Martin Ang bilis ng oras kapag ito’y tumakbo. Kani-kanina lang ay papasok pa lang ako sa trabaho; ngunit ngayon ay iilang sandali na lang ang bibilangin ay magsasara na kami. Dahil sa natapos na akong mag-deliver ng tubig, ngayon ay nakaupo na lang kami ni Srail sa bench sa labas ng water refilling station. Naghihintay kami kung mayroon pang bibili ng tubig. "Bilib talaga ako sa’yo, Ace," masaya niyang sabi na may halong pagkasarkastik. "Ilang beses ko nang narinig iyan sa’yo, Srail. Hindi pa naman ako ulianin para paulit-ulit mong purihin, no?" "Pero totoo. Noong unang sampa ko pa lang sa entablado ng gay bar ay parang estatwa lang akong nakatayo roon hanggang natapos ang solo-introduction performance ko. Ngunit ang sa iyo, grabe ang confidence mo." Ipinapalakpak niya ang mga kamay ni

