"Kanina pa naghihintay ang mga bata sa ibaba. Hindi pa ba kayo tapos ni Larah?" tanong ni Luke nang puntahan sila sa silid ng anak nila. Ngayon ang debut ni Lucy na gaganapin sa Albano Hotel. Imbitado ng anak-anakan ang mga kaibigan nito at kaklase sa kolehiyo. "Almost done." Inayos niya ang kwelyo ng asawa at yumakap sa baywang nito. "Are you ready?" "Seeing my daughter all grown up? No, I don't think I'd be ready." Bagama't pabiro ay emosyonal si Luke ngayon. "Pero nagpapasalamat ako sa Diyos na humaba ang buhay ko nang ganito. Nasubaybayan ko pa ang debut ni Lucy." "At debut pa ni Lincoln," dagdag niya. "Kahit nga debut ni Larah dapat nandun ka." Ngumiti si Luke pero hindi ang mga mata nito. Ilang linggo na kasi mula nang kapusin ito ng hininga. Nangangamba siya dahil madalas ay hi

