CHAPTER 21

1384 Words
Allen's POV Napakabilis ng panahon dahil ngayon na ang araw na ng aming graduation, ang araw na pinakahihintay naming apat. Walong taon namin itong hinintay at pinaghandaan mula noong highschool kami -- pero bakit gan'on, para kaming namatayan ngayon. Noong gabing nasa nagpakalasing si Rumir ay nalaman niya ang tungkol kay Rain at sa manliligaw nitong doctor na si Noah. Doon rin niya na kumpirna noong nahuli niya itong nagpasundo at humalik pa sa labi nito. Hindi lang si Rumir ang wasak ngayon dahil si Lexter, walang pinagkaiba sa nararamdam no'ng isa. Dalawa sila ngayon na talagang depressed na. Dahil hindi maayos ang kalagayan ng dalawa, ay minabuting binantayan muna namin sila ni Chris. Nandito kami sa condo ni Rumir, mga nakatunganga at malalayo ang iniisip. '''Tol,'' tawag sa 'kin ni Chris at pumunta sa kusina. Tumayo naman ako kaagad at sinundan siya. ''Hmm?'' '''Tol, bukas na ang graduation natin,'' ''Tapos,'' ''Anong tapos? 'Tol nag-aalala ako, baka mamaya ay ayaw na no'ng dalawa mag-marcha,'' buong pag-aalalang sambit niya at napahawak na lang sa kaniyang mukha. ''Huwag mo na masyado isipin 'yon Chris. Kausapin na lang natin sila ng maayos,'' ''At sa tingin mo uubra tayo?'' Ako naman ngayon ang napabuntong hininga. ''Allen parang hindi mo naman kilala ang mga kaibigan natin?'' ''Hays basta, sigurado akong magagawan natin 'to ng paraan.'' Nang matapos kong sambihin 'yon ay saka naman may nag-door bell. ''Ako na Chris, omorder kasi ako ng Angel's Pizza.'' Tumungo lang siya at iniwan ko na siya sa sala. Dumaan muna ako sa lamesa kung nasa'n ang dalawang nakatunganga para kunin ang wallet sa lamesa. Awang-awa ako sa kanila, pero anong magagawa ko kundi ang damayan lang sila at omorder ng pizza? Binilang ko muna ang laman sa wallet ko tsaka binuksan na ang pinto. ''Nandito na ang -- t-tita.'' Napa-awang ang bibig ko sa hindi ko inasahang nandito si tita Stacy -- ang ina na Lexter na napakamatapobre! ''Nasaan si, Lexter!'' pumasok siya kaagad sa condo ni Rumir at hinagkan kaagad ang anak no'ng kaniya nang nakita. ''Anak bakit hindi ka na umuuwi? Ilang araw ka na dito.'' Tumitingin tingin si tita sa aming lahat. Galit na galit ako sa nanay niya. Sinabi sa amin lahat ni Rain kung gaano nahirapan si Shasha, lalo na no'ng panahon na nalaman na niya na nagkrus na naman ang landas ng dalawa. Binantaan na niya ang buhay ng dalaga, maging ang tinutuluyang bahay nila kaya kami, kahit ayaw naming maghiwalay sina Shasha at Lexter, wala naman kaming ibang magawa kundi ang pumanig na muna sa paghihiwalay nila. Gustuhin man namin na tulungan si Shasha pero mga estudyante pa lang kami at wala pang sapat na kakayahan para mag-abot ng tulong. ''Lexter anak, sinabi ko naman sa 'yo na peperahan ka lang ng babaeng 'yon.'' Mula sa kusina, nakita ko ang mukha ni Chris na namumula na dahil sa paratang niya kay Shasha. Sa tagal na nakasama namin ang dalaga ay nakilala na namin ang ugali niya. Kung tutuusin, si Shasha pa ang nag-aabot ng pera kay Lexter kapag minsan ay short siya. Palibhasa kasi, binawasan ng kalahati ng mommy niya ang kabuuang baon sa buong semister. ''Manlolokong babae ang napunta sa 'yo anak. Mas maganda 'yang nawala na siya sa landas mo. Umuwi na tayo para mag --'' Tumayo na siya at hinawakan ang kamay ni Lexter, wala pa rin ka-imik imik. Lumabas na sila ng pinto, na sakto naman dumating ang order kong pizza. ''Mauna ka na sa sasakyan anak, babayaran ko lang sandali ang order.'' Ngiti niyang saad at lumakad na ang kausap niya, naiwan na lang kaming dalawa sa harap ng pinto at ng delivery boy. Nang mauna ng bumaba ang anak niya, nag-iba a ang kaniyang awra. Bumalik na ang masamang ugali na mayro'n siya. ''Napaka-kunsitidor niyo talaga Allen,'' mahina ngunit taimbagang sambit niya. ''At bakit ano bang kasalanan ni Lexter?'' singit naman ni Chris na nakikinig pala sa amin. ''Isa ka pa, kayong lahat mga kunsintidor! '' Pinagduduro niya kaming lahat, galit na galit sa mga pagmumukha namin. ''Alam niyo Mrs. Frante, kahit magalit ka pa diyan, hindi mo kami mawiwindang,'' sabat naman ni Rumir sa loob na nakaupo pa rin. ''Haha, mawiwindang. Amazing.'' Pang-demonyong ngiti ang ibinigay niya sa amin. ''Hindi nga kayo nawindang pero napasunod ko si Lexter,'' ''At sa tingin mo kung makaka-alala siya ulit ay mapapasunod mo pa siya?'' Nawala ang ngiti niya sa isimabit ni Rumir at lalong namula ang tainga. ''Mrs. Frante, gagawin namin ang lahat para bumalik ang ala-ala niya. Kayo po ba? Gusto niyo rin bang ipaalala namin sa inyo na nagtitinda lang kayo ng isda sa palengke dati?'' pangangasar ni Chris dahilan na tuluyan na niyang pag-alis. ''Teka akala ko ba ikaw magbabayad ng order?'' pangangasar ko sa kaniya at inihagis sa akin ang isang libong piso saka tuluyan ng lumakad. ''Wala ng gamot sa nanay ni Lexter 'tol,'' usal ko ng makapasok na sa loob dala ang mainit pang pizza. ''Huwag kang mag-alala, may araw rin siya,'' ''Tama ka Rumir, karma is on the corner. O siya, maghanda na tayo para sa graduation bukas,'' sambit ni Chris at kumuha ng isang slice ng pizza. Hindi ko alam kung magiging ganap o masaya ako bukas para sa aming graduation! SHASHA'S POV Ang araw na pinakahihintay ko, magtatapos na ako ng kolehiyo! Kasama ko ngayon si Rain sa paghahanap ng mga dress at sandalas na susuutin dito sa wardrobe niya. ''Pasensyahan mo na 'ko Rain at wala talaga akong kagamit-gamit.'' ''Shh! Para ka talagang baliw! Para naman 'tong others! Pumili ka na diyan dahil magkukulot pa tayo ng buhok!'' tawang saad niya hawak ang twalya papasok sa kaniyang banyo. ''Pumili ka na Shasha ha dahil mag-aalasais na ng umaga!'' sigaw niya pa na pahabol sa 'kin. Alam ko, ramdam ko pa rin ang kirot sa dibdib ni Rain. Pero siya, ang buong akala niya talaga ang wala ng sakit sa dibdib ko tungkol sa amin ni Lexter, dahil -- dahil magaling akong magtago ng totoong nararamdaman ko. Kung tutuusin, mayroon naman akong dress na masusuot. Simpleng simple lang dahil papatungan ko rin naman 'yon ng toga. Pero si Rain, ayaw pumayag na maging simpe lang kami. Mukhang pinaghandaan niya talaga ang araw na 'to! Ilang oras kaming paikot-ikot, bihis dito bihis doon, kulot dito kulot doon! Kahit papaano ay mukhang memorable sa 'kin ang araw na 'to! Pagkatapos kumain saglit at nag-retouch na kami bago lumapit na sa sasakyan. ''Wow, ang ganda niyo namang dalawa,'' sambit sa amin ng lolo dad niya. ''Tito Romolo, ito na po ang pinangako ko sa inyo ni Rain.'' Ngiting usal ko at yumakap sa matanda. ''Both of you truly deserve this moment.'' Yumakap rin siya kay Rain at pumasok na sa loob ng sasakyan. Ihahatid na kami ni tito Romolo kung saan idadaos ang graduation. Halos isang oras, nakarating na kami at payapa nang nakaupo. Buong tourism ay katabi mismo ng business management kaya -- ''Shasha, lipat tayo ng upuan.'' ''H-ha?'' ''Lipat tayo sa dulo.'' Halos hindi ko marinig ang sinabi ng katabi ko, dahil sa nagtama ang paningin naming dalawa ni Lexter. ''S-sige, lipat tayo sa -- '' ''Ms. Acosta? Ms. Salamanca? Saan kayo pupunta?'' ''M-ma'am pwede lumipat kami do'n sa -- '' ''No, every seats have corresponding student kaya bawal na kayong lumipat.'' Hindi na kami nakaimik ni Rain kaya kanya kanya na lang diskarte para hindi kami mapatingin sa kanang bahagi namin. Lumipas ang oras, nagsimula ng marcha. Sinimulan sa iba't ibang kurso at departamento. Masaya ako, ang isa sa pangarap ko sa buhay ay natupad na. Kaya lang, hindi ko maiwasang hindi din malungkot. Hindi na nga ako nasaksihan ng totoo kong mga magulang, pati ba naman ang umampon sa 'kin ay wala rin? Sinadya ni ate Shasmeca na hindi muna magpadala para walang magamit sa graduation ko. ''Pero okay lang, okay lang ako.'' Patak na luhang sambit ko na agad ko namang pinunasan. Nakita ako ni Rain at agad naman yumakap. ''Hey hey, 'di ba nag-usap na tayo? Smile lang ang awra natin ngayon,'' usal niya at pinunasan naman ang ibang luhang pumatak. ''Rain salamat sa 'yo. Sa inyo ni tito Romolo,'' taos pusong sambit ko at yumakap sa kaniya. Napatingin ako sa pulang sinulid na nakabuhol sa wedding finger ko. Ano na kaya ang susunod na mangyayari sa buhay ko?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD