Inihatid na sa huling hantungan si Nova na dinaluhan lang ng ilang empleyado at ilang kamag-anak. Hindi naman kasi ito mabait noon sa mga tauhan. Pero naroon naman ang mga natulungan nito; mga pamilya ng pinag-aaral ang mga anak, at ang mga taong natulungan niya. Iyon naman ang mas mahalaga. "Kailangan mo nang umuwi, Brax," aniya sa dating karelasyon. "Malapit nang umulan." "Hindi pa pala ako handa na maiwan ni Nova..." mahina nitong wika na nakatingin sa madilim na langit dahil sa makapal na ulap. "Siya na ang may gusto na umalis. Siguro'y pakiramdam niyang nagawa niya na ang misyon niya dito sa mundo." "And here I am thinking what good have I done?" Marahan itong umiling. "Life has no meaning if you're not with the people you love. Ganoon ang naramdaman ni Nova. Nakadagdag pa ako s

