Chapter 42

1140 Words

"Malalim yata ang iniisip mo?" tanong ni Luke sa kanya nang datnan siya nitong nakaupo sa balkonahe hawak ang alak na mababa lang naman ang porsyento ng alcohol. Hindi naman talaga siya umiinom. "May mahalagang panauhin ang clinic kanina, Luke. Gusto mo bang hulaan kung sino?" "I have no idea. Kakilala mo? Kaibigan?" Marahan siyang umiling. Muling bumalik ang sakit sa dibdib niya na pilit niya sanang ibaon na sa limot. "Isang kaaway..." "Hindi ko alam na may kaaway ka, mahal." Umupo si Luke sa isang silya sa kabilang dako ng mesa. "Nova Desiderio." Napalingon sa kanya si Luke. Siya ay deretso pa rin ang tingin sa kadiliman. "Anong ginagawa niya sa clinic? Nalaman niya na doon ka nagtatrabo? Ginulo ka ba niya?" "No. And I don't think she's capable of hurting me again. Nasa c

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD