CHAPTER 23

1617 Words
Lexter's POV Isa na ako sa namamalakad ng Frante Merchandise Corporation, bilang isang vice president. Halos bugbog ako lagi sa trabaho lalo na sa mga papel na lagi kong kausap dito. ''Mr. Frante,'' saad ni Chris na kasama si Allen papasok sa aking opisina. ''Yes Mr. Monreal and Mr. Saavedra?'' Bigla naman napatawa ang dalawa hawak ang isang bote ng champagne. ''Grabe 'tol, ang galing mo naman sa presentation kahapon,'' papuri ni Allen at umupo sa harap ng lamesa. Ano na naman kaya ang pakay ng dalawang 'to sa 'kin ngayon? ''Ako pa ba? Presenter yata ito ng UP,'' usal ko, nang mapatingin ako sa suot Chris. ''Chris, kaninong coat 'yang gamit mo? Saan mo nabili?'' ''H-hehe, sa 'yo ito, h-hiniram ko muna,'' ''L-LINTIK KA TALAGA!'' saad ko at biglang naghabulan kami sa malaking opisina. '''Tol bumabalik ka na sa dati, mukhang aggressive ka na ulit!'' pangangasar naman sa 'kin ni Allen. '''Tol, 'd-di naman sa ano ha -- pero -- '' ''Pero ano? Hoy Chris ibalik mo sa 'kin 'yan ha!'' Itong dalawa, talagang nagugulo lang dito sa opisina ko! Pinagpag ko ang sarili at muling lumapit kay Allen. ''Ano nga ulit 'yong sinabi mo?'' ''Wala, sige na kumuha ka na muna ng baso para mabuksan na itong champagne.'' Sila na nga ang nanggulo dito sa opisina ko, tapos ako pa ang uutusan! Kinuha ko ang dalawang baso at inaabot sa dalawang asungot. ''Oh, mga sir, nakakahiya naman na hindi ko kayo pagsilbihan.'' Ngiwing sambit ko pero ang dalawa, mukhang enjoy na enjoy sa ginagawa nila. ''Kayong dalawa, bakit ba kayo nandito? Busy ako ngayon,'' usal ko habang binubuksan ang champagne. ''Wala, pumunta lang kami ng maaga dito para mamaya,'' ''Ha? Anong parang mamaya?'' Kunot noong tanong sa kaniya. ''Meeting ngayon para sa half year outing ng kompanya ni Rumir. Kailangan din nating dumalo bilang share holder doon,'' ''Oh bakit hindi niyo kasama ngayon si Rumir?'' bigla naman nag-iba ng awra ng dalawang kasama ko dito. ''Hoy nasa'n si Rumir?'' pag-uulit kong tanong. ''N-nandoon sa -- Montano Corp.'' ''O bakit hindi pa sumama sa inyo papunta dito?'' ''K-kasi -- '' ''Chris masisipa na kita. Kasi dahil?'' Napalunok naman siya ng laway maging si Allen. ''Allen ikaw na lang ang magsalita, nawala na yata ang dila ni Chris eh.'' Lumapit ako at humarap sa kaniya. '''Tol -- kasi, mamaya sa meeting, magkikita na ulit sila ni Rain.'' Tumaas bigla ang balahibo ko sa sinambit niya. Marahil tulad ng nararamdaman ni Rumir ngayon ay katulad din ito ngayon sa kaba ng dibdib ko. Oo, nagkikita kami minsan ni Shasha pero casual lang -- dahil aminado ako -- ramdam ko pa rin ang kakaibang kaba lalo na't naalala ko na ang lahat ng nakaraan namin. Hindi ko pa sinabi sa mga kaibigan ko ang tungkol sa bagay na nakakaalala na ako. SHASHA'S POV Meeting with the board, excited ang lahat dahil sa outing na gagawin. May share sina Rain at tito Romolo sa Monreal Corp., sa kompanya nila Chris. Kaya bukod sa pag-aasikaso ni Rain sa La Acosta hotel, isa pa ito sa mga hinahandle niya -- every single day. Well, actually, dalawa kami, hehe. Masayang masaya kaming dalawa ni Rain dahil ang nasa board at employees ay sa La Acosta hotel mag-che-check in. Kaya naman pala madalas na managinip si Rain ng dumi eh, as in poop! May pera pala talagang paparating! Pero kasing bilis ng isang sigundo, gano'n na lang din nawala ang saya niya -- maging ang saya ko ng makita ko ang apat na lalaki -- lalo na ang isa -- dahil kaharap ko -- kaharap ko ang taong minsan -- minsang nahulog at nasaktan ako. “A great morning to all of you ladies and gentlemen! As the head event of this upcoming occasion, I’ll be the one who is in charge. So allow me to introduce the main shareholder here in Monreal Corp. One of best business man I’ve known in the country, the one and only, Chris Isaac Monreal, vice president of Monreal Corp.” Nakita ko ang mukha ni Rain -- parehas kami -- parehas na parehas ng mukha! “Next were, Allen Gabriel Saavedra, Lexter Thor Frante from Saavedra,Inc. and Frante Merchandise Corporation.” Hindi na ‘to maganda kailangan na naming maka-alis dito! Dahan-dahan kinuha ni Rain ang kaniyang gamit ko at inurong ang office chair. Pagkatapos niyang lumakad ay saka na lang ako susunod para hindi naman masyado halata sa meeting ang pag-alis namin. “And right next to Mr. Frante, Mr. Rumir Excel Montano, our -- Ms. Acosta? Saan ka pupunta?” What. The. HELL! “Nako thank you Ms. Acosta, mabuti na lang dahil muntik ko ng makalimutan. Since nandito na tayo sa meeting, kailangan mong makipag-usap sa Montano Corporation dahil sila ang sasagot sa hotel booking sa La Acosta hotel. Good thing naman at nandito rin si Mr. Rumir. You can talk to him directly later.” “Ahh, uhuh -- okay,” saad ni Rain at wala na kaming magawa kundi ang maupo na lang ulit at makipagtiisan lalo na’t nandito ang pinaka-impakto at pinakamanloloko niyang ex at ako -- wala never mind na lang! Pagkatapos ng meeting ay nauna ng lumabas si Rain kaagad agad. Nako nako talaga! Kung siya nauna na, pwes ako kung minamalas nga naman! Nahulog pa ang ilang mga papel na hawak ko! Agad kong pinulot ang napakaraming papel sa sahig nang biglang lumapit si -- ''Ako na kaya ko -- '' at sa hindi ko inaasahan, nagbanggan na naman ang tingin naming dalawa ni Lexter -- ng malapitan. ''Mukhang nagmamadali si Rain,'' ''A-ahh, oo -- may -- iba pa kasi siyang lakad,'' saad ko at mas binilisan pa ang pagpulot ko sa ibang papel. Payuko na sana siya para tulungan ako pero dahil sa bilis ko ay nakuha ko na lahat, halo-halo na nga lang! Aayusin ko na lang mamaya sa opisina! ''Mauuna na ako boo -- '' napalaki ako ng mata ko, natawag ko siya sa callsign namin! ''I-I-I mean -- mauuna na ako b-bukas sa meeting -- '' ''Shasha, bakit naiilang ka pa rin sa 'kin? 'Di ba minsan nakapagkape naman tayo?'' Hinawakan niya ang braso ko, dahilan para lumamig na ang pawis ko sa kamay. ''Shasha, kailangan kitang -- makausap,'' ''Tungkol -- ba saan. Sabihin mo na ngayon dito, puwede naman dito para -- '' ''Please -- not here,'' saad niya, nang biglang lumapit si Chris. '''Tol,'' usal niya at napapatingin tingin sa aming dalawa ni Lexter ''Tama ka Shasha, mas magandang dito nga tayo mag-usap. Chris, pabilisan mo nang lumabas ang mga staff mo dito sa loob ng conference room,'' ''Ano? May bukod pa na meeting para sa mga organizer saka -- '' ''EVERYONE GET OUT! I'll count one to five, at kung maabutan kayo ng mata ko ay ipasesesante ko kayo kay Chris! One! TWO! THREE! FOUR! FIVE!'' gigil na sambit ni Lexter, na lubhang kinagulat ng buong kalamnan ko! '''Tol, calm down ano bang nangyayari sa 'yo?'' usal sa kaniya ni Allen at mukhang alalang alala. Ang natira na lang dito ay ang miyembro ng Four Bad Boys, sina Rumir, Allen, Chris -- at Lexter. ''Umupo ka Shasha.'' Wala na akong palag pa at umupo na lang sa kanang bahagi. Si Rumir naman ay tahimik lang, pinagmamasdam kaming lahat. ''Teka Lexter, 'di ba tayong dalawa lang ang mag-uusap? B-bakit nandito sila?'' Naging iritado na siya, kaya sina Chris, Rumir at Allen ay mukhang kabado na. '''Tol, anong mayro'n?'' panimula ni Chris saka tumabi naman sa kanang bahagi kasama nila Allen at Rumir. Si Lexter naman ay dumako papalapit sa bintana. ''Bakit,'' unang sambit niya, nakatanaw sa labas ng bintana. ''A-anong bakit,'' malumay na sagot ni Allen sa lalaking mukhang mag-aalboroto na. Bumuga ng malalim na hininga si Lexter saka humarap sa amin. ''Una kong tanong, Shasha,'' ''H-ha?'' ''B-bakit. Bakit hindi mo sinabi sa 'kin kaagad ang nakaraan natin.'' Lumaki ang mga mata ko, lalo na ang mukha ng mga kaharap ko dito sa mahabang lamesa! ''N-nakaka-alala ka na 'tol at --'' ''Manahimik ka Chris! SI SHASHA ANG KINAKAUSAP KO!'' pumatak ang kuha ko, hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi sa nalaman ko. ''Kailan pa bumalik ang alaala mo?'' ''Rumir nakakaintindi ka ba o hindi?'' ''Pwes bakit mo pa kami sinamang tatlo dito Lexter!'' ''DAHIL MAY MGA KASALANAN DIN KAYO SA 'KIN! Bakit hindi niyo sinasabi sa 'kin na girlfriend ko na si Shasha second year college pa lang tayo!'' Malakas na sigaw niya at inihagis ang ilang bottled water sa dulong bahagi ng lamesa. Tumingin siya sa 'kin ulit, umaapoy ang kaniyang titig! ''Shasha, bakit hindi ka nagtapat sa 'kin kaagad?'' ''P-para saan pa,'' ''Sasagot ka ba ng maayos o hindi!'' Napakurot ako sa kamay ko, para masiguradong totoo ba 'to o bangungot lang. '''Tol, -- '' ''Shut up Allen.'' Ilang sigundo akong bumwelo para magkaroon ng lakas ng loob. ''B- L-Lexter, n-nawala -- na rin -- kasi bigla ang nararamdam ko -- para sa 'yo,'' ''At sa tingin mo naniniwala ako?'' ''Lexter -- '' ''Shasha. Sabihin mo sa 'kin. Dahil ba 'to -- sa ina kong si Stacy.'' Isang napakasakit na namang pangyayari ang naalala ko. Tanda ko noon ang letter ng mommy niya at may mga dalang groceries. Tinakot niya pa nga akong papalayasin kami at ipapa-deport si ate Shasmeca sa Japan. ''Sumagot ka Shasha!'' Lalo tumulo ang luha ko, at pinunasan ko naman rin 'yon kaagad. ''Tama na 'yan Lexter baka -- '' ''Tama na? Ano Chris sabi mo? KUNG SINABI NIYO 'TO AGAD SA 'KIN, SANA MAS NAALAGAAN KO PA AT NAIPAGTANGGOL SI SHASHA!'' pinagtuturo niya ang mga kaibigan niya. Pagkatapos no'n ay hinawakan niya ang kamay ko at hinatak na papalabas ng conference room.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD