nakasuot na ng polo nitong puti. Ako naman ay hindi pa nakaligo dahil naglinis pa ako sa buong unit. "We're leaving at seven thirty." Ibinubutones nito ang polo nang magtungo sa kusina. Agad kong inihanda ang mainit nitong kape. "M-mauna na ho kayo. Hindi pa ho ako naka-prepare," magalang kong sagot. Kinuha naman nito ang mainit na kape at hinigop. Kumuha rin ito ng french toast na nakahanda sa mesa. "How long does it take you to prepare?" Tumingin ito sa akin. "Ikaw ang iniatang ni Papa na maging assistant ko. Sino ang uutusan ko doon kung mauuna pa akong dumating sa 'yo?" May punto naman ito. Nagmadali akong kumuha ng maisusuot at nagpunta sa banyo sa loob ng isa pang silid. Maaga pala itong pumapasok. Dapat ay sa malapit lang sa opisina ang mahanap kong boarding house para hindi ako maunahan ni Sir Braxton sa pagpasok. Baka masisante ako nang wala sa oras. Nakaupo na lang ito sa sofa nang matapos akong magbihis. At dahil sa kauna-unahan kong pumasok ngayon sa opisina, isinuot ko ang nag-iisa kong bistida na binili ko noon para sa Foundation Day ng eskwelahan namin sa Bukidnon. Kailangan kong bumili ng ilan pang pamasok na damit na tugma sa trabaho ko. Nakakahiya kung naka-maong lang ako ng pantalon at t-shirt kung assistant ako ng ida sa may-ari ng malaking kumpanya. "Let's go," wika nito na tumayo na mula sa sofa hawak ang laptop bag nito at susi ng kotse. Kinuha ko rin ang dala kong bag kagabi na hindi ko ginalaw dahil hindi naman ako dito uuwi mamaya. "Ano 'yang dala mo?" tanong nito nang mapalingon sa akin. "Mga gamit ko ho." "I know." Umikot ang mata nito na tila naiinis. "Ang ibig kong sabihin bakit mo dala 'yan. Kailangan mo ba 'yan sa opisina?" "Ah... Hindi po kasi ako uuwi dito mamaya. Maghahanap na lang ho ako ng ibang boarding house na malapit sa office." "Ano ba ang sinabi ni Papa sa 'yo? I clearly remembered he wants you to live here. Huwag mong subukan na magalit si Papa kaya't sumunod ka na lang." "P-pero nakatira naman ho kayo dito eh. Ang sabi niya kasi walang nakatira dito at kailangan ng caretaker kaya ako pumayag." "Nakatira ako dito. So? Does it bother you?" "Hindi naman ho..." mahina kong wika. Nakatingin ito sa akin na tila ba inuutusan akong iwanan ko ang gamit ko dahil dito pa rin ako uuwi mamaya. Napilitan akong bumalik sa condo para iwan ko ang malaking bag. Isinabay niya na ako sa kotse at tahimik itong nagmaneho hanggang makarating kami sa building ng Desiderio Fabrics. Hindi ko na itinuloy ang pakikipag-usap ko kay Sir Felix na lilipat ako ng tirahan dahil baka totoo ang sinabi ni Sir Braxton na ikagagalit lang iyon ng Papa nito. Na-e-excite ako na magtrabaho ngayon sa opisina dahil para ko nang natupad ang pangarap ko noon na maging isang sekretarya. Maraming tawag sa telepono at maraming files ang kailangang i-file sa araw na iyon. Pero hindi ako napapagod. Mas na-challenge pa nga ako na kaya kong tapusin ang lahat ng 'yun pati na ang reports na kailangang ipasa. Patutunayan ko sa mga Desiderio na hindi sila nagkamali sa pagpili sa akin kahit hindi ko natapos ang huling taon ko sa kolehiyo. "I need last week's report, Edcel. Dapat ay kahapon pa ako may meeting sa Production Department," seryosong wika ni Sir Braxton habang nag-uusap kami ni Edcel sa ibang hindi pa niya naituro sa akin. "Yes, Sir Brax. Ito nga po ang tinuturo ko kay Maliyah ngayon." "Gaano katagal 'yan matatapos?" "Depende ho sa kanya kung gaano niya kabilis matutunan ang paggawa ng report." Isang buntunghininga ang pinakawalan ni Sir Braxton saka walang sabi-sabi na iniwan kami ni Edcel. "Kailangan matapos pala natin 'to ngayon?" tanong ko kay Edcel. "Hindi pa nga natin nakakahalahatian 'to eh. Dalawang linggo kayang hindi ito nagalaw." "Pero kailangan na daw ni Sir Brax, di ba?" "Hay naku, kung tatapusin mo 'yan lahat baka dito ka na matulog." "Malay mo naman mabilis na kapag nagamayan ko ang trabaho." "Ikaw. Basta ako uuwi ng alas singko kasi may lakad kami ng pamilya ko." Naging puspusan ang trabaho namin ni Edcel at hindi ko siya pinaalis hangga't hindi sumasapit ang alas singko. Desidido talaga ako na tapusin 'yun para maipasa ko na kay Sir Braxton. Alas siyete na nang isang page na lang ang kailangan kong i-encode. Alam kong kaya kong tapusin 'yun kaya't ipinagpaliban ko na muna ang pagkain sa hapunan. Alas otso y media na nang matapos ko ang report. Masakit na ang likod ko at inaantok na ako dahil wala akong halos tulog kagabi. Nararamdaman ko na rin ang pagkalam ng sikmura dahil hindi ako nakapag meryenda. Hindi ko tuloy alam ngayon kung ano ang dapat kong unahin - ang kalam kong sikmura o ang katawan kong pagod na at gusto nang humiga. "Bakit nandito ka pa?" Napapitlag ako nang bumukas ang pinto mula sa opisina ni Sir Brax habang nakalunglong ako sa mesa para ipahinga sandali ang katawan. Hindi ko na yata kayang maglakad pa. "Tinapos ko ho kasi 'yung report." Akala ko ay wala na ito dahil may meeting sa labas kaya't hindi ako nagmamadali umuwi. "Na-send ko na ho sa e-mail niyo." "Hindi mo na dapat tinapos. It's almost nine and I bet you haven't had your dinner." "Okay lang ho, may mga bukas pa namang karinderya sa labas." Isang buntunghininga ulit ang pinakawalan nito na tila nag-aalis ng inis. Ganito ba ito palagi? "Magligpit ka ng mesa, aalis tayo in five minutes." Sumunod naman ako kaagas pagkatalikod ni Sir Braxton. Salamat naman dahil isasabay niya ako pauwi sa condo. Hindi na ako mangangawit sa gilid ng kalsada para mag-abang ng sasakyan. Tahimik lang ito hanggang makasakay kami sa kotse. Nagulat ako nang sa halip na sa condo kami dumeretso ay sa isang mamahaling restaurant. "Kakain ho tayo?" tanong ko nang patayin nito ang makina. "Mukha ba tayo dito matutulog?" "O-okay lang namam ho ako sa tabi-tabi lang kumain." "O sige, maghanap ng makakainan d'yan sa tabi-tabi." Inilibot ko naman ang mata ko pero isang mahabang kalsada na puro saradong building ang natatanaw ko. Umikot na naman ang mata nito sa inis. "Papasok na ako sa loob dahil kanina pa ako nagugutom. Sasama ka ba o hindi?!" "S-sasama ho..." Nauna itong naglakad na para bang naubusan ng pasensya. Iginiya kami ng waitress sa isang pandalawahang mesa. At dahil hindi ako sanay na kasama ko sa pagkain ang isang Desiderio, halos hindi ako natunawan. Ni minsan kasi noon ay hindi naman sumasabay ang sinumang tauhan sa hapagkainan ng mga ito. Tahimik lang itong kumain; nakayuko, o paminsan-minsan ay may kausap sa telepono. Nang matapos kaming kumain ay tinawag nito kaagad ang waiter para sa bill. Hanggang sa makauwi kami ay wala kaming gaanong naging pag-uusap. Ipinahinga ko kaagad ang likod ko sa sofa pagdating namin sa condo. Sigurado akong makakatulog ako ngayon nang mahimbing dahil sa pagal na katawan. Maaga ako ulit gigising bukas dahil maghahanda ako ng almusal at maglilinis ng bahay. "Are you serious?!" Napabangon ako kaagad nang marinig ang tinig ni Sir Braxton. Nakabihis na ito ng pambahay; ang t-shirt nitong hapit sa katawan, boxer shorts at nakayapak lang. "M-may kailangan ho kayo?" "D'yan ka ba natulog kagabi?!" "O-oho..." "This is another room, Pete's sake! Bakit ka d'yan natutulog?!" "Okay lang ho, malaki naman ang sofa." "Dalhin mo ang gamit mo sa kabilang kwarto at do'n ka matulog." "Dito na lang ho. Okay lang ho ako dito. Maaga din naman akong gigising bukas." "Matigas din ang ulo mo, ano? Sige, ikaw ang bahala." Umiling ito at tumalikod na sa akin kaya't bumalik ako sa pagkakahiga. Naririnig ko ang kalansing sa kusina at ang pagsara at pagbukas ng ref na pabagsak. Ilang sandali pa ay bumukas naman ang TV sa tabi ko saka ang paglundo ng sofa sa paanan ko dahil umupo si Sir Braxton doon. Agad akong napatayo. "Matulog ka lang, huwag mo 'kong intindihin." "L-lilipat na lang ho ako sa kwarto..." "Akala ko ba okay ka na d'yan?" Sa unang pagkakataon ay ngumisi ito. Mas lalo itong gumwapo sa paningin ko. "M-maingay ho kasi ang TV." Hindi nito maalis ang ngiti na tila nanalo sa pang-iinis sa akin. Kinuha ko ang bag ng gamit ko sa sahig at dinala sa kwarto. Hanggang sa makatulog ako'y ang mukha ni Sir Braxton ang nasa balintataw ko. Kinabukasan ay nasa center table pa rin ang pinag-inumang alak ni Sir Braxton. Naglinis muna ako bago sa mga pasamano, sofa, at sa kusina. Sa Linggo na lang ako mag-va-vacuum dahil hindi naman maalikabok doon. Alas siyete na bumangon si Sir Braxton at tapos na ako sa lahat ng gawain. Nakaligo na rin ako at nakabihis. At dahil hindi naman ako nakapag-grocery man lang kahapon, tinapay at kape lang ulit ang laman ng sikmura ko. "G-good morning, Sir Braxton." Inihanda ko ang kape niya bago magpaalam. "Mauuna na ho ako sa inyo." "Why are you in a hurry?" Hindi nagmamadali ang kilos nito kahit alas siyete pasado na. Baka wala itong planong pumasok nang maaga o baka may pupuntahan itong iba. "Marami ho kasi akong naiwang trabaho kahapon para matapos ang sales report." "Sit down." "Eh, sir..." "Don't try your stubborness with me, Miss Dimayuga. Kaya ko ring magtanggal ng empleyado sa trabaho." Napilitan akong umupo at panoorin kung paano siya magkape. "Nakatulog ka ba nang maayos sa kwarto kagabi?" "N-nakatulog naman ho..." "Let me tell you few things, Miss Dimayuga. Una, isasabay kita sa pagpasok sa opisina kapag wala akong meeting sa labas. Pero sa pag-uwi, madalas ay ginagabi ako o minsan ay hindi ako dito natutulog. Pangalawa, hindi ako nag-aalmusal. But I will give you budget for groceries so you can buy food that you want or cook anything that you want. Pangatlo, you don't have to work for me when we get home. Maghapon ka nang nagtatrabaho sa opisina, kailangan mo ring magpahinga." "O-okay po, sir..." Tumayo ito at inilagay ang tasa sa lababo. "Give me twenty minutes to prepare." Mabilis itong pumasok sa kwarto nito. Habang naghihintay ay inusisa ko naman ang ibang estante na hindi ko napunasan. Kahit sabihin ni Sir Braxton na hindi ko kailangang magtrabaho, iba ang bilin sa akin ni Sir Felix. Baka bigla itong bumisita dito, tiyak na mapapagalitan ako kapag marumi ang tinitirhan ng anak nito. Bumukas ang pinto ni Sir Braxton at lumabas ito na naka-office attire na. Iniiwasan ko ang titigan siya dahil kumakabog ang dibdib ko tuwing magtatama ang aming mga mata. Hindi ko maiwasang ibalik ang paghanga ko sa kagwapuhan niya pero hanggang doon na lang 'yun. Mahirap ang mahulog ang loob ko dahil tiyak naman na hindi ako paglalaanan ng atensyon ng isang Braxton Desiderio. "Let's go." Kinuha nito ang susi sa pasamano at naunang lumabas. Naka-tight jeans na lang ako ngayon dahil wala na akong ibang pamasok na damit. Mamaya ay dadaan na lang ako sa department store para makabili man lang ng presentableng maisusuot. Gentleman naman si Sir Braxton kahit laging seryoso ang mukha at tipid makipag-usap. Binubuksan nito ang pinto ng kotse para pasakayin ako bago ito sumakay sa driver's seat. Kung kahapon ay mabilis itong nakapasok sa elevator sa building ng DFI, ngayon ay pinauna niya ako. Hindi ko na rin siya naririnig na sumigaw kapag may teleponong hindi ko kaagad nasasagot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD