CHAPTER 19

1448 Words
Shasha's POV Napakasaya ko, walang mapaglagyan ang saya ko dahil sa malaya ko ng nakakasama ulit si Lexter. Ang lalaking mahal ko, unti-unti ng bumabalik sa buhay ko. Araw-araw na kami ulit magkasama lalo na kapag college break sa unibersidad o 'di kaya'y bakante kami ng klase. ''Boo ang sarap talaga ng kwek-kwek,'' ''Oo sinabi mo pa, lalo na ang sauce nilang napaka-anghang!'' sambit ko at pinunasan ang sauce sa gilid ng labi niya. Nagulat na lang ako, nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko, at bigla akong hinalikan. Agad akong umatras, at ramdam na nakailang sa kaniya. ''Gano'n ang pagpunas ng sauce sa labi boo,'' saad niyang masaya na halos ikawala na ng puso ko. ''L-loko ka talaga!'' ''Sus pakunwari ka pa. Alam ko naman rin na crush mo 'ko,'' pangangasar niya sa 'kin kaya bigla akong napahampas sa balikat niya. ''I love you boo,'' sinsirong saad niya at humalik na naman sa mga labi ko, ng biglang dumating ang mga kaibigan niya maging si Rain. ''Woah, woah, woah, mukhang may hindi kami nalalaman!'' saad ni Allen na mukhang tuwang tuwa sa nasaksihan. ''Well I guess, girlfriend ko na si Shasha! 'Di ba boo?'' Wala akong ibang nasabi kundi ako naman ang humalik sa mga labi niya. ''Ayoko na dito. Mukhang nabenta na rin si Lexter sa barkada,'' pangangasar naman ni Allen habang nakangiting umiiling iling. ''Kaya ikaw Chris, Allen, humanap na rin kayo ng mga partner niyo para lahat na tayo masaya,'' ''You wish Lexter, habang buhay na yata ang pangbababae ni Chris,'' sabat naman ni Rain na naka-akbay sa boyfriend niyang si Rumir. ''O Allen? Bakit nakatingin ka lang diyan?'' sambit ko naman sa kaniya. ''W-wala. Chris totoo ba 'to o -- '' hindi na siya natapos magsalita nang bigla na siyang sampalin ni Chris ng napakalakas. Talagang hubby kasi nila ang magsampalan kapag hindi pa sa nag-si-sync in ang mga bagay-bagay sa isip nila. Samakatuwid, naging masalimuot man ang nangyari nitong second year college kami, ay dahan-dahan namang bumabalik na ang mga bagay na kinagawian namin ni Lexter -- maliban na lang sa nabura kong alaala sa isip niya. Fourth year college na kami ngayon, dalawang taon mula noong nagka-amnesia siya. Bagaman may unting lungkot sa puso ko dahil hindi niya ako maalala, masaya pa rin ako dahil ngayon, hawak ko na ulit ang puso niya. ''Boo, malalim yata ang iniisip mo?'' panimulang usal niya habang naglalakad na kami papalabas sa unibersidad. ''W-wala boo, may kakabisaduhin pa kasi akong script para sa play namin next week,'' ''Ahh, gusto mo na bang umuwi ng maaga?'' ''Oo sana, kung pwede?'' ''Hmm, alasain pa naman boo. Pwede magkape muna tayo? Stress ako sa isa kong subject, gusto ko lang sana magkape sandali. Kahit thirty minutes lang boo,'' ''Sige, saan mo ba gustong pumunta?'' ''Hmm, 'di ko alam, lakad-lakad lang muna tayo.'' Tulad ng sinabi niya ay umikot ikot muna kami dito hanggang sa -- ''Boo, gusto ko sana sa coffee shop na 'yan. Tara?'' Napatingin ako sa sa itinuro niya -- ang coffee shop kung saan ako binuhusan ng milk tea ng mommy niya. ''B-boo -- pwede sa iba -- na lang?'' ''Ha? Bakit?'' ''A-ayoko diyan,'' ''Saan na lang pala?'' ''I-ihatid mo na lang ako sa bahay boo. S-sumakit yata biga ang ulo ko,'' pagdadahilan ko sa kasama ko. Kung tutuusin, para na yata akong nilagnat nang bigla na naman nag-flashback ang kahihiyan na sinapit ko sa coffee shop na 'yon. ''Boo, I'm sorry,'' usal ko sa kaniya habang siya'y nagmamaneho. ''Okay lang, sa bahay na lang din ako para mas makapagpahinga na rin tayo ng maaga.'' Humawak ako sa kamay niya at ngumiti ng bahagya. Isang oras ay nakarating na kami sa bahay. ''Boo, salamat sa paghatid sa 'kin,'' ''Tss, minsan na nga lang kita mahatid dahil madalas ng conflict ang schedule natin,'' ''Good night boo, mag-iingat ka sa pagmamaneho mo pauwi,'' ''I will, I love you.'' ''Boo?'' ''Hmm?'' ''Wala -- ka pa rin bang -- ibang naaalala?'' ''Woah -- bakit? M-matagal pa naman ang -- monthsary natin ha?'' ''Y-yes hmm. W-wala, natanong ko lang,'' ''Monthsary? Hindi ko 'yan makakalimutan. Sige na, pumasok ka na. I love you ulit boo.'' Ngumiti siya sa 'kin saka pinaandar na ang sasakyan. Sinusundan ko ng tingin ng sasakyan niya, napapahingang malalim dahil sa hindi pa rin niya ako nakikilala. ''Hays. Ang mahalaga naman ay akin ka na ulit Lexter Thor Frante. Mahal na mahal kita, I'm -- fated to love you,'' masayang sambit ko at pumasok na sa bahay. Sinalubong ako ni mama na masayang masaya habang naghahanda na ng aming hapunan. ''Ma, anong mayro'n?'' tanong ko sa kaniya at sumalubong sa 'kin ang napakaraming groceries. Mukhang napagpadala na naman si ate Shasmeca kay mama dalhin napakapamili na naman siya. ''Anak, kumain na muna tayo. Tawagin mo na muna si ate Sarah mo sa kwarto,'' ''Sige ma, magbibihis na muna ako.'' Pumunta na ako sa kwarto ni ate Sarah. Doon pa rin ako natutulog kahit nasa Japan na ulit si ate Shasmeca. Trauma pa rin kasi ako sa ugali na mayroon siya. ''Ate, kain na raw,'' saad ko sa kaniya habang nakahiga siya at nagbabasa ng pocket book. ''Sige tapusin ko lang ang chapter na 'to,'' ''Sus ate, ang sabihin mo, gusto mo lang muna tapusin 'yang binabasa mo,'' ''Hays sige na nga, kumain na muna tayo.'' Umupo siya at tinali na ang kaniyang kulot na buhok. ''Magbihis ka na Shasha at sabay na tayo lumabas,'' ''Sige ate.'' Kumuha ako ng damit sa cabinet. Napansin ko ang malaking damit ni Lexter na nakatupi kaya 'yon ang isinuot ko. ''Suot mo naman ang damit ng boyfriend mo,'' ''Ihh gusto ko 'to ate kasi malambot,'' pagsisinungaling ko naman sa kaniya. Alam ni ate na may boyfriend ako pero hindi ko pinakikilala sa kaniya. Baka kasi madulas siya tungkol sa nakaraan namin ni Lexter. Masaya ako dahil bukod kay Rain ay may kasundo rin ako dito tungkol sa buhay pag-ibig ko. ''Ate nasa'n pala si papa?'' ''Maaga na natulog, namasada na naman kasi kanina ng jeep,'' ''Hays si papa talaga. Hindi na safe kay papa ang mamasada dahil sa bukod malabo na ang mata niya ay matanda na rin siya,'' ''Hayaan mo na Shasha, nakasanayan niya na kasi. Hayaan na lang natin total tuwing biyernes at sabado lang naman siya namamasada,'' ''Sabagay. Nga pala, nakapagpadala na pala si ate? Mukhang masaya si mama dahil may hawak na namang cash eh,'' ''Ha? Next week pa magpapadala ang pinakamabait nating ate.'' Napakunot ang nuo ko dahil sa sinabi niya. Sa dami ng groceries sa labas, alam kong hindi 'yon kinita ni papa sa byahe niya buong araw! Teka, baka pa-surprise ni boo ito! ''Edi kanino pala galing ang mga groceries?'' kilig na tanong ko sa kaniya. ''Hindi ko alam eh. Pag-uwi ko galing sa trabaho ay nadatnan ko na 'yan,'' Hays, hindi ko maiwasan na hindi kiligin! Bumabalik na talaga si Lexter sa pagiging sweet niya! My boo I love you so much! Ilang sigundo lang ay naka-receive ako ng text. From: My Lexter, My Boo Nakauwi na ako sa bahay boo. I love you! Rereplayan ko na sana siya ng biglang -- ''Sarah, Shasha bakit ang tagal niyo naman lumabas? Dalian niyo na at lumalamig na ang sabaw ng tinola,'' usal ni mama habang nakadungaw sa pintuan. ''Sige ma, ate Sarah sunod na lang din ako. Magsusuklay lang ako sandali ng buhok ko.'' Lumabas na silang dalawa ng biglang nagsalita si mama. ''Anak, 'yong nagbigay ng cash at groceries ay nagbigay ng sulat sa 'yo. Mukha yatang love letter.'' Ngiting sambit niya at itinuro ang puting sobre sa ibabaw ng aking cabinet. ''Sige ma, susunod na lang ako.'' Ngiting sambit ko at lumabas na sila sa pintuan. Ng ako na lang mag-isa ay kinuha ko ang puting unan at iniharang sa bibig ko! Nagtatatalon ako ngayon sa higaan dahil sa labis na kilig! Kinuha ko ang sobra at ginupit ang kabilang gilid. Shasha, Ang kapal talaga ng mukha mo! Sa dalawang taon ay kayo na naman ulit pala ni Lexter! Talagang hindi mo tinantanan ang anak ko hanggang fourth year college! Talagang hindi ka pa nadala sa ginawa ko sayong pamamahiya! Talagang ang tigas ng napakababang pagkatao mo para dumikit pa rin sa anak ko! Total pera lang naman ang habol mo sa anak ko 'di ba? Pwes bukod sa pera ay mayroon pang mga delata para sa mga dagang katulad niyo! Malaman ko lang na dumikit ka pa kay Lexter, sisiguraduhin kong bukod mapalayas kayo dito sa lupa ko ay ipade-deport ko rin ang ate mo sa Japan. Ngayon mamili ka. Binigay ko na ang motibo mo sa anak ko so we're now fare and leave to my son's life! Stacy Frante
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD