Lexter's POV Kalalaking tao -- pero inaamin ko, walang mapaglagyan ako ng kilig ngayon dahil sa babaeng kasama ko. Ang sillhouette na babae na laging nasa panaginip ko, si Shasha Adelle Salamanca pala 'yon. Teka, bakit ako lang yata ang kinikilig? Bakit biglang nagseryoso naman kaagad ang babaeng kasama ko? ''Boo? Okay ka lang? Ikaw naman 'di mabiro,'' ''Baliw wala -- may iniisip lang,'' ''Ano na naman? Opisina na naman ba? Napaka-loyal mo talaga kay Rain,'' saad ko at wala na siyang naging imik pa. Kinuha ko bigla ang bag niya at isinabit sa balikat ko -- na talagang kinagulat ng mukha niya. ''Lexter ano ba, baka mamaya may makakita sa 'yo!'' sambit niya sa 'kin. ''Ano ba naman ba? Bakit? Hindi mo ba matanggap na mas bagay sa 'kin ang sling bag mo na 'to?'' ''Baliw! Mukhang bakla

