Lexter's POV
Hindi ko alam pero parang lagi na akong iniiwasan ni Shasha. Kung dati ay halos kaming magkasama, ngayon napakadalang na.
Kapag tinatanong ko siya kung may problema ba kami, sinasabi niya ay wala naman. Kapag sinusundo ko naman siya sa bahay nila ay lagi na siyang nauuna dito sa university.
''Hays, I'm miss my boo,'' mahinang bulong ko habang kumakain ng ice cream ang barkada.
'''Tol okay ka lang ba?'' usal sa akin ni Chris.
''Hmm, namiss ko lang si Shasha. Teka Rumir nasa'n pala si Rain? Madalas 'di ba silang magkasama?''
''H-ha -- h-hindi na sila - madalas magkasama,'' utal-utal niyang sambit sa akin kaya napakunot ang noo ko bigla.
''Nag-away ba silang dalawa?''
''Hindi, magkaiba na kasi sila ng schedule,'' sabat naman ni Chris sa pag-uusap namin.
''Hayaan mo na lang muna si Shasha 'tol. Malay mo? Kailangan niya lang ng space?''
''Space? Bakit naman Allen? Wala naman kaming pinag-awayan.'' Dahil sa sinabi nila ay gumapang na ang inis sa katawan ko.
''Bakit parang pinaghihiwalay niyo kami ni Shasha?''
'''Tol hindi 'yan totoo,''
''Pwes bakit Allen? Na tuwing magtatanong ako tungkol sa kaniya ay puro ganiyan ang mga sinasabi niyo! Halos isang buwan na kayong ganiyan sa 'kin! Akala niyo ba ay hindi ko pansin!'' Hindi ko na hinintay ang magiging sagot nila at iniwan na sila sa bleacher.
''Kung ayaw niyo akong samahan maghanap kay Shasha, pwes ako na lang mag-isa.'' Umalis na ako at naglakad ng papalayo sa mga kaibigan ko.
''Saan kaya ngayon si Shasha.'' Nilalakbay ko ngayon ang building kung nasaan siya pero bigo akong hindi makita ang babaeng kanina ko pa hinahanap.
''Excuse me, nandito ba si Shasha?''
''Hi, wala eh. Sa pagkaka-alam ko ay lumipat siya ng schedule,''
''H-ha? B-bakit daw?''
''Hindi ko na natanong, baka personal reason eh,''
''Ahh, s-sige. Salamat,'' sagot ko sa babae at umalis na.
Sinubukan kong pumunta sa library dahil doon pansamantala ang Science Club na pinangungunahan ng bestfriend niyang si Rain.
Paikot-ikot ako dito. Bawat sulok ay tiningnan kong maigi, kahit ang maliliit na mga book shelves ay hindi nakalusot sa 'kin. Halos tatlong oras na ako naghahanap pero hindi ko pa rin siya matagpuan!
''Wala rin dito si Rain. Damn na sa'n ba sila!'' sambit sa sarili at inis na inis na dahil hindi ko makita ang babaeng no'ng nakaraan ko pa gustong makita!
''Lexter, may hinahanap ka yata?''
''Ah --- oo Rich. Nakita mo ba si Shasha?''
''Hindi ko siya napansin dito eh.'' Biglang napakunot ang noo ko sa sinabi niya.
''T-teka, k-kilala mo si Shasha?''
''Oo naman, minsan nga ay tumatakas ka pa sa klase natin no'ng second year tayo para lang samahan siya sa vacant niya,''
''Ha? Simula third year ko lang naman siya naging girlfriend eh?'' tanong ko sa kaniya, na ikina-awang na ng bibig niya.
'''Tol!'' sigaw ni Chris kaya biglang nabaling ang tingin namin sa kaniya. Dali-dali siyang lumapit sa aming dalawa ni Rich, hingal na hingal.
'''T-tol, si Rumir -- ''
''Ba't anong nangyari!''
''Tumawag sa 'kin si tita Helana, umuwi raw si Rumir at nagpakalasing nang napakalala!'' Napanganga na lang ako sa sinabi niya at pinilit nang tumakbo ng napakabilis.
Naki-angkas na lang ako sa sasakyan ni Chris para mas mabilis kaming makarating.
''Nasa'n si Allen!''
''Nandoon na, nauna na. Kanina pa kita tinatawagan Lexter saan ka ba nagpupupunta!''
''S-sorry alam mo naman -- na buong araw akong naghahanap kay Shasha.'' Hindi na siya umimik kundi nagpatuloy na lang sa pagmamaneho.
Habang nasa manobela si Chris ay ako naman ay palingat lingat sa paligid. Nang hindi ko inaasahan -- nakita ko si Shasha -- may iba ng kasama habang tumawa!
''Damn you Shasha! At talagang diyan pa kayo kumain ng kwek-kwek kung saan tayo tumatambay!'' malakas na sigaw ko sa loob ng sasakyan. Alam ko na nakita rin 'yon ni Chris.
'''Tol, huwag mo na paikutin ang mundo mo sa kaniya.'' Hindi na ako nakaimik pa at iniyukom na ang aking palad.
SHASHA'S POV
Gibang giba na ang buhay ko, pero pinilit na lang talaga ako ni Rain na magpatuloy sa pag-aaral kahit ano pang mangyari.
Kilala ko ang sasakyan ni Chris. Kaya noong nakita ko ay dali-dali akong nakipag-usap sa isang estudyanteng hindi ko kilala.
Nakipagngitian ako sa kaniya at humawak pa sa kaniyang braso. Nang makalampas na ang sasakyan ay humiwalay na ako sa lalaki.
''Miss, pwede ko ba makuha ang number mo?''
''Sorry kuya, s-strick pala sina papa -- s-salamat na lang sa kwek-kwek,'' sambit ko saka tumakbo na papalayo.
Sa totoo lang, manhid na manhid na ako sa buhay ko ngayon. Wala ng kulay ang paligid, wala ng saysay kung bakit ako nabubuhay.
Hindi na rin ako sumasama kay Rain. Bukod sa busy siya sa Science Club ay ayaw ko namang makihati sa oras nilang ni Rumir.
Kinausap ko siya, halos isang buwan ng nakakalilipas. Sinabi ko sa kaniya na hindi ko na mahal si Lexter, na bigla na lang nawala ang nararamdam ko para sa binata.
Hindi ko na sinabi ang tungkol sa pananakot ng ina niyang si Stacy. Ayoko na, ayoko na pati ibang tao ay madamay pa. Sawang sawa na ako na kaawaan ng ibang tao.
Habang naglalakad pauwi, bigla akong naka-receive ng tawag mula kay tito Romolo, ang lolo dad ni Rain.
''Yes tito?''
''Iha, kung maari ay pumunta ka dito sa bahay! Nagwawala si Rain sa kwarto niya at ayaw sabihin kung ano ang dahilan!'' Pinatay niya na rin ang tawag kaagad.
Dali-dali na akong pumara ng taxi para pumunta sa bahay nila. Pagkarating ko ay dumaretso ako kaagad sa kwarto niya.
''Shasha nakita ko na ang susi sa kwarto niya, ikaw na bahalang kumausap sa loob,'' pag-aalalang saad ng kaniyang lolo dad.
''Ano po bang nangyari?''
''Hindi ko alam iha, namili lang kami saglit at nagpaayos ng laptop. Okay naman siya sa sasakyan kanina kaya lang no'ng nasa loob na siya ng kwarto ay nagwawala na,''
Inilagay ko na ang susi at binuksan ang pintuan kaagad. Namataan ko ang napakagulong kwarto ni Rain.
''A-anong nangyari,'' saad ko at dahan-dahang lumalakad papalapit sa kaniya.
''Shasha niloko niya lang ako! Niloko lang ako ni Rumir! May kahalikan siya doon sa bar! At alam mo ba kung sino? Ang kababata niyang si Tina! MANLOLOKO SIYA!'' singhal niya at binasag pa ang ilang mga vases doon.
''Shasha, I'm so broken right now! Saan ako nagkulang? Binigay ko lahat-lahat. Lahat-lahat!''
''K-kaya mo 'to Rain, m-malalampasan mo rin -- 'to,'' saad ko sa kaniya, at napatingin siya sa 'kin.
''Shasha, bakit ganito ang tadhana sa 'ting dalawa? Bakit tayo nadikit kina Rumir?'' luhang sambit niya dahilan ng paglapit sa amin ng kaniyang lolo dad.
''Iha, 'di ba sinabi ko na sa 'yo -- na huwag kang dumikit sa Montano na 'yon?''
''Lolo dad -- I'm -- sorry! Sana nakinig na lang po ako sa inyo!'' sambit ni Rain at yumakap naman siya sa matanda.
Hindi ko rin maiwasan na hindi na tumulo ang luha dahil sa pighati siya kay Rumir ay gano'n din ang nararamdaman ko para sa sarili.
''Lolo dad, kung nakikita ko lang ngayon sina mommy at daddy, paniguradong pagagalitan nila ako -- sa ginawa kong pagsuway sa 'yo,''
''Shhh, iha tahan na. Normal naman sa tao ang magmahal. Kaya lang, mukhang nagkamali ka ng pinili. Dapat sana ay sa lalaking kayang makuntento sa isa. Ganoon talaga ang buhay. Minsan paglalaruan ka ng taong pinili mo, minsan naman ay ang mga magulang ng taong pinili mo ang mang-aapi sa 'yo,''
Sa sambit ni tito Romolo, hindi ko alam kung para kay Rain lang ba ang mga salitang 'yon o para sa akin din.
''S-sige na Shasha, lolo dad, gusto ko na lang po munang mapag-isa.'' Hindi na kami umimik sa kaniya at lumakad na lang palabas sa napakagulong kwarto niya dahil sa ginawa niyang pagwawala kanina.
Hinatid ako ni tito Romolo papalabas ng pintuan at mayroong hawak na envelope.
''Shasha, salamat sa pagpunta mo rito. Pasensya ka na, hindi ko naman kasi alam -- na gano'n na pala ang takbo ng buhay niya,''
''Okay lang po tito, at -- pasensya po -- kung hindi ko po kaagad sinabi sa 'yo ang tungkol kay Rain at -- ''
''Hmm, ako ang may kasalanan dahil naging mahigpit ako ng sobra. Kung maayos sana ang isip ko at hindi gano'n ang trato ko, sana'y sinabi niya 'to sa 'kin at nasubaybayan siya.'' Yumuko siya sa lungkot at pinunasan ang kaniyang luha.
''Nga pala iha, allowance mo.'' Kinuha niya ang isang sobre sa brown envelope at binigay sa 'kin.
''Shasha, ipangako mo sa 'kin. Kahit mangyari pa sa 'yo ang pighati ni Rain ay huwag kang titigil sa pag-aaral. Iikot ang mundo at makikita mo rin ang taong nararapat sayo dahil -- '' Niyapos ko na siya, humagulgul dahil sa pagkakataong 'to, siya ang tumayong ama para sa 'kin.
Ngayon, mas matapang na ako, magtatapos ako ng pag-aaral ko -- kahit pa ang kapalit nito -- ay ang paglimot na sa 'yo Lexter Thor Frante!