"Congratulations, Lucy! Proud na proud kami ng Daddy mo sa 'yo," bati ni Maliyah sa panganay ni Luke na graduate na sa high school ngayon. "Thank you, Tita!" Mahigpit niyang niyakap ang anak-anakan. Nasa CCP Complex sila ngayon para sa graduation ceremony tapos ay pupunta sila sa Albano Hotel para doon mag-celebrate. "Pupuntahan ko ho muna mga friends ko para magpa-picture." "O siya, hihintayin ka namin sa sasakyan. Alam mo naman ang Daddy mo, ayaw nang nakikipag siksikan sa maraming tao." "Sige ho, Tita, sandali lang ho ako." Bumalik siya sa sasakyan kung saan naroon si Luke at ang baby nila na karga ng yaya. Naroon din si Brantley na katabi naman ni Luke at Lincoln para hindi siya hanapin. Kanina ay siya ang nasa sasakyan dahil nagsabit ng medalya si Luke kay Lucy. "Nasaan si Lucy

