Chapter One

1197 Words
Azelf Sampung piso na nakatiwangwang ang naabutan ko sa sahig ng kalsada sa pagliko ko sa isang bakery papunta sa pinagtatrabahuhan ko. Isang kawalan naman kung pababayaan ko lang ito rito. Kaya bilang isang desisyon, pinulot ko na lang. Araw ngayon ng Sabado, walang pasok. At bilang isang babaeng kumakayod para makapagtapos ng pag-aaral, pumapasok ako sa isang part-time job tuwing may mga araw na libre ako. At dahil Sabado at walang pasok, ngayon ang isa sa mga araw na iyon. Kapag sumapit ang alas diyes ng umaga ay ang oras kung kailan nagbubukas ang massage spa na pinagtatrabahuhan ko. Basi sa tantiya ko, may bente minutos pa ang natitira bago ako tuluyang matawag na late para sa duty. Habang ako ay naglalakad ay may naaninag ang mga mata ko mula sa hindi kalayuan. Hinarap ko ito at namangha sa nakita. Sa isang banda nitong lugar ay may flower shop. Of course parati ko itong nakikita kapag pumupunta sa trabaho ko, ngunit sa kadahilanang walang dalang pera para pambili ng bulaklak kaya hindi ko na lang pinapansin. Mula sa paglalakad ay huminto ako at napaisip. Paano kaya kung pumunta ako roon sa kauna-unahang panahon? I mean, may sampung piso akong nakita at nag-display ng SALE na signboard ang tindahan ng bulaklak kaya nga baka may mabili ako roon. Patuloy na nag-iisip, dala pa ang mga nang-aakit na kulay at halimuyak ng mga bulaklak ay nadaig na ako ng isa sa mga kahinaan ko bilang babae. Buo ang pasya, mula sa pagkakahinto ay muli kong inihakbang ang mga paa ko. Pagkarating ko flower shop ay tumambad agad sa akin ang mga magagandang bulaklak. Mula sa iba't ibang kulay ng rosas hanggang sa mga naglalakihang flower arrangements, lahat sila ay magaganda at talagang inalagaang mabuti. Kumuha ako ng isang stem ng pula na rosas at inamoy ito. Napakabanayad ng dating nito sa pang-amoy ko. Napakabango. "Magandang araw, Binibini," maligayang bati sa akin ng babaeng nagbebenta ng mga bulaklak. "Magandang araw din po sa iyo," pagbalik ko ng bati niya sa akin. "Ano ba ang sa iyo?" tanong niya. Napatingin ang mga mata ko sa hinahawakang bulaklak. Bibilhin ko ba ang rosas na ito? Magkano kaya ang isa? "Ate, magkano po ba ang isang stem ng red rose?" Mula sa rosas, napalundag ang paningin ko sa bagong dating na lalaki dahil sa kanyang napaka-soothing na tinig. Iyong tipo na napakamatipuno ang labas. Ang sarap ng daloy sa tainga. "Isang daan ang stem, Hijo. Sino po ba ang bibigyan n’yo? " Hearing what the lady answered, it made me feel slight disappointed. Isang daan pala ang sale nito. Bukod sa pocket money na dala ko, sampung piso lamang ang iniisip kong igagastos. "Girlfriend ko po." Mula sa hinahawakang bulaklak ay napatingin ako sa lalaki. Ang swerte naman ng girlfriend niya. Siguro napakaganda niyon, mahal niya kasi. Ako kaya, kailan magkaka-boyfriend? "Ano bang okasyon ang mayroon?" tanong ng tindera sa kanya na naging interesado naman akong malaman ang sagot. "Anniversary po namin. Kukunin ko po iyong lahat na." Nanigas ako dahil sa narinig. Ang sweet naman niya sa girlfriend niya para dalhan ito ng bulaklak... Pero kung bibilhin niya ang lahat ng pulang rosas, ibig sabihin nito... "Binibini, bibilhin mo ba iyang hinahawakan mong bulaklak?" tanong sa akin ng tindera. Bakit 'di ako makagalaw? Nakakatunaw ang tingin nilang dalawa sa akin. Hindi na ako bibili, pero bakit ayaw kong pakawalan ang natatanging bulaklak na ito? Sabay lunok sa laway ko ay ibinalik ko sa palanggana ang kinuhang bulaklak. Tumalikod ako, at tumakbo. Ano ba ang nagawa kong kasalanan para makaramdam ng hiya? Huminto lang naman ako sa flower shop, kumuha ng bulaklak, inamoy iyon, at dumating ang lalaki. Ang ganda ng boses niya, matangkad, ang pogi, lover boy, pero bakit naiinis ako sa kanya? Nang masiguro ko na nakalayo na ako nang husto sa kanila ay sumigaw ako. "Ahhh!" Isang kalapati na hindi kalayuan mula sa kinatatayuan ko ang walang anumang lumipad palayo sa gitna ng pagsigaw ko. Ang kawawang kalapati ay nadamay pa sa bugso ng damdamin ko. Ilang sandali akong nanatili sa kinatatayuan hanggang sumagi sa isipan ko ang trabaho ko. "Azelf, ano ba ang nangyayari sa iyo?" pagalit kung tanong sa sarili. Sa kadahilanang baka ma-late nga talaga ako, dali-dali ko nang tinungo ang lugar kung saan ako nagtatrabaho. ----- Muntikan na akong ma-late, ngunit sa kabutihang palad ay hindi ito nangyari. Nang masapit ko na ang labas ng pinagtatrabahuhan ko ay agad na akong pumasok sa loob. Nag-time-in na ako. "Anong nangyari sa iyo, Azelf?" tanong sa akin ni Helinda, ang clerk ng Sensation Massage Spa at kung saan din ako nag-sa-sideline tuwing walang pasok. Blonde ang kulay ng buhok ni Helinda na bagsak hanggang sa elbow niya. Maputi siya at matangos ang ilong. Helinda Faulkerson ang buong pangalan niya. Siya ay half-Filipina-half-American. "Ano'ng nangyari? Walang nangyari," sagot ko sa kanya. "Huwag kang magsinungaling," pagpipilit niya. "Ewan ko sa iyo." Pagkatapos kong pumirma ng attendance ay inilapag ko na ang ballpen at binalak nang tunguhin ang dressing room. Pero bago pa mawala ang presensya ni Helinda sa likod ko ay may narinig akong sigaw. "Ahhh!" Tumaas ang kaliwang kilay ko nang mag-register sa utak ko ang sigaw, ang boses ng sigaw, at ang haba ng sigaw. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko sabay sarado ng mga mata. Bumuntong-hininga ako bago tunguhin ulit ang clerk station kung nasaan si Helinda. "What brings you here-- again?" inosente na tanong niya sa akin. "Don't ask me that question, Helinda. You know what brought me here." "No, I didn't even have the slightest idea," pagsisinungaling niya. "Okay, bigay mo na lang iyang cellphone mo sa akin," demanda ko. "At bakit naman?" "May buburahin lang ako." "Ito ba?" sabi niya at ipinaandar ulit ang pagsigaw ko kaninang umaga. Mabuti na lang at wala pang customer ang nakapasok. Talagang nakakahiya kapag may nakarinig na iba. "Oo, bigay mo na iyan." Tinangka kong abutin ang cellphone niya. Subalit nabigo ako. Dahilan sa may mahabang table na nag-se-separate sa amin at ang kagustuhan niyang painisin ako, wala na akong nagawa. Bigo, itinigi ko ang pag-abot sa cellphone niya. "Okay. Sasabihin ko na sa iyo kung ano ang nangyari kaninang umaga habang tinutungo ko itong SMS," napipilitan kong sabi. SMS ang abbreviation ng Sensation Massage Spa. "Dapat lang. Para saan pa ang matalik na pagkakaibigan natin kung nagkakataguan tayo ng mga sikreto, 'di ba?" tanong niya at pagkatapos ay ikinindat ang kanang mata. "Sasabihin ko sa iyo ang nangyari, pero sa isang kondisyon." "And that condition is?" "You will delete that recorded scream of mine." "Deal!" Nakaraan ang ilang sandali ay nasabi ko na ang dapat kong isabi sa kanya. Simula sa sampung piso, hanggang sa pagsigaw ko sa daan. Nang makumbinsi ko na siya ay kanyang aktwal na ipinakita sa akin ang pagbura ng recorded file ng pagsigaw ko. "Ayan, wala na." Kasabay niyon ay may dumating na sampung magkakabarkadang lalaki na nanggaling sa gym diyan sa kabilang kanto. Regular customers sila rito sa spa kaya parang magkakaibigan na ang turingan namin sa isa't isa. Habang nakikipag-usap sila kay Helinda ay tinungo ko na ang dressing room. Nagbihis ako at sinimulan na ang trabaho.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD