"Matagal pa ho ba si Daddy?" tanong ni Lincoln na kanina pa naiinip sa bulwagan. May Musical-Literary Contest na sinalihan ang bunsong anak ni Luke at gusto nitong marinig ng ama ang kakantahin nito. Pero dahil may schedule na therapy si Luke sa facility ay naantala ang pagpunta nito sa eskwelahan. Pinauna na siya nito dahil baka mas lalong mainip si Luke kapag yaya ang kasama. "Dadating na siya, huwag kang mag-alala malapit na 'yun." "Pero sampung minuto na lang aakyat na 'ko sa stage, Tita," mangiyak-ngiyak na wika ng bata. Masisira ang konsentrasyon nito kapag hindi nakadalo si Luke. Inasahan na ng bata na mapapanood ito ng ama na mag-perform sa entablado. Muli niyang tinawagan si Luke para alamin kung malapit na ba itond dumating. Naipit daw ito sa traffic at baka abutin pa ito ng l

