CHAPTER 17

1216 Words
Shasha's POV Halos isang buwan na, simula noong nadisgrasya si Lexter. Wala pa rin siyang naalala tungkol sa akin. Kung katulad dati ay tuwing alas tres ng hapon ay kasama ko ngayon si Lexter habang kumakain ng kwek-kwek, pwes ngayon, ako na lang mag-isa. Sinusubukan kong mag-aral para sa susunod na exams ko pero walang ibang pumapasok sa isip ko kundi bakit -- bakit hindi na ako maalala ni Lexter. Kinausap ako ni Rain, dalawang linggo na ang nakalilipas. Sinabihan niya ako na sa kagustuhan man ipakilala ako kay Lexter bilang girfriend niya ay baka mabigla raw siya. Pumapasok pa rin pala siya sa unibersidad at inaalalayan ng mga kaibigan niya. Para akong namatayan. Dahil ang lalaking mahal na mahal ko -- sa iglap lang ay hindi na ako maalala. Habang nakatanaw sa malayo, biglang nag-vibrate ang cellphone ko. ''Rain napatawag ka,'' ''I miss you Shasha, nasa'n ka ngayon? K-kumusta ka na?'' Napahingang malalim naman ako sa pahayag niya. ''Okay lang ako,'' ''Nasa'n ka para puntahan kita,'' ''Huwag na, okay nga lang ako,'' ''S-sige. B-basta kapag gusto mo na nang kausap -- nandito -- lang ako ha.'' Hindi na ako sumagot sa sambit niya at pinatay na ang tawag. Aaminin ko. Nagtampo ako sa kaniya dahil sa hindi niya kaagad sinabi na naxzospital pala si Lexter no'ng araw na pinahiya ako ng mommy Stacy niya. Pero kung may tampo man ako kay Rain ay mas galit naman ako sa sarili ko dahil bakit ko hinayaang hindi kami nagkapag-usap kaagad. Tinakasan ko ang problema at ngayon, mukhang habang buhay na akong magbabayad sa bunga ng aking galit. ''Lexter, I love you,'' sambit ko at lumihis na naman ang luha sa pisngi ko. ''Boo, please comeback to me.'' Para akong tanga ngayo na mag-isa dito na nakahiga sa damuhan. Para akong sirang plaka dahil ilang beses sa isang araw ko 'yon sinasabi nang paulit-lit -- umaasang makikinig na sa akin ang bathala. ''Lexter, kung sakaling -- hindi mo na talaga ako maaalala --still -- I still considered -- I still believed -- that I was fated to love you,'' usal ko ng nakatanaw pa rin sa mga ulap. Imbis na buklatin ang libro ko, nagdradrama lang ako dito, nakikipag-usap sa hangin nang biglang -- ''Ouch!'' sambit ko dahil natamaan mismo ang mukha ko ng badminton racket. ''Sino ba 'yang -- '' ''Miss, sorry hindi ko sinasadya. Okay ka lang ba?'' tanong niya sa aking alalang alala habang ako -- nakatitig lang sa kaniyang mukha. '''Tol kanino bumagsak ang -- Shasha,'' sambit naman ni Rumir na kakalapit lang sa amin. ''Kilala mo siya 'tol?'' tanong ni Lexter sa kasama. ''A-ano -- hmm -- oo,'' utal-utal na sambit ni Rumir sa kaniya, kaya ang mukha ni Lexter ay parang nanghinala. '''Tol bakit ganiyan ang mukha mo? Huwag mong sabihin na babae mo 'to? Isusumbong talaga kita kay Rain!'' malakas na sigaw niya sa kasama. '''Tol, kilala ko siya dahil -- siya ang -- bestfriend ni Rain,'' ''A-ahhh, I see -- kala ko eh. By the way, I'm Lexter Thor Frante. Ikaw?'' Halos wala nang dumadaloy na dugo sa utak ko, sa kawatan ko -- lalo na noong inaangat na niya ang kamay niya para makipagkamay sa 'kin. ''I-I'm S-Shasha. Shasha Adelle Salamanca.'' Paklang ngiti ko sa kaniya. ''I'm sorry if sa 'yo na punta ang racket. Mabuti na lang at hindi ko nasugatan ang napakaganda mong mukha,'' ''W-wala namang problema. A-ayos lang naman ako.'' Ngumiti siya sa akin ng napakatamis -- kaya lang hindi na tulad ng ngiti bilang kasintahan ko. ''Mag-isa ka lang dito?'' '''Tol laro na tayo --'' ''Mamaya na Rumir, kinakausap ko pa si Shasha,'' ''S-sige,'' sambit ni Rumir at iniwan na kaming dalawa ni Lexter. ''Sumilong na muna tayo Shasha, medyo nakakasakit na rin kasi sa balat ang sinag ng araw.'' Hindi na ako sumagot sa kaniya sa halip sinundan na lang siya sa paglalakad. Habang nakalikod siya, natutukso na akong yakapin siya -- pero buong lakas akong nagpipigil dahil sa paalala sa 'kin ni Rain na bawal daw mabigla si Lexter. Pumunta kami sa isang bench sa ilalim ng puno at doon kami tumambay. ''So, bestfriend mo pala si Rain? How come hindi pa kita nakikilala?'' ''H-huh? H-hmm -- b-busy lang kasi talaga ako -- lately,'' ''Hmm, mamaya may gagawin ka ba?'' ''B-bakit sana,'' ''Wala, dinner lang tayo ng sabay-sabay. Don't worry dahil kasama naman natin sina Chris, Allen maging sina Rumir at Rain,'' ''T-tingnan ko pa kasi -- '' ''Please?'' pagmamakaawa niya -- parehas na parehas noong nanliligaw pa lang siya sa akin. ''O-okay.'' Wala na akong ibang nasagot kundi ay pumayag na lang sa pag-iimbita niya. RAIN'S POV Hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi kanina sa akin ni Shasha. Malapit niya na ba niyang maalala ang babaeng kabiyak niya! Kasama ko na siya ngayon sa upuan, kabang kaba ang kamay kaya napahawak ako kaagad doon. ''Shasha okay ka lang ba? Try to relax.'' Tiningnan niya lang ako habang nakatingin sa paligin. Sina Chris at Lexter ay wala pa kaya naghihintay muna kaming tatlo nila Rumir sa Alfian Dining. ''This is a good thing Shasha. Kung hindi ka na talaga maalala ni Lexter, pwes Diyos na mismo ang gumagawa ng paraan para magdikit na naman ang dalawang mundo niyo.'' ''Paano kung -- '' ''Shasha please. This should be the time na pinakamatatag ang puso mo.'' Napayakap na lang ako sa kaniya dahil kitang kita ko sa mga mata niya ang kaba at takot na nararamdaman. Ilang sigundo lang ay kinalabit ako ni Rumir at pumunta sa isang sulok. ''Excume me Shasha, may ipapakilala yata sa 'kin si Rumir. Okay ka lang ba na mag-isa muna dito?'' Tumungo lang siya sa akin bilang pagtugon. ''Don't worry bff saglit lang kami,'' usal ko tsaka sumunod na kay Rumir papunta sa isang sulok. ''Bakit mahal?'' ''Rain bakit mo sinama si Shasha dito?'' Bigla naman sumama ang mood ko dahil sa paraan ng pagsinghal niya. ''Rain alam mo naman 'di ba na bawal mabigla si Lexter? Baka mamaya ay biglang magwala 'yon!'' saad niya at kumamot sa kaniyang ulo. ''Ano bang pinagsasabi mo Rumir? Bakit may masama ba do'n? And fyi, niyaya siya ni Lexter dito kaya huwag kang mag-over react diyan.'' Taimbagang ngunit mas malinaw pa sa tubig na pahayag ko sa kaniya. ''Paano kung magtanong pa siya ng kung anu-ano?'' ''Rumir pwede ba kumalma ka? Ikalma mo nga 'yang sarili mo dahil sa totoo lang na-stre-stress na 'ko.'' Tumingin siya sa 'kin at biglang yumakap. ''Mahal sorry, sobrang natatakot lang ako. Isa ako sa may dahilan kung bakit siya napahamak kaya kung mapaano pa siya ay baka hindi ko na mapatawad ang sarili ko.'' ''Hey, walang may gusto sa anumang nangyari. Pwede ba kalimutan mo na 'yon?'' Pumiglas na siya sa pagkakayakap sa 'kin. ''Rumir, maybe -- this is part of the God's plan para magkita silang dalawa. See? Dahan-dahan na namang naglalapit ang mga mundo nila,'' usal ko at itinuro na sina Allen at Lexter na kakaupo lang sa lamesa. ''Mahal -- '' ''Rumir walang nagplano nito para magtagpo ulit sila ngayon. If they are really fated to love each other, then kahit ano pang mangyari -- kahit ano pang dahilan at sila pa rin hanggang sa dulo.'' Hindi na siya sumagot pa kaya hinila ko na ang kamay niya pabalik sa aming lamesa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD