Chapter 36

1117 Words

Finally... You are now Mrs. Luke Lucero..." Tumapat si Luke sa likod niya habang nakaupo siya sa tokador at nagtatanggal ng headdress. Isang simpleng puting evening dress lang naman ang suot niya pero marami siyang palamuti sa katawan. "Tulog na ba ang mga bata?" "Hindi pa. Kasama ni Yaya Pining sa kwarto, naglalaro sila ng monopoly." "Hindi ba tayo hahanapin?" "Subukan lang ng mga bata na hanapin tayo mawawalan ng trabaho si Yaya Pining." Isang malutong na halakhak ang pinakawalan niya para itago ang matinding kaba. Nasa balikat niya ang mga labi ni Luke at nag-iiwan ng mumunting halik doon. "Napakabait mo sa mga kasambahay para magsisante ng isang yaya, Luke." "Do you want to have a hot bath first?" Lumapat ang kamay nito sa zipper ng evening dress niya at tinanggal iyon.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD