Martin
Now that I have the bouquet of red roses and as well as the box of Ferrero Rocher, I'm all set. Sino bang tao ang ayaw makatanggap ng mga presentang ito?
Pagkatapos kong bumili ng choloate sa isang convenience store ay lumabas na ako roon. Tinahak ko ang pedestrian crossing sa pamamagitan ng pagtakbo nang mag-green ang stoplight. Araw ngayon ng Sabado at walang pasok, i-su-surprise ko ang girlfriend ko sa kanilang bahay!
Natatawa ako sa reaksyon ng babae kanina roon sa flower shop. Ang cute niya, pero bakit kaya siya tumakbo? Balak ko nga talagang bilhin lahat ng mga pula na rosas. Pero iyong hinahawakan niya ay ibibigay ko na lang sa kanya, libre ko na. Ngayon ay na-gi-guilty ako sa mga naging actions ko.
That beautiful girl...
Hindi bale na, kapag nakita ko ulit siya ay hihingi agad ako ng tawad. Anniversary namin ng girlfriend ko ngayon. Ayaw kong umintindi ng ibang bagay. Sa aming dalawa ang araw na ito. I want to make out of this milestone with her having memories worth to keep.
Habang nilalakad ko ang gilid ng parke ay may naaninag ang mga mata ko. Sa hindi kalayuan, habang ako ay tumatakbo, may isang batang babaeng natataranta. Parang nangangailangan siya ng tulong?
Hindi naman kakainin siguro ng pagtulong ko ang mga natitirang oras na mayroon sa araw na ito. Baka mayroon nang masamang nangyari sa bata.
Mula sa tuwid nasidewalk ay lumiko ako at tinungo ang batang sa tingin ko ay nangangailangan ng tulong.
"Bata, ano ang problema?" tanong ko nang makarating sa kinaroroonan ng bata.
"My poor Felix is over there." Tinuro niya ng daliri niya ang isang puno ng acacia. Isang bombay cat ang nakita ko roon nakaupo. Dinilaan niya ang paa niya ta pagkatapos ay ipinahid ito sa mukha niya. Ang tinatawag niyang 'kawawang Felix' ay mukhang nagagalak pa na napadpad siya sa itaas ng puno.
"I see," tanging sabi ko.
"Big brother!" pasigaw na sabi ng bata. Nagpapahiwatig ito sa akin na kunin ko roon ang pusa sa itaas. Mga pitong taon gulang siguro ang bata.
"I know." Nilapag ko muna ang kahon ng tsokolate at ang bouquet ng bulaklak sa lupa. Sunod kong hinubad ang suot na sapatos para simulan ang pag-akyat.
Inabot ako ng mga isang minuto bago maakyat ang itaas ng puno.
"Ming, ming, ming, ming," tinawag ko ang atensyon ng itim na pusa.
Mula sa pagkatalikod ay hinarap ako ng naturang hayop. Pinandilatan niya ako ng tingin habang walang pagkurap na nangyayari.
"Ming, ming, ming, ming," paulit-ulit na sabi ko habang sinimulan na ang paghakbang patungo sa kinaroroonan nito. Tiniyak ko na nakabalanse ang katawan ko sa sanga bago gumawa nang paunti-unting pag-abanse. "Ming, ming, ming, ming."
Mula sa inosenteng pagtingin ng pusa sa akin ay tumalon ito mula sa puno. Ang kawawang pusa ay inuto ako. Pinuntahan nito ang batang babae na siya rin namang kinuha at niyakap ito. Very Good!
"Thank you, Big Brother!"
"Your welcome, young girl!"
Bumaba na ako sa puno at nagpaalam.
-----
Nakalipas ang ilang sandali ay nakarating na rin ako sa bahay ng girlfriend ko. Hawak-hawak ang bouquet ng pula na rosas at kahon ng tsokolate, pinindot ko ang doorbell.
It took me some while before someone from the inside answered my doorbell by opening the front gate.
"Magandang umaga po," bati ko sa kasambahay ng mga Sanchez na siyang nagbukas ng pinto.
"Magandang umaga rin po. Sino sila?" tanong niya sa akin na napaisip naman ako sa marinig. Siguro siya itong bagong recruit na tinutukoy sa akin ni Leticia kaya hindi niya ako namumukhaan.
"Martin Alarcon po," sabi ko sa kanya.
"Martin Alarcon?" patanong tono na sabi niya na naghatid sa kanya sa mga ilang sandaling pag-iisip. "Martin Alarcon, pasensya ka na, hindi ka nabanggit ng pamilya Sanchez sa akin. Kaano-ano n'yo po sila?"
Seriously, hindi niya talaga ako kilala?
"Girlfriend ko po ang anak nila Tito Letirio at Tita Alicia," bunyag ko sa kanya. Ewan ko kung ano ang mali sa sinabi ko at nababakas ko sa mukha niya ang pagkagulat.
"Sandali lang, Sir. Sasabihan ko lang si Ma'am Leticia," may pagka-alarma na tugon niya.
"Sandali lang," pigil ko sa kanya.
"Sasabihan ko lang po siya, Sir."
"Anniversary kasi namin ngayong araw at balak kong surpresahin siya. Kung ayaw mong maniwala..." Kinuha ko ang pitaka ko at binuksan ito. Ipinakita ko sunod sa kanya ang larawan naming dalawa ni Leticia.
"Ito kung ayaw mong maniwala. Kuha ito noong gumala kaming dalawa nang nag-birthday siya."
Sa larawan, nakasuot kami ng couple tee-shirt ng kasintahan ko. 'My Girlfriend' ang print ng shirt ko na nakaturo kay Leticia, at 'My Boyfriend' naman ang sa kanya na nakaturo din sa akin. This is one of my treasured memories with her.
"Eh kasi, Sir..."
"Please..." pagmamaka-awa ko sa kanya.
Dahil sa pagpipilit ko ay wala na rin siyang nagawa. Pinapasok na lang niya ako sa loob nang walang pinagsasabihang iba.
Dala-dala ang bouquet at chocolate, tinungo ko ang pintuan na may pinakamalapit na daanan papunta sa kwarto ni Leticia. Siguradong tulog pa siya nito. Ano kaya ang magiging reaksyon niya kapag nagising siya at ako ang una niyang nakita? Tiyak magagalak iyon!
Inikot ko ang doorknob para malaman kung naka-lock ba ang pinto o hindi. Sa kagandahang palad ay bukas ito. Walang pagdadalawang-isip ay pinasok ko na ang bahay.
Bumungad sa pagpasok ko ang kusina ng pamilya Sanchez. Nilibot ko ang paningin ko at nakitang nasa ayos ang lahat kahit walang bisitang inaabangan. Idagdag mo pa itong amoy lavender na aerosol na ginagamit nila.
Tinahak ko na ang daan papunta sa kwarto niya nang walang ingay na nililikha. Happy Anniversary and here I go, baby!
Pangisi-ngisi kong ipinagpatuloy ang paglalakad papunta sa kwarto niya dala-dala ang surpresa para sa anibersaryo namin. Ngunit nang makarating na ako sa paanan ng pintuan, may narinig ako.
"Hush babe, I am gonna be quicker now. I'm gonna make you all mine."
"Yes, yes Josh. Make me yours. I need you inside of me very badly!"
Mula sa bahagyang nakabukas na pintuan ay narinig ko ang pagniniig na ginagawa nina Leticia at ng matalik kong kaibigan na si Josh Cartel.
Parang isang matulin na bala ng baril na mabilis na tumama sa malambot na bagay, iyan ang pinakamalapit na pagkakahalintulad ko sa nararamdaman ko ngayon. Ang sakit. Ang sakit sakit. Ang matulin na bala ay ang nakikita ko kasalukuyan. Sa kabilang banda, ang malambot na bagay ay ang puso ko.
Sa bawat segundong lumilipas ay paunti-unti ring nawawala ang lakas ko. Para bang ang pundasyon ng p*********i ko ay niyurakan ng mga taong akala ko ay naging tapat at totoo sa harap ko.
Bago pa ako sumigaw sa sobrang sakit ng nararamdaman ko, kahit na mahirap na ang maglakad, pinilit ko pa ring makalabas sa bahay na iyon.