CHAPTER 24

1442 Words
Lexter's POV Halos pakaladkad na kaming pababa ni Shasha papunta sa parking dito sa ground floor. ''L-Lexter, pwede bang -- bitawan mo na ako,'' sabi niya. Hindi ako nakinig sa kaniya kundi mas lalo ko pa siyang hinawakan nang mahigpit. Binuksan ko ang front seat at pina-seat belt ko muna siya bago naman ako pumunta sa driver's seat. ''Lexter saan tayo pupunta, 'di ba nag-usap na tayo sa t-taas,'' ''Hindi pa ako tapos,'' taimbagang sambit ko sa kaniya saka pinaandar na ang sasakyan. Habang tahimik ang katabi ko, dinukot ko ang aking cellphone at pumunta sa speed dial. ''Lux, nasaan ka?'' ''Nasa opisina kuya,'' ''Sina daddy?'' ''Nandito rin. Teka bakit mo ba tinatanong at -- '' binaba ko na ang tawag kaagad ng malaman ko kung nasaan ang halimaw kong ina. Sa opisina sana kami ulit mag-uusap ni Shasha, kaya lang mukhang hindi tama na doon kami dahil baka kapag makita ko ang ina ko ay may magawa akong hindi maganda sa kaniya. Saan na lang kaya kami mag-uusap? Ahh, alam ko na. Malapit na sana kami sa entrance ng Frante Merchandise Corp., pero dahil sa nandoon sila dad ay pupunta na lang kami sa lugar na wala sila. ''Lexter, nandito na tayo ha. Saan ba tayo pupunta?'' Hindi na ako umimik sa kaniya at tumuloy na lang sa pagmamaneho. Halos kalahating oras ang lumipas, nakarating na kami sa village namin. ''Lexter, bakit sa mansyon niyo tayo mag-uusap!'' ''Kung sana pinagtapat mo lang sa 'kin lahat agad, edi mas nakapili ka pa ng ibang lugar.'' Pagkarating sa loob at hinatak ko na naman ang kamay niya papunta sa sala. Bumungad sa amin ang napakaraming kahon. ''Manang ano ang mga 'to?'' ''Sir sa outing po yata 'yan. Si ma'am Stacy po ang mga nagpa-order.'' Lintik edi saan na lang kami mag-uusap! May naglaro sa isip ko, at 'yon na ang sinunod ng paa ko. Hinatak ko uli ang kamay niya paakyat ng hagdan. Pinapasok ko rin siya kaagad sa aking kwarto. ''Lexter bakit dito pa,'' ''Bakit? Aangal ka?'' Tumingin lang siya saglit sa 'kin at napa-face palm. Alam kong magiging mainit ang usapan namin kaya mas pinalakasan ko pa ang aircon. Hinubad ko na ang aking coat at isinabit. ''Umupo ka na.'' Hindi siya sumunod at nakatayo pa rin sa may pintuan. ''Bakit ang hirap mong sumunod?'' Hindi pa rin siya maka-imik, walang magawa kundi ang tingnan lang ako. Lumapit ako ulit sa may pintuan. Sinigurado kong naka-lock ang apat na padlock. ''Umupo ka na.'' Hindi pa rin nakinig kaya ako na lang ang umupo sa dulong bahagi ng kama. ''Kung gusto mo na diyan ka lang nakatayo, fine. Ngayon magsisimula na tayo. Una kong tanong, bakit -- '' ''Boo, I'm sorry.'' Tumulo ang luha niya at napapunas naman sa kaniyang pisngi. SHASHA'S POV Alam ko, hindi na dapat ako sumama pa sa lalaking 'to pero anong magagawa ko kung mismong puso ko na ang gustong makipag-usap sa kaniya. ''Magpaliwanag sa 'kin. Bakit mo binuhat ang problema natin na dalawa dapat tayong humarap?'' ''Lexter, hindi gano'n 'yon kadali,'' ''Dahil ginusto mo! Sinarili mo lang kaya ka nahirapan!'' Malakas na singhal niya. ''Anong magagawa ko! Wala akong kalaban laban sa -- '' ''Ina ko? Na nanay kong impakta? Shasha nangako sa sa 'kin na hindi tayo maghihiwalay ng dahil lang sa kaniya!'' ''Pero hindi mo na ko maalala!'' ''Bakit hindi ba ulit nagkrus ang landas nating dalawa! Naging sa 'kin ka ulit kahit hindi kita nakilala!'' Sa pahayag niya, hindi naman ako nakapagsalita na kaagad. ''Umupo ka dito,'' ''Ayoko, dito lang ako sa may pinto,'' ''Shasha hindi mo na ba ako mahal? 'Di mo na ako mahal -- boo?'' halos nawalan ako ng lakas, lalo na noong dahan-dahan na siyang papalapit sa 'kin. Paatras ako ng paatras hanggang sa nakasandal na ako ng pintuan niya -- at iniharang ang dalawang kamay niya sa pagitan ng braso ko. ''Sagutin mo ako Shasha, mahal mo pa ba ako o -- '' ''Mahal kita -- h-hindi naman 'yon nawala,'' sambit ko sa kaniya saka tumanim na ng halik siya sa labi ko. Hinawakan niya ang bewang ko habang nakasandal sa ako sa pintuan. Ramdam ko ang saya niya habang nakakababad ang labi ko kahit ramdm ko rin ang patuloy na pagluha niya. Binaba niya ang halik niya hanggang sa umabot na siya sa leeg ko. Nakakaramdam na ako ng init -- pero naglakas ako ng loob para pigilan siya. ''L-Lexter, sabi mo -- mag-uusap lang tayo,'' ''Pwes ayaw magsalita ng bibig mo kaya puso mo na lang ang nagparamdam.'' Lumapit siya sa 'kin ay muli na naman akong sinandal sa may pintuan -- pero naglakas ako ulit para pigilan siya. Tumigil siya, pinagmasdan lang ako sa mukha. ''Bakit,'' baritonong sambit niya. Hindi ako naka-imik kaagad kundi ang nginitian lang siya. ''Shasha, sa wakas, hindi na ako mahihirapang matulog,'' bigla naman ako napakunot ng noo ko. ''B-bakit,'' ''Hmm. 'Di mo ba alam na may iniinom pa akong gamot, para lang makatulog ako nang maayos sa gabi? Laging may babaeng nagpapakita sa panaginip ko. Hindi ko maaninag ang mukha niya pero nagigising ako lagi kapag napapanigipan ko na siya,'' ''A-ako ba -- 'yon?'' ''Oo, bakit iba ba akong babae sa buhay ko? Ikaw lang naman -- ikaw lang naman ang nag-iisa boo.'' Humalik siya sa noo ko this time. ''Kailan pa -- bumalik ang alaala mo?'' ''No'ng nakaraan lang. Nahampas ako ng malakas sa ulo ni Allen. Napakasakit ng ulo ko no'n -- pero 'yon pala ang araw na lubha akong sasaya. Shasha, I - I love you,'' ''I-I love you too boo.'' He kissed me again but this time, napakabanayad na nang hagod na halik niya. ''Saan mo ngayon gustong pumunta boo?'' tanong niyang puno ng kasiyahan. ''Bakit?'' ''Ide-date ko ang girlfriend ko bakit?'' Napa-pout na lang ako sa sinabi niya. ''My lovely Shasha, babawi ako sa 'yo this time. You fated to me not just once, not just twice but thrice. Nagka-long term amnesia na ako lahat-lahat pero ang puso ko, alam talaga kung sino na ang kapareha niya,'' ''I'm fated to love you -- boo.'' Niyakap niya akong napakahigpit, nang biglang nag-vibrate ang cellphone ko. ''Boo, sandali si Rain tumatawag,'' ''Sige, hihintayin na lang kita sa labas,'' Saad niya at kinuha ang coat at lumakad na. Nang makasigurado nang wala si Lexter, saka ko na sinagot ang tawag ni Rain. ''Rain?'' ''Shasha nasa'n ka?'' ''A-ah -- may dinaanan lang ako,'' ''Okay, sorry ha, nauna na ako kanina, alam mo naman na -- nandoon ang asungot na si Rumir,'' ''O-okay lang -- naman,'' ''Shasha, bakit nauutal ka? Teka, kasama mo ba si Lexter ngayon!'' ''H-ha? W-wala! N-nasa coffee shop ako ngayon!'' ''Sus don't deny. Nakita ko kanina na nahulog ang mga papel sa sahig sa conference. Babalikan na nga sana kita kaso nilapitan ka na ni Lexter.'' Mas lalo akong nangarag kaya -- ''Rain, sige na pa-low baterry na ang cellphone ko!'' ''Magtigil ka -- '' Pinatay ko na ang tawag kaagad at napahawak na lang sa aking dibdib. ''Hays naman, nalaman kaagad ni Rain,'' sambit kong mag-isa. Palabas na sana ako ng kwarto ni Lexter nang biglang -- ''Lexter bakit? Bakit ka tumatakbo!'' ''Boo, nasa baba -- sina Allen. Sinundan yata ako,'' ''A-ANO!'' Hiyaan ko na siyang nakatayo at dali-dali ng naghanap ng matataguan ko. ''Lexter nasa'n ba ang cabinet mo! O kaya cr!'' Takbo akong paikot ikot habang siya, nakangisi lang akong tinitingnan. ''Bakit mo pa kailangan magtago?'' ''Pero Lexter, kasi 'di ba lagi na lang may aberya kapag ipapakilala mo na 'ko sa kanila!'' ''Haha, mga bata pa tayo no'n! Sige na, lumapit ka na dito at ako na mismo ang magpapakilala sa mga kaibigan ko sa 'yo,'' ''This is not a good joke para -- '' ''At sino ang nagsabing nagbibiro lang ako?'' ''Nababaliw ka ba! Nasa kwarto mo ako ngayon Lexter! Baka ano ang isipin nila at -- '' ''Edi isipin nila ang gusto nilang isipin. I want you now to be mine official, Shasha Adelle Salamanca.'' Ngumiti siya, kaya pati yata ang nanginginig na puso ko ay napaamo niya. '''Tol! Buksan mo nga 'tong pintuan, kakausapin ka naming dalawa ni Chris!'' Umakbay sa 'kin si Lexter, hinanda at inayos muna namin ang aming mga itsura. '''Tol pasensya kung -- '' Napatigil sa pagsasalita si Allen nang makitang magkasama kaming dalawa na kwarto ni Lexter. ''I think wala ng dapat pag-usapan,'' pangangasar naman na sambit ni Chris sa amin. Pinisil kong bahagya ang braso ni Lexter dahil gustong gusto ko nang umalis sa bahay nila! ''Guys, hindi ko na pala kailangang ipakilala siya sa inyo. 'Di ba?'' ngiting sambit niya at lumabas na sa lugar kung saan ako -- ide-date ni Lexter?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD