Rumir's POV
May halo mang pag-aalala dahil paano kung mapuno na si Shasha na hindi siya maalala ay bigla niyang sabihin na girlfriend siya si Lexter!
Mapilit lang talaga 'to si Rain kaya hindi na ako nakipagtalo pa dahil baka mamaya kasi ay kami naman ang mag-away dalawa.
Buo na kami ngayon na nakaupo dito sa table. Ako, si Rain, sina Chris, Allen, Lexter at Shasha.
''Alam niyo guys, pakiramdam ko ay madalas natin 'tong ginagawa,'' panimula ni Lexter kaya bahagya kaming napangiwi. Napansin ko rin ang mukha ni Shasha na parang may iba pang hinihintay.
''Oo 'tol. Lalo na kapag araw ng linggo ay dito tayo lagi. Madalas naman ay sa Tom's Kitchen,'' dagdag ko pa saad kay Lexter.
''Kaya naman pala its familiar. Hays, pasensya na kayo ha at hirap pa rin ako maalala. Damn, almost four to five years din ang nawala sa temporary amnesia ko,'' Ssambit niya at napalagok na lang sa kaniyang inumin.
Iinom sana ako ng tubig na biglang napansin ko ang titig ni Chris sa 'kin. Nilakihan niya ako ng mata at sumisenyas.
Hindi ko na lang siya pinansin masyado saka kinuha na ang menu.
''Guys ano ang madalas kong orderin dito?''
''Mahilig ka sa crabs 'tol, parehas kayo ni Rumir,'' usal naman ni Allen.
''Oo boo, tama ang -- '' nanlaki ang mga mata ni Shasha maging kami dahil sa call sign na nabanggit niya!
Ilang sigundo kaming naging tahimik at nanigas ang mga panga!
''Anong sabi mo Shasha?''
''Wala -- wala lang 'yong sinabi ni -- ''
''Hindi Chris parang may sinabi siya eh?''
''A-ang sabi ko L-Lexter, oo -- boo -- boto rin ako sa order mo,'' pagpapalusot naman niya sa kausap.
''Alright, I'll order the same of yours Rumir.'' Ngiting sambit niya na halos ikalamig na ng pawis ko.
''Chris?'' usal ni Lexter.
''Bakit 'tol?''
''Pwede palit tayo ng upuan? Gusto ko sana katabi si Shasha.'' Ramdam ko na lumamig na rin ang kanilang mga pawis!
''S-sure,'' sagot ni Chris at nakipagpalit na sa kausap.
''Shasha, gusto kita maging kaibigan. Pwede bang -- ''
''Here's your order ma'am, sir,'' sabat ng babaeng waitress at dahan-dahan ng nilalapag ang mga order namin.
Inaamin ko, maaring maging misirable ang gabing ito lalo na kapag madulas pa ulit si Shasha.
Pero sa kabilang banda, alam kong may parte sa puso ko ang pakiramdam ng saya. Alam kong hindi biro ang sakit nito kay Shasha at sa pamamagitan nito ay kahit papaano'y gumaan naman ang loob niya.
Tulad ng sinabi ni Rain kanina, if they we're really fated to each other, kahit ano pang mangyari ay sila at sila talaga sa dulo.
ALLEN'S POV
Ramdam ko man ang kaunting kaba pero alam kong kalmado pa rin ako hindi tulad ng mukhang mayro'n si Rumir lalo na si Chris ngayon.
Mahigpit na bilin ng doctor na huwag piliting ipaalala kay Lexter kung ano man ang kalagayan o kaganapan niya sa buhay. Posible raw kasi na baka mapwersa siyang mag-isip lalo na't naoperahan siya sa ulo.
Kaya mahirap man, nilihim muna namin ang tungkol sa kasintahan niyang si Shasha. Hindi madali, talagang nahirapan kami lalo na't sanay na rin kami na nasapaligid din namin si Shasha.
Pero tingnan mo ngayon ang tadhana, pagkatapos ng halos isang buwan ay pinagdugtong na naman ang mga tulay nila.
Masaya ako, masayang masaya dahil makakatulong 'to para maalala na ni Lexter si Shasha. Hindi lang din namin maiwasan na hindi mag-alala, dahil baka mamaya ay umamin na si Shasha kung sino ba siya sa buhay ng binata.
''Allen,''
''Yes Lex?''
''Hmm, w-wala ba akong naging -- ''
''Hmm ang sarap talaga ng crabs!'' singit naman ni Rumir dahil sa naramdaman na niya ang gustong itanong nito.
''O bakit ganiyan na ang mukha mo 'tol?'' paklang ngiti ko naman kay Lexter.
''Wala, naiinip na kasi akong bumalik na sa tamang isip na ako, na maalala ko na ang lahat-lahat,''
'''Tol 'di ba? Sinabi ng doctor ay dapat kalmado ka lang. Huwag mong ipilit at kusa rin babalik ang mga alaala mo,'' pagpapaliwanag naman sa kaniya ni Rumir ng nakangiti.
Naging bahagyang tahimik kaming lahat at ini-enjoy ang kaniya-kaniya naming pagkain.
''Shasha?'' saad na naman ni Lexter sa katabi.
''H-hmm?''
''Okay ka lang ba? Bakit parang hindi mo ginagalaw ang pagkain mo?''
''A-ah -- eh -- busog pa kasi ako -- eh,''
''Hmm. Gusto mo ng dessert? Teka order tayo ng -- '' Naputol siya sa pagsasalita at parang may malalim na iniisip.
'''Tol okay ka lang ba?'' pag-aalalang tanong ni Chris.
''Oo, parang may hinahanap kasi ang bibig ko. Kaso mukhang wala namang gano'n dito,''
''Ano sana 'yon Lex?'' saad naman ni Rain.
''Gusto ko ng -- k-kwek-kwek,'' usal niya na ikatulo ng luha ni Shasha. Pasimple niya rin itong pinunasan kaagad.
''Madalas ba tayo kumakain no'n?''
''Wala naman ang mahilig sa 'ting magkakaibigan no'n eh,'' sagot naman ni Rumir.
''Edi sino pala ang kasama ko kapag gusto ko kumain no'n?'' Wala ng nakasagot sa amin, kundi ang mapainom na lang ng tubig sa kaniya-kaniya naming mga baso.
''Guys, I'm sincerely asking,''
''B-baka sa bahay niyo 'tol. Madalas yata magpaluto si tita Stacy at baka mukhang hilig din ni Lux,''
''Hindi, walang mahilig magpaluto no'n sa bahay. Napakadalas lang kasi naming omorder sa online.'' Wala pa rin akong naging reaksyon maging ng mga kasama ko.
''May tinatago ba kayo sa 'kin?'' Binaba ni Lexter ang kaniyang hawak na kutsara at tinidor at ipinatong ang kaniyang siko sa lamesa.
''L-Lexter,'' sambit ni Rain.
''Hmm?''
''Si Shasha -- '' hindi siya natapos sa pagsasalita ng bigla siyang inubuhan ni Chris.
''S-sorry, sorry, excuse me,'' pagpapanggap niya at pinunasan ang kaniyag ilong.
''Come again Rain? Ano nga ulit ang sasabihin mo?''
''S-si Shasha -- sasamahan ka na lang niyang kumain mamaya sa labas,''
''Ahh, okay. Akala ko naman kung ano. Guys, sorry ha pero bakit iba yata ang mga kilos niyo? Nakakailang, para kayong may nililihim sa 'kin.'' Bahagyang ngiting sambit niya at tumuloy na ulit sa pagkain.
''Guys, excuse me. C-comfort room lang ako,'' sabat naman ni Shasha saka tumayo na sa lamesa.
Napansin ko na gustong sumunod ni Rain sa kaniya pero agad naman siyang napigilan ni Rumir dahil baka mamaya, magwala na si Lexter sa reaksyon namin. Kung nagkataon ay gulo talaga dahil sa aming apat ay siya ang pinaka-aggressive!
''Chris nagbago ka na ba?'' usal naman sa kaniya ni Lexter.
''Huh? What do you mean?''
''I mean babaero ka pa rin ba?'' bigla naman siya napangiti habang nagtanong.
'''Tol, hindi na magbabago si Chris. Pustahan siya pa ang huling makakapag-asawa sa 'tin!'' halakhak na asar ko naman sa pag-uusap nila.
''Chick boy pa rin si Chris 'tol, wala na yatang gamot diyan,'' saan naman ni Rumir.
''Teka ba't mo ba natanong 'tol?'' panumbalik naman na tanong ni Chris.
''Hmm, I think -- I like Shasha.'' Napaawang ang bibig ni Rain habang kami -- napatingin na lang sa kaniya.
''Don't you dare na lapitan si Shasha. And kung may makita man kayo na umaaligid sa kaniya, please tell me asap. From now on, she's mine,'' deretsong sabi niya ng walang kakurap-kurap.
''Grabe ka 'tol, ang bangis mo talaga para -- '' hindi na ako natuloy sa pagsasalita ng biglang nakita ko na si Shasha papalapit na sa lamesa namin.
''Shasha?''
''Y-yes Lexter?''
''Pwede ba kitang ihatid sa inyo mamaya?''
''H-huh, hindi, may -- may dadaanan pa kasi ako mamaya,''
''Edi sasamahan kita?''
''Teka 'tol baka magalit si tita Stacy,''
''Bakit naman siya magagalit eh mabait naman si mommy. Huwag kang mag-alala Rain.'' Napalunok na lang ang kasintahan ni Rumir sa naging sagot ni Lexter.
''Please Shasha? Gusto ko rin kumain ng kwek-kwek,''
''S-sige,'' usal ng dalaga kaya masaya ng tinuloy ulit ni Lexter ang pagkain.
''Shasha, pwede ko ba makuha ang number mo?''
''P-para saan?''
''Wala lang, I want to know you more,''
''Pero -- minsan lang akong may load,''
''Edi sa messenger na lang?''
''Pero -- minsan wala akong data,''
''Edi lagi na lang akong bubuntot sayo,'' sambit niya, dahilan para wala ng madahilan si Shasha.
''S-sige Lexter,''
''I don't like that way you're calling me. Pwede mag-call sign tayo?''
''A-ano naman -- ang magiging call sign natin,''
''Hmm. Boo. Gusto kong boo ang maging tawagan natin,'' sambitla niya, na ikinataas lahat ng balahibo namin.
''From now on, I really do believe in miracle.'' Bigla namang usal ni Chris.
''Bakit? Dahil marunong ako magmahal?'' tawang asar naman ni Lexter sa amin.
''Wala, I'm just happy. So so happy for you 'tol.'' Tinaas niya ang kaniyang wine glass at muling nakipag-toast sa aming lahat.