CHAPTER 16

1092 Words
Shasha's POV Walang kayang lumabas sa bibig ko noong nakaharap ko siya -- noong siya'y nagkamalay na. Buhay nga siya pero hindi naman niya ako maalala! Nagpapahangin ako ngayon sa labas ng hospital kasama ni Rain. ''Shasha, ano gusto mo na ba umakyat sa taas?'' ''Rain para saan pa! Ni hindi niya nga ako maalala!'' ''Oo pero imposibleng hindi ka niya ulit maalala! Huwag ka mawalan ng pag-asa kaya umakyat na tayo sa itaas. Kung gusto mo talagang maalala niya pwes magpakita ka,'' kalmadong sambit niya kaya pinupunusan ko na ang aking mga luha. Paakyat pa lang sa hagdan, marami ng mga tanong sa isipan ko. Pero sa kabila ng 'yon, tinapangan ko na lang dahil mukhang wala naman akong ibang paraan kundi ang humarap na lang sa lalaking mukhang nakalimutan na nga talaga ako. Unang pumasok si Rain sa loob samantalang ako -- nakadungaw pa rin sa kanila sa uwang ng pintuan. May malay na si Lexter at masayang nakikipag-usap sa kaniyang mga kaibigan. ''Shasha? A-anong ginagawa mo diyan? Pumasok ka rito,'' usal ni tito Lim kaya napapasok na 'ko. Naagaw ang attention nilang lahat sa 'kin. Gustong gusto lumapit sa kaniya. Para yakapin siya Para mahalikan siya. Kaya lang ang puso ko, parang biglang namatay na. Pinagtitinginan ako ngayon ng mga kaibigan niya, na alam kong awang awa ngayon sa 'kin. '''T-tol? H-hindi mo ba siya kilala?'' ngumiti siya sa 'kin kaya kahit papaano'y umasa ako na maalala niya na 'ko. ''Syempre naman,'' saad ni Lexter kaya dali-dali akong napahawak sa kaniya. ''Nurse, ilang araw pa ako dito bago makauwi na sa 'min?'' Ngiti niyang tanong -- na halos ikamatay na ng buong pagkatao ko. ''P-pagkatapos -- ng -- mga -- dalawang linggo,'' buong lakas na sagot ko habang nginig na nginig na ang aking mga tuhod. Dahil sa puti kong dress ay napagkamalan niya akong nurse -- at hindi bilang isang kasintahan niya! ''Nurse bakit ka umiiyak?'' ''N-nako -- wala.'' Pinunasan ko na ang luhang nagmamadali ng lumabas sa aking mata. ''M-masaya lang ako boo -- I mean Lexter!'' punas ko na naman sa aking ilong. ''Magpagaling ka na ha para makasama mo na ang mga taong mahal na mahal ka rin.'' Nagbigay lang ako ng mapaklang ngiti at lumabas na ng silid. Nang makalabas na ng pinto ay dali-dali na akong tumakbo pababa ng hospital, nang bigla kong nakita na humahabol sa akin si Allen. ''O-okay lang ako, h-huwag mo akong alalahanin,'' ''Shasha mag-usap na muna tayo,'' ''Para saan pa Allen! Wala na akong papel sa buhay ng kaibigan mo!'' malakas na sigaw niya kaya wala na siyang naging imik pa. ''Pwes hayaan mo na lang na ihatid na kita sa inyo.'' Mukhang hindi ako tatantanan ngayon ni Allen kaya napapayag na lang akong ihatid ako sa bahay. ''Shasha -- '' ''Allen please, ayoko na muna magsalita.'' ''Pwes makinig ka na lang sa sasabihin ko.'' Hingang malalim niya at pansamantang nag-park ng sasakyan. ''Nakausap ko ng personal kanina si Doc. Mia. Posibleng short term amnesia lang ang nararanasan ngayon ni Lexter.'' ''At paano naman kung hindi na niya ako maalala?'' ''Pwede ba Shasha tapangan mo pa? Bakit parang ang duwag -- '' ''Paanong naging duwag Allen! Ang lalaking pinakamamahal ko! HINDI NA AKO MAAALA ALLEN! Hindi ako maalala!'' malakas kong singhal sa kaniya sa loob ng sasakyan. ''Shasha, I-I'm sorry,'' ''Ihatid mo na lang ako sa bahay please. Parang awa mo na.'' Hagulgul na sambit sa kaniya. Kalahating oras ay nakarating na kami sa bahay. ''S-salamat sa paghatid.'' ''Shasha, please maging matapang ka. Kung hindi para kay Lexter, please sa sarili mo na lang. Huwag mong pababayaan ang sarili mo.'' Huling sambit niya at bumaba na ako ng sasakyan. Hinang hina ako. Parang sa lahat ng pagsubok na dinaanan ko, mukhang ito ang hindi ko kayang lampasan! ''Anak, nandiyan ka na -- anak anong problema?'' Yakap sa akin ni mama. Habang nakahagkan sa kaniya ay napansin ko ang ilang mga maleta sa harap. Dahan-dahan ko muling pinupunasan ang aking mukha. ''Ma, kanino pong mga maletang 'yan?'' ''Hmm. Kay ate Shasmeca mo 'yan.'' ''N-nandito na siya?'' ''Oo, kaninang umaga lang siya dumating.'' ''MA! Aalisin ko na ang mga gamit ni ampon dito! Ako dapat ang nasa kwarto na 'to at hind siya!'' malakas na sigaw niya mula sa aking kwarto. Dali-dali na rin ako pumasok doon para kunin na ang mga gamit ko. ''Aba sa'n ka ba galing at -- '' napatigil siya sa pagsasalita nang mapansin na niya ang namumugto kong mga mata. ''A-ano na naman 'yang drama mo?'' Hindi na ako umimik sa kaniya kundi dahan-dahan ng kinuha ang mga damit ko sa cabinet. ''I-ilalagay ko na lang sa -- sako ang mga gamit ko.'' ''Aba'y dapat lang! Dalian mo kundi susunugin ko ang lahat ng gamit mo diyan!'' Hindi ko na alam kung ano na ang nangyayari sa buhay ko. Hindi na ako maalala ni Lexter -- tapos halos isuka na 'ko dito sa bahay! Kinuha ko ang mga gamit ko at inilagay sa malaking kahon. Halo-halo na ang mga damit, sa mga sapatos ko, mga abubot ko sa kahon -- na halos ikadurog na ng buhay ko. Kuha lang ako ng kuha ng damit hanggang dumating si ate Sarah na ikalawa kong kapatid, awang-awa sa akin. ''Shasmeca naman bakit kailangan mo pang paalisin si Shasha dito sa kwarto?'' ''At anong pakialam mo Sarah? At teka, anong sinabi mo? Shasmeca? Ano wala ka ng modo para kalimutang ate mo 'ko!'' ''Ang respeto kusa 'yan binibigay sa taong karespe-respeto!'' usal ni Sarah kaya napalabas na lang sa kwarto si ate. ''Shasha, doon ka na muna sa kwarto ko.'' ''H-huwag na. Maliit na nga ang kwarto mo, makikisiksik pa ba ako?'' ''Sa ayaw at gusto mo, doon ka na muna sa kwarto ko.'' Kinuha niya ang ilang mga kahon at iniisa-isa na niyang dalhin sa kwarto niya. Halos wala na akong lakas. Parang -- hindi ko na kaya -- ang buhay ko ngayon. Lumabas ako ng bahay at pumunta sa duyanan namin sa harap para magpahangin at kausapin ang sarili. ''Bakit ganito ang buhay ko? Bakit parang ang lupit naman sa 'kin?'' hindi ko alam, ilang araw na akong umiiyak puro ang luha ko ay parang hindi naman nauubos. ''Mabait naman ako, ginagawa ko naman ang tama, w-wala naman akong atraso sa kanino mang tao.'' Napayukom na lang ako ng aking kamay dahil sa 'di maipalawanag na lungkot at galit, dahil sa pinagdadaanan ko ngayon. ''Darating din ang araw na magiging maayos na ako sa buhay, sasaya din ako,'' sambit ko sa sarili at pumasok na sa bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD