Chapter Three

1283 Words
Azelf Madilim na nang makalabas ako sa Sensation Massage Spa. Gaya ng ibang trabaho, ang pagiging masahista ay nakakaubos din ng lakas. Papasok ka nang masigla, lalabas ka nang pagod. Pero 'di bale na, may pang-allowance na ako sa buong linggo. Bukas ay babalik ulit ako para magtrabaho. Nagsisimula nang magsara ang bawat tindahan dito sa amin kapag pumatak ang alas nuebe ng gabi. Kasabay nito ay ang paglisan ng presensya ng mga tao sa kalye. Sa katahimikan ng paligid habang naglalakad nang mag-isa, bigla kong naalala na may dapat pala akong bilhin sa department store. Pagkatapos kong makatawid sa pedestrian crossing ay kumanan ako. Mas maganda nga talagang mag-shopping kapag gabi. Bukod sa walang hassle, wala ring kainitang mararamdaman kapag naglalakad ka sa kalsada. Mag-isang tinatahak ang daan sa ilalim ng liwanag ng buwan, may nakita akong isang itim na pusa. Napakalinis ang pagkaitim nito. Kahit na may pagkapuro ang kulay ng balahibo niya ay nagniningning pa rin kapag tinatamaan ito ng ilaw. Dumaan ang pusa at lumagpas sa akin na para bang walang pakialam na nandoon ako't namamangha sa kulay ng balahibo niya. Bago ako lumabas sa spa ay nakapaghapunan na kaming lahat kasama si Helinda. Tinolang manok at adobong baboy ang ulam namin doon. Lubos sa pagkakaibigan, parang pamilya na ang turingan namin sa bawat isa. Ang buong hapunan ay napuno ng kwentuhan at katuwaan. Subalit nang may nagbalak na na maglabas ng inumin, may pagpasensyang nagpaalam na akong uuwi na. Mula sa likod ko ay may narinig akong ingay. Para bang mayroong natisod. Nagtataka, napatingin ako sa dakong sa tingin ko ang partikular na tunog ay nagmula. Bago mawala sa paningin ko ang itim na pusa-- sa kadahilanang ito ay kumanan-- ay may nakita akong silhouette ng isang taong matangkad. Sa mabilis ng pagkawala nito, kinutuban na ako. Dali-daling binilisan ko ang paglalakad papunta sa department store. Mukhang may sumusunod sa akin na may masamang balak. Habang patuloy pa rin ako sa paglalakad papuntang destinasyon, sa patnubay ng sinag ng mga posteng may ilaw, ramdam ko pa ring may sumusunod sa akin. Subalit sa tuwing ako’y titingin sa likod, ang silhouette na lang niya ang naaabutan ko. Sa sobrang takot, tinakbo ko na ang natitirang distansyang mayroon papuntang department store. "Good evening, Ma'am," bati sa akin ng guard pagkapasok ko sa department store. Bakas sa mukha niya ang kaligayahang malapit nang matapos ang shift niya para sa araw na ito. "Good evening din po," bati kong balik sa kanya. Gaya ng inaasahan ko, nagsisimula na ring magsi-uwian ang mga mamimili sa department store. Mailan-ilan na lang ang nakikita kong naghahanap pa ng mga bibilhin. Halos karamihan sa natitira ay bumabayad na sa mga kahera at papalabas na rin. Balak kong bumili ng mga light materials para pang-decorate sa damit na itatampok namin sa fashion forecast sa paaralan. Beads, ribbons, feathers, silver dust, at kung ano-ano pa. Ramdam ang ginaw ng air-con, nilandas ko na ang pakay na shopping boutique. "Good evening, Miss!" isang tinig mula sa likod ko ang nagsalita. Ang gagalang ng mga tao rito sa department store. "Magandang gabi rin," sabi ko nang makaharap na siya. "You look so beautiful!" puri sa akin ng isang lalaking salesperson. "Ako? Salamat po." Mukhang alam ko na ang kahahantungan nito. "Very welcome, Miss Beautiful. But before you go somewhere else, I have an offer that you might not want to miss out." "Sorry, wala akong pera," bago pa ako ma-sales-talk, inunahan ko na siya. Pang-allowance ko lang para sa linggong ito ang mayroon ako. "Your hair is healthy black. Your eyes are so brown like toasted almond. Your nose is broad and unremarkable. Your lips are red and pouty. You are just so fairly white. Furthermore, you have the nice contour of the body." Taas-baba niya akong tiningnan. "Ang daming papuri naman iyon, Kuya. Salamat, salamat." "You're welcome, Miss Beautiful! And because I mean it, you can purchase this two-piece red bikini for an affordable price." At ito na nga ang sinasabi ko. ----- Bago pa tuluyang mag-ten ng gabi ay nalisan ko na ang mall. Nabili ko na ang dapat na bilhin, pati na rin ang hindi dapat na bilhin. Bukod sa mga materyales na natukoy ko kanina, napasama rin sa mga naipamili ko ang two-piece red bikini. Kung 'di lang sana ako na-sales-talk ng lalaking iyon ay kumpleto pa sana ang pang buong linggo kong allowance. Ngayon, dala-dala sa paglalakad ko, ang pagsisising binili ko ang bikini. Mula sa department store, ang bahay ko ay nanatiling walking distance. Ilang liko sa kanan at kaliwa at makakauwi na rin ako sa wakas. Habang mag-isang naglalakad ulit... Mula sa katahimikan ng paligid, may narinig ulit akong isang ingay sa likod ko. Isa sa mga paliwanag ng mga tao na kung bakit kakaunti lamang ang mga nanatiling sa labas tuwing gabi ay para sa kapakanan ng seguridad nila. Tumingin ako sa likod para malaman kung ano ba ang dahilan ng ingay. Gaya ng inaasahan ko, ang silhouette na naman. Dala-dala ang mga naipamili ko, tumakbo na ako pauwi. Sa tuwing pagliko na ginagawa ko, ramdam ko pa rin ang pagsunod ng matangkad na silhouette. Sa tuwing ako ay kakanan, ganoon din tuwing ako ay kakaliwa. Ano ba ang balak niya sa akin? Isa lang akong estudyanteng nagsisikap din para mairaos ang sarili sa kahirapan. Walang akong pera na maibibigay sa kanya kapag hinoldap niya ako. Pwera na lang... Sa pagliko ko sa isang sulok ay may nabangga ako. Dahilan na mas malakas siya, ako ang natumba. Tinuon ko ang mga mata ko sa mukha ng tao. Itim na buhok, brown na mata, matangos na ilong, manipis na bibig at ang Adam's apple na iyan... Siya iyong nakasabay ko sa flower shop kaninang umaga. Ngunit, bakit bakas sa mukha niya ang galit? Dagdag mo rin itong naaamoy kong alak sa kanya. Dali-dali akong tumayo at nagsalita, "Pasensya na po." "f**k off, b***h!" hindi gaya ng tinig niya kaninang umaga na kahit cold ay masaya pa rin, ngayon ay may halo na itong poot. Siguro may masamang nangyari sa kanya sa pagitan ng pagkikita namin. Ngunit para tawagin niya akong 'b***h', hindi iyon mapapatawad ng kahit na ano mang rason. Dali-dali ko siyang pinatikim ng malutong kong sampal. "Kuya, 'di kita kilala pero..." naputol ang pagsasalita ko nang maramdaman ang kamay niya sa leeg ko. Nilapat niya ako sa pader at marahang sinakal. "Look, b***h. You also want to f**k with me, aren't you?" nanlaki ang mga mata ko sa mga sinabi niya. Kumawala sa manipis niyang bibig ang mga salitang iyon na para bang napaka-normal lang. Dahil sa bilis ng pangyayari, nalaglag ko ang mga naipamili ko. Nahihilo ako sa titig niya. "If you will not say a word, that means a yes on my side." Kahit na kaya ko pang magsalita ay ipinili ko na lang ang hindi pagtugon. Ewan ko kung bakit, pero hindi ako nakakaramdam ng kaba. At isa pa ay natutulala rin ako sa titig niya. Marahan siyang tumawa. "I will just grant your wish, b***h, don't blame me!" ang huling sinabi niya bago ako halikan. Ang halik niya ay naging agresibo, puno iyon ng galit at poot. Parang mapupunit ang mga labi ko sa ginagawa niya. Hindi ko naiintindihan ang nangyayari sa sistema ko! "Let me f**k you, baby," nakakapanghina ang mga sinabi niya. Sabay niyon ay inilapat niya sa akin ang kanyang buong katawan. Ramdam ko ang pagkatigas niya sa ilalim. Hinagod niya sa tiyan ko ang katigasan niya na para bang may malaking pangangailangan. Bakit ganito? Kaya kong lumaban ngunit bakit ayaw kong lumaban? Nagpatuloy ang paghalik at pagdiin ng katawan niya sa akin hanggang sa nahilo ako at tuluyan na ngang hinimatay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD