CHAPTER 15

1057 Words
Allen's POV Halos nga lahat na galit kanina ni Chris ay mukhang natunaw na, dahil sa pagbukas ng pintuan ay ang mga mata ni Lexter ang unang sumalubong sa aming lahat. Pumalibot kami kaagad sa kaniya, at mabilis siyang hinagkan ng kaniyang ama. Si Shasha naman ay nasa likuran ko, hindi muna nagpapakita sa kaniya. Alam kung hindi niya maipalawanag ngayon ang kaniyang nararamdaan at marahil naghihintay na tawagin o hanapin siya ng lalaking mahal na mahal niya. ''Dad, what -- happened to me? Bakit nandito -- ako?'' saad niya na nakahawak sa kaniyang sintido. ''Son, you've -- been in an accident,'' ''W-what? How?'' Mas lalong kumunot ang noo niya at pinalibot ang tingin sa aming lahat. ''I think -- saka na natin mas pag-usapan ang tungkol do'n kapag mas naka-recover ka na.'' Ngumiti naman ang binata sa kaniya dahilan ng pagpatak ng mga luha ni tito Lim. Sumunod na yumakap si Lux sa kaniya at batid sa mukha nito ang labis at 'di maipaliwanag na saya. ''Lux, parang -- mas tumangkad ka na. Naaksidente lang ako, nagbago na ang mga mukha niyo,'' sambit niya at iginala muli ang kaniyang paningin. ''Kuya naman? Wala naman yata ang pinagbago sa 'kin?'' ''Bakit parang -- tumanda ka?'' ''You're hilarious kuya. 'Di ka pa rin talaga nagbabago.'' Ngumiti si Lux sa kuya niya pero ang mukha nito ay mukhang naninibago pa rin sa nakikita. ''Lexter, elementary ka pa lang 'di ba? Bakit mukha ka ng highschool?'' tanong niya, kaya kahit si tito Lim ay napaatras na ng bahagya. Napataas ang balahibo ko. Hindi ko alam kung -- kung tama ba ang naglalaro sa isipan ko. ''Chris, Lexter at Allen,'' usal niya at kumunot ang noo niya. ''Parang may nagbago rin sa inyo. Teka, 'di ba kayo yayakap sa 'kin?'' Kahit ang mga kasama ko ay nawiwindang na rin sa paraan ng pag-iisip at pagsasalita niya. Lumapit kami isa-isa at humagkan sa kaniya. '''Tol -- wala ka bang -- ibang hinahanap?'' saad naman ni Rumir. ''Ahh, nasaan si mommy, dad?'' Napatingin siya kay tito Lim at bakas na rin sa mukha niya ang nasa isip namin. ''Ahh, n-nasa bahay -- may -- kinuha lang,'' ''Hmm. Pasensya dad at ngayon pa ako na-aksidente kung kailan ay mag-se-second year highschool na ako,'' Lahat kami, 'di makagalaw. Lahat kami, 'di makahinga! ''Sino 'yang katabi mo Allen?'' Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kaniya, kung paano ko siya ipakikilala! Wala akong maisagot sa tanong niya hanggang sa patakbong lumabas na lang si Shasha sa silid na sinundan naman kaagad ng bestfriend niyang si Rain. Nakatitiyak ako, guguho ngayon ang mundo niya. Second year college na kami ngayon pero ang takbo ng isip ni Lexter ay second year highschool pa lang kami! Lumabas kaagad si Chris at palihim na tumawag ng doctor. ''Dad, inantok ako sa pinainom na gamot sa 'kin. Pwede po bang -- matulog ulit ako?'' ''S-sure, oo anak, p-para makabawi ang -- katawan mo kaagad,'' ''Dad, bakit mukhang malungkot ka? Bakit naiiyak ka? Don't worry, I'll be fine,'' ''M-masaya lang ako, kaya -- medyo naluluha.'' Pilit na ngumiti si tito Lim sa anak niya saka pinikit na ang kaniyang mata. Napa-atras ako. Parang -- parang sobra naman yata 'to! Lumapit sina Chris at Rumir sa tabi ko, halatang halata na sobrang kabado. '''Tol, bakit -- '' Hindi na natuloy sa pagsasalita si Rumir nang bigla na lang siyang lumabas sa silid marahil nagulat siya sa mga pangyayari. Agad siyang sinundan ni Chris palabas kaya ako at si tito Lim na lang ang naririto ngayon sa silid. ''Tito.'' Humawak ako sa kaniyang balikat at inalalayan muna na makalabas sa kwarto kung nasaan si Lexter. ''Allen ang anak ko, ang anak ko!'' sambit niya na halos ikadurog ng puso ko. ''Tito, huwag ka na muna mag-isip isip at hintayin na lang muna nating ang iba pang mga resulta sa doctor,'' sambit ko habang nakaupo siya dito sa labas ng pintuan. Minuto lang ay lumipas ay lumapit sa amin ang isang babaeng doctor. ''Kayo po ba si Mr. Frante.'' Tumungo na lang si tito Lim bilang pagtugon. ''Pwede ko po ba kayo makausap? Huwag na po sana dito sa hallway, baka pwede sa pantry na lang tayo sa baba,'' sambit ni Doc. Mia kaya sumunod na kami sa kaniya. Nag-text na rin ako kina Chris at Rumir para makarinig din ng balita. Habang nakaupo na sa ilang lamesa ay hinihintay na lang namin ang dalawa. ''S-sorry,'' sambit ni Rumir at umupo na katabi ni Chris at Lux. ''Total mukhang nandito na ang lahat, pwede ko na ba simulang magpaliwanag?'' ''Please Doc. Mia, enlighten us about my son,'' usal ni tito Lim na alalang-alala. ''First of all, I do apologize kung wala si Doc. Max ngayon. May urgent kasi siya ngayon sa ibang ospital kaya ako muna ang hahalili sa kaniya,'' saad niya sa napakatahimik na pantry dito sa baba. ''Mr. Frante. M-may epekto sa kaniya ang accident,'' panimula niya na kinapatak na ng luha ni tito at ni Lux. ''Base sa pag-uusap namin kanina, we estimated na halos four to five years ang nakalimutan niya. Malamang sa malamang ay dahil ito sa impact niya sa kaniyang ulo.'' ''D-doc, k-kailangan mababalik -- ang alaala ng kaibigan namin?'' ''It may take a while Allen. Posible pa itong maging short tern o long term amnesia,'' ''Doc ano po ang mga pwede namin gawin para mas mabilis siyang makaalala?'' ''Lux, total ikaw ang kapatid niya at kasama mo siya sa bahay, ipaalala mo ng paunti unti ang mga daily routine niya,'' ''At kaming mga kaibigan niya? Ano naman ang pwede naming gawin?'' sabat naman ni Chris sa kaniya. ''Halos ganoon din. Samahan niyo siya at alalayan sa eskwelehan, dahil tiyak naman ako na makaka-alala siya. Pero isang bagay ang dapat niyong pakatatandaan.'' ''A-ano po 'yon doc?'' usal naman ni Rumir. ''Huwag na huwag niyo siyang bibiglain sa mga bagay-bagay, para lang sa mabilis niyang maalala ang isang pangyayari, o ang isang tao,'' ''Ang ibig sabihin ba nito doc -- h-hindi pa namin pwede ipaalala ang girlfriend niya?'' ''Parang ganoon na nga. Maaaring normal routine na magkasama sila pero sa pagkakaalam ko ay hindi pa rin siya naalala ni Lexter. Kaya kayo na naalala niya ang dapat munang gumabay sa kaniya.'' Paano na lang si Shasha ngayon? Paano -- paano kung hindi na talaga siya maalala ni Lexter?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD