Alas onse ng tanghali sila nakarating sa Tagaytay at agad silang tumuloy sa nakalaang silid sa kanila ni Larah. Si Braxton ang nagdala ng maleta nila habang akay naman niya ang anak. "May uniform ho tayo sa lobby ng hotel, ma'am," wika ng staff roon. "Pagkatapos ho ay pupunta na tayo mismo sa campsite para sa mga activities ng parents and students." Naging maayos naman ang pagsali nila ni Larah sa mga activities kasama ang ibang kaklase nito. At dahil si Braxton ang nagpakilalang isa sa guardian ni Larah, sumali pa ang mga ito sa Father and Child activity. Tuwang-tuwa si Lirah dahil may premyo pa nang manalo ang dalawa. Pero kung ang anak ay hindi na iniinda ang pagkawala ni Luke sa mga oras na ito, bumalik naman sa dibdib niya ang lungkot dahil dapat ay si Luke ang kasama nila ngayon.

