Azelf
Kita ko sa mga mata ni Helinda ang pagkagulat nang marinig ang ibinunyag ko. Because he passed away already. Gayunpaman, imbes na kalungkutan ang mamagitan sa aming dalawa, nag-iwan ako ng ngiti para mabawasan ang tensyong bumabalot ngayon sa buong kusina.
"I'm sorry for the loss, Azelf. I must have been there to comfort you," may lungkot niyang sabi.
"Helinda, that is not your fault. So don't feel sorry about that. And also, the Colonel's death had been years ago. We just barely knew each other back then."
Bago pa man kami ni Helinda Faulkerson maging lubos na magkakilala sa Sensation Massage Spa, parati na kaming nagkikita sa paaralan. Sa katunayan, sa paaralan, pareho kami ng department na kinalalagyan: ang Engineering.
Sa kasalukuyan, pareho kaming nasa third year ng kani-kaniyang kursong kinukuha. Ang sa kanya ay Architecture, samantalang ang sa akin ay Mechanical. Magaling si Helinda sa pagguhit ng mga plates niya. Sa akin naman, grabe na ang pasasalamat ko makakakuha ng passing grade.
Nagsimula kaming maging malapit sa isa't isa nang kami ay naging magkaklase sa PE at maging magka-platoon mate sa ROTC. Siya na siguro ang isa sa mga kaibigan kong pinagtitiyagaang intindihin ako. Minsan nga, ako na lang ang na-gi-guilty sa pagsusupladang ginagawa ko sa kanya. Hindi niya ako isinuko. Si Helinda ay isang mabuting kaibigan.
"Azelf, mind if I ask you something?"
"Oo, ano naman iyon?" nagtatakang tugon ko.
"If the Colonel could afford this such wealth, why to still work in the spa?"
Napansin na nga niya kung anong klaseng pamumuhay ang nandirito sa bahay.
"Way back then, Colonel taught me valuable life lessons. Needless to say, he only gave me the simplest form of life there is."
"He died, you say. Didn't he leave you any financial support?"
Natanong ko na rin ito sa sarili kung bakit wala siyang may naiwan na pera para sa akin, ang rason kung bakit ako nagtatrabaho sa Sensation Massage Spa. Sa kabilang banda, pinatuloy na niya ako sa bahay na ito, pinakain, inaruga, at minahal. Isang kalabisan naman siguro kung hihingi pa ako ng iba pang mga bagay bukod sa mga iyon.
"No, he only left me this house," maligaya kong sagot. Ito ang bahay na kung saan ako lumaki.
"Ganoon ba..." Pansamantala siyang huminto bago nagpatuloy, "Oh! By the way, I forgot something."
Mula sa pagkakabalot ng bahay sa malungkot na atmospera, bigla-bigla ay nag-iba ang ambiance nang tumayo si Helinda.
Nagsimula nang magpakita ang araw sa isang bintana ng bahay sa silangan. Isang maganda at masiglang araw.
"Yes, we do need to eat our breakfa..." Ngunit pinutol niya ang sinasabi ko.
"No, that's not it! I'll be back in a short while. I'm just gonna get something," pagpapaliwanag niya. Bago siya lumisan ay binigyan niya ako ng isang kindat. Habang papalayo na siya, narinig ko ang pagkanta niya. Bakit kaya masaya siya?
May ilang minuto pa ang natitira bago magbukas ang spa. Habang tinitingnan ko ang paglusaw ng usok na lumalabas sa kaning nasa plato ko, hindi mawala sa isip ko ang mga nangyari kani-kanina lang. Bakit kaya ako umiyak nang hindi ko man lang namamalayan?
Nakakatawa mang isipin, ngunit nagmukha akong isang may topak sa harapan kanina ni Helinda. Kinakailangan ko pang masampal ng kaibigan ko nang matindi para maibalik lang ang ako sa kasalukuyan. Mabuti na lang at nandito si Helinda, minsan pa sa bahay na ito ay hindi ko naranasang maging mag-isa.
"Little good happy girl,
Dancing alone to her own rhythm.
She is there, inside of you,
Sleeping silently, innocently."
Nanatiling nakaupo, tumingin ako sa likod ko nang marinig ang boses ni Helinda na parang nagtutula. Bakit kaya siya nagtutula?
Tumambad sa paglingon ko ang nakasandal sa pader na si Helinda na may bitbit na isang bouquet ng pula na rosas at kahon ng Ferrero Rocher at tinitingnan ang isang maliit na envelope na kung saan ang sa tingin ko ay nanggagaling ang binabasa niya.
"Ano iyan?" nagtataka kong tanong.
"Hindi mo alam?"
"Ang alin?"
"May nagpadala sa iyo ng mga ito." Sabay tukoy sa mga bitbit niya.
"Ano?" naguguluhan kong tanong.
"Azelf, may secret admirer ka!"
Pagkatapos magsalita ni Helinda ay sumigaw siya na parang kinikilig. Mukhang alam ko na ang rason kung bakit ako nagising sa isang sigaw kaninang lang.
"Ako, may secret admirer? Malabo naman iyon mangyari, Helinda. Hindi ko pa kailanman naalalang nakatanggap ng mga bagay na bitbit mo ngayon. Baka sa iyo iyan at pinagloloko mo lang ako?"
"No! Look." Ipinakita niya sa akin ang papel kung saan nakalagay ang tula. Kasama sa mga nakasulat doon ang dalawa pang mga salita na hindi nabanggit ni Helinda: "Lovely Azelf."
"Oh, see? Now, I am giving this to you..." Habang isa't isa niyang inililipat mula sa mga kamay niya papunta sa akin ang bouquet ng pula na rosas at kahon ng tsokolate at ang letter. "…For I will first fix myself. We have less time remaining, the spa will be opening soon!"
-----
Nang matiyak na naming maayos ang mga sarili namin, nagsimula na kaming maglakad palabas. Ang parang-gubat na nakapalibot sa bahay ay nagbigay sa amin ng malamig na ambiance nang masarado na namin ang front door.
Panibagong araw sa buhay ng bawat isa. Sana maging maganda para sa akin at kay Helinda ang araw na ito.
Habang tinatahak namin ang daan papunta sa kalsada, may naalala ako...
"Helinda, maitanong ko lang, anong oras ka lumabas sa spa kagabi?"
Hinarap niya ako nang may pagtataka. "Sa pagkaalala ko, mga lagpas sa kalahating oras nang lumisan ka."
"Pagkatapos niyon, ano ang huli mong naalala?"
"Ang huli kong naalala..." Hinatid siya ng pag-iisip niya sa mga ilang sandaling katahimikan. Hinarap niya ako habang nagsasalita, "Ang huli kong naalala kagabi ay nabangga ko si Jake. Si Jake nga ba iyon?"
"Oo, si Jake iyon," pagkumpirma ko. "Bukod doon, wala na bang may sumasaging iba sa isipan mo?"
Tiningnan ko siya sa mga mata niya habang hinihintay na makasagot. "Wala na akong may naalala bukod doon, Azelf. Eh kung kasama ko si Jake, bakit ako nagising sa bahay mo?"
Kita ko sa mukha niya na nalilito siya.
"Gusto mo talagang malaman?" sinubok ko siya. Kapag nalaman niya na nahuli ko sila ni Jake na nagtatalik, ano kaya ang magiging reaksyon niya?
"Nakakatakot naman iyang mga sinasabi mo. May nagawa ba akong kababalaghan?" basi sa tono ng pasasalita niya, mukhang may narerekolekta siyang mga pangyayari kagabi ngunit hindi niya ito mapagtagpi-tagpi. Nahuli niya akong sumigaw sa daan papunta sa spa kahapon. Ngayon na ako naman ang may alas, saan ko kaya ito magagamit?
"Gusto mo talagang malaman?" inulit ko ang tanong ko. Sa pagkakataong ito, ngumiti ako.
"I'm getting anxious of what had happened between the times of me while being with Jake, and waking up to your house."
"If I were you, I will never ask Azelf of what had happened between those times anymore. Do you still want to ask me?"
"No. I will never anymore. I sensed something bad is what I have done last night."
"Good decision," sabi ko.
Sa kabilang banda, habang pinupuno namin ang paglalakad namin ng pag-uusap, hindi namin namalayan na narating na pala namin ang main road papunta at palabas ng siyudad.
"Say, Azelf. Since we'll be late if we will be just walking, why don't we take a run?"
May punto siya: kailangan ay makarating kami sa Sensation Massage Spa bago mag-ten.
Dahilan sa walang hintuan ng sasakyang pampubliko dito at nasa mood din ako para tumakbo, tinanggap ko ang alok niya.
"Like we have any other choice." May kalahating oras na lang ang natitira sa amin bago matawag na late. Kaya namin ito!
Kagaya ng inaasahan namin, ang pagtakbo sa gilid ng kalsada sa oras na ito ay mahirap na. Kumpara sa madaling araw na pag-ja-jogging na kung saan ang lahat ay nasa mahinahong kalagayan pa, ang paglalakbay namin papunta sa trabaho ilang minuto bago kami ma-late ay nagsimula nang maging hindi kaayaaya.
Ilang mga motorista na lumalagpas sa amin-- kung saan ang karamihan sa mga iyon ay lalaki-- ay napapalingon at napapatingin sa dako namin. Siguro ay nagtataka sila sa ginagawa namin. Pwede rin namang tipo nila ang beauty ng kaibigan ko.
Sinabak namin ang mainit na umaga, ang usok ng mga sasakyang dinaraanan kami, at ang limitado naming kakayahan sa pagtakbo.
"Azelf, this seemed to be like one of those training in our ROTC," masaya niyang sabi.
"This brings back memories, indeed!" pagsang-ayon ko.
"Yeah, the memories that you are the reason why we have been penalized to run five times around the oval..."
"I don't know you still hold that grudge against me."
"Not just only me, Azelf. But to the rest of our co-platoon," pabiro niyang nasabi.
Naalala ko ang araw na iyon na para bang kahapon lang. Tinanong ako ng platoon leader namin kung paano i-spell ang katagang QUIT. Ako naman na um-absent nang nakaraang drill aysinagot iyon nang may tikas: Q-U-I-T.
Lahat ay napatigil sa paghinga, ang platoon leader namin ay nagalit. Sinabihan ang lahat ng ka-platoon ko na kung gusto pa nila na manatili ako sa ROTC, kailangan ay tumakbo kami ng five rounds sa oval.
"Past is past, Helinda."
"And present is present, Azelf," sabi niya nang may tonong seryoso. Ngunit makaraan pa lang ang ilang segundo ay humalakhak siya.
That is Helinda.
Ilang mga sandali pa ang nagugol namin sa pagtakbo at sa wakas ay narating na namin ang siyudad. Kaunting tiis na lang ang kinakailangan. Dapat hindi kami ma-late!
Masaya kami sa pagtakbo patungo sa Sensation Massage Spa. Ngunit sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ang mga paa ko ay huminto sa pagtakbo. Habang dinaraanan namin ni Helinda ang kalyeng may nagbebenta ng bulaklak, doon sa harap ng flower shop ay tumigil ako. Bakit ako tumigil?
Kagaya ng kahapon, ganoon ring mga klaseng bulaklak ang binibenta roon. Rosas, tulips, marigold, sunflower, calalily, dandelion at iba pang mga bulaklak na nagkakaiba sa laki at kulay at variety. Ngunit ang pinagkaiba ng ngayon sa kahapon, hindi naka-sale ang mga ito ngayon.
"Hey, what's the problem?" tanong ni Helinda na biglang sumulpot sa harap ko.
"No, there is nothing." Mula sa mga bulaklak, tinuon ko ang mga mata ko kay Helinda.
"You have received a bouquet already, Azelf. Let's go!"
"Okay, let's go!" pagsang-ayon ko at itinuloy na ang pagtakbo.
Sa paglisan ko sa flower shop, parang nakita ko ang lalaking inubos ang lahat ng mga pula na rosas kahapon sa tindahang ito.