CHAPTER 7

1267 Words
Lexter's POV Alasais ng umaga ay hinihintay ko na si Shasha dito sa baba ng condo ni Rumir. Ang alam ko kasi ay wala si Rumir ngayon sa kaniyang condo. ''B-boo,'' saad ni Shasha, bakas pa ang hingal sa pagtakbo. ''S-sorry, may -- d-dinaanan pa kasi ako,'' dagdag pa niyang hingal na usal sa akin. ''Okay lang boo dahil maaga pa naman. Pasensya ka na ha kung hindi kita nasundo, dito lang ako binaba ng driver ko saka nasa casa pa kasi ang sasakyan ko eh. Teka may dala ka na bang gunting?'' ''Oo, nandito sa bag,'' saad niya. Pinakalma ko muna siya bago umakyat na sa itaas. ''Boo, okay ka lang ba?'' panimulang tanong ko sa kaniya. ''Oo, nag-iisip lang ako ng e-de-design sa kwarto ni Rumir. Malaki ba ang kwarto niya?'' ''Medyo? Siya nga pala, nasa taas din ang ilang mga gamit ko sa pagta-tattoo,'' ''Wow. Pero, hmm,'' ''Ayaw mo boo na tatoo-an kita?'' ''Gustuhin ko man boo pero -- alam mo naman 'di ba na tourism ako. A-ayaw ko ng -- tattoo,'' sabi niya kaya bahagyang nalungkot ako. ''Hey, h'wag kang mag-alala dahil hindi naman kita binabawalan na magpa-tattoo. In love kaya ako sa tattoo mo sa braso!'' Kahit papaano naman ay gumaan ang pakiramdam ko. ''Room twenty seven, ito na ang unit ni Rumir. Ready ka na ba mag-design?'' ''Parang wala naman akong choice boo,'' sarkastikong pangagasar na sagot niya sa 'kin. Alam kong walang tao dito, pero may bigla akong narinig na kalabog mula sa loob. Parang may tao! ''Bakit boo? Nakalimutan mo ba ang susi?'' ''Shasha, parang -- may tao sa loob,'' Nakakatakot man pero sinubukan kong kumatok. At damn! Nandito pala si Rumir sa condo niya! Pero lalong lumaki ang mata ko dahil -- ''N-nasa loob -- si Rain?'' SHASHA'S POV Para lang bigyang daan ang monthsary date nila Rain at Rumir ay nagsinungaling ako kahapon sa lolo dad niya na may thesis kaming gagawin ngayon. Pero hindi ko aakalaing dito siya matutulog! “Shasha anong -- ikaw ba ang -- “ lito at gulat na bungad sa akin ni Rain. Pwes hindi lang siya dahil ako ay gulat na gulat din dahil hindi pala siya umuwi kagabi! Gusto ko makarinig nang paliwanag, maging sila rin. Dali-dali naman kaming pinapasok ni Rumir sa loob ng unit niya. Nag-ring ang cellphone ni Rain at bakas na ang kaba sa kaniyang mukha. Unti na lang yata ay mahihimatay na siya! ''Ano bang nangyayari!'' malakas na sigaw ko. ''Shasha si lolo dad! On the way na dito sa unit!'' Napaawang ang bibig ko sa sagot niya, dahilan para lumamig na ang pawis ko sa buong katawan. Lalong kumabog ang mga dibdib namin dahil mayroon nang kumatok sa pinto! Si Lexter at Rumir naman ay dali-dali nang nagtago sa higaan at nagtabon ng kumot. Huminga muna si Rain nang napakalalim bago buksan ang pintuan. “Hi l-lolo dad,” “Hi -- po tito Romolo,” “O, mukhang ready na kayo, tara na at bumaba na tayo. By the way, nasaan ang mga kaklase niyong kasama sa thesis?” “Tulog pa po ang dalawa naming kasama lolo dad. Tara na po,” pagsisinungaing ng aking katabi. Bumaba na kami nang tahimik. Umaandar na ang sasakyan, tahimik lang ang naging byahe naming tatlo. Pinikit ko na lang ang aking mata at pinipilit maging kalmado. Hindi pa rin maalis ang kaba ko, ang buong akala ko ay mag-de-design lang ako ng unit dito! Mamaya ka lang Rain at marami tayong pag-uusapang dalawa! “Mukhan pagod na pagod kayong dalawa ah,” basag ni lolo dad sa katahimikan namin sa byahe. Halos kalahating oras, nakarating na kami sa bahay nila. Sinundan ko si Rain paakyat sa kwarto niya. “Rain,” “Shasha, let’s talk,'' kabadong saad niya sa 'kin. “Rain, akala ko ba mag-di-dinner lang kayo ni Rumir kahapon?” “I know, I know what I’ve said,” malumanay niyang sagot at ibinagsak ang kaniyang katawan sa higaan dahil sa labis na stress. “Rain, pumayag akong idahilan mo na mag-the-thesis tayo kahit hindi naman totoo para makapag-celebrate kayo ni Rumir sa monthsary niyo,” “Shasha, I’m so so sorry. Ginabi na kasi kami, nagpa -- ta -- tattoo kasi ako,” “WHAT! Are you insane Rain? Tattoo? Pinag-isipan mo ba talaga ‘yan? Nakakaloka ka!” “Yes, p-please, huwag mo na akong pagalitan,” Napahinga akong malalim at napaupo sa upuan. “Basta Rain, hindi na ‘to mauulit ha. Tsaka ‘yong tattoo mo hays, loka ka talaga. Patingin nga,” “S-saka na, naka-seal pa kasi. And speaking Shasha, bakit magkasama kayo ni Lexter. Why oh why bff?” segway niyang saad sa akin. “Kami ng dalawa ni Lexter. Sasabihin ko na dapat sa 'yo last time, kaso naputol ang pag-uusap natin dahil biglang dumating si Rumir. Pangalawa naman ay no'ng biglang lumapit si Gin sa table natin para magpatulong sa Tourism Law,'' “Hmm. Eh anong gagawin niyo sana sa condo ni Rumir? Kaaga-aga?” “Eh 'di ba monthsary niyo kahapon? Twenty seven?” “Ano naman kinalaman no'n?” “Akala ni Lexter ay sa mansyon natulog si Rumir. Isu-surprise namin kasi sana kayo. Belated celebration pero kasama na sila Allen, Chris at Lexter. Lalagyan sana namin ng decoration ang condo niya.” Inilabas ko ang mga gunting at ilang mga lobo sa aking bag. Napabangon naman siya sa mga inilabas kong mga gamit. “Akala ko, masu-surprise namin kayo ni Rumir, 'yon pala kami pala ang masu-surprise ni Lexter.” Hindi naman siya kaagad nakapagsalita sa sinabi ko. “Thank you sa effort and I’m sorry. P-pero bakit niyo naman kasi kami naisipang i-surprise?” “Naglaro sila ng truth or dare kahapon. Tinanong kasi ni Allen si Lexter kung sino raw ang girlfriend niya, eh ayaw umamin kaya nagpa-dare na lang siya,” “At ito pa talaga ang dare? Na i-surprise sana kami ni Rumir? Bakit naman kumagat si Lexter sa dare ni Allen?” “One hundred thousand daw kasi ang deal. Uy, kung iisipin mong makikihati ako ng pera kay Lexter, pwes nagkakamali ka. Nakulitan na kasi ako sa kaniya kaya tinulungan ko na,” “Hmm, sorry for this mess Shasha. And thank you so much kanina dahil you save me from a night mare. Nako muntik na kami ni Rumir,” “Sinong Rumir?” Naagaw ang attention namin nang biglang pumasok ang lolo dad niya. Naiwan pala naming bukas ang pintuan! “Ahh, wala lang -- kaklase lang namin -- lolo dad,” “Ahh akala ko Montano. Naalala ko na naman ang basag ulong 'yon. Kakausap ko lang sa meeting ang daddy at mommy niya na stress na stress sa anak nila. Nako, huwag na huwag kang dumikit doon Rain, bilin ko yan sa ‘yo ha,” “O -- opo lolo dad.” “Nga pala, may bisita pala ako. Gusto kong ipakilala sayo,” “Sige po, magbibihis lang po muna ako.” Agad na rin umalis ang lolo dad niya. “Rain, mauuna na pala ako. May klase pa ako ng before lunch,” “Sige, sige. Hatid pa kita palabas Shasha?” “Hindi na, magbihis ka na at may naghihintay raw sa 'yo sa baba,” “Sige, bawi na lang ako sa 'yo ha. And i-kwekwento mo pa sa akin about sa inyo ni Lexter,” “Oo na bff. O sige na.” Bumeso na ako sa pisngi niya at lumabas na sa kaniyang kwarto. Speaking of Lexter, hala magkikita pa pala kaming dalawa mamaya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD