Chapter 28

1566 Words

"Nagpupuyat ka na naman. Ang sabi ng doktor, kailangan mo ng maraming pahinga." Dinalhan niya ng gamot si Luke sa silid nito. Alas nueve na ng gabi pero nakatutok pa ito sa laptop. "Maayos naman ang pakiramdam ko," nakangiting wika nito na inabot ang gamot sa kanya at ininom. Isang buwan na siyang nasa mansyon ng mga Lucero at kahit paano ay nakasanayan niya na ngayon ang bagong buhay. Hindi siya nahirapang pakisamahan ang mga anak nito dahil likas na mababait. Dalawang linggo na rin siyang isinasama ni Luke sa opisina para magamayan ang trabaho doon. Pag-aari ni Luke ang isang Integrative Medical Facility na gumagamot sa maraming sakit tulad ng cancer sa pamamagitan ng pinaghalong natural at advance medicine. Kasosyo rin ito sa isang shipping company pero hindi ito nakatutok doon. "K

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD