One year later... "Si Luke?" tanong ni Maliyah sa katulong nang hindi pa rin ito bumababa para kumain ng almusal. Nasa hapagkainan na ang dalawang anak nito. "Kanina pa ho sinabing bababa na eh," sagot naman ng katulong. "Pabalik-balik ho sa CR kaya siguro hindi pa bumababa." "Sige ho, ako na lang ang aakyat. Pakitingnan na lang ho ang mga bata." "Opo, Ma'am Maliyah." Agad umahon ang pag-aalala sa kanya nang pagpasok niya sa silid ni Luke ay nasa banyo pa rin ito. "Luke? Open the door, please?" "Five minutes, Maliyah!" malakas na sagot nito pabalik. Narinig niya ang splash ng tubig sa shower kaya't naghintay siya sa labas. Gayunpaman ay hindi nawawala ang pag-aalala niya tuwing sinasamaan ng pakiramdam si Luke. Sa loob ng isa't kalahating taon, naging mas matatag na siya sa tulon

