CHAPTER 6

1476 Words
Shasha's POV Palakad na kaming dalawa ni Lexter sa gusali ng business management, dala ang ilang libro sa aking kamay habang ang kasama ko -- malungkot pa rin ang expression ng kaniyang mukha. ''Boo? Huwag ka ng malungkot. May exam ka pa naman ngayon.'' Hinawakan ko ang kamay niya at pansamantalang tumigil sa paglalakad sa campus. ''Lexter, please? Ngumiti ka na. Busog na ako, promise,'' ''Shasha, paano ako makakabawi sa 'yo?'' ''Tss, saka mo na 'yan isipin dahil may exam ka pa.'' Tinapik ko ang kaniyang braso at nagpatuloy na muli sa paglalakad. ''Lexter, galingan mo sa exam mo ha. Doon pa naman babase ang department para sa magiging representative ng unibersidad,'' saad ko sa kaniya pero ang kasama ko, nakayuko pa rin habang naglalakad paakyat ng hagdan. ''Gagalingan ko, para sa 'yo,'' ''Manalangin ka muna bago sumagot sa exam ha?'' ''Kailangan pa ba 'yon?'' ''Lexter? Alam kong magaling ka, maging ang mga kaibigan mo sa kursong tinahak niyo. Pero sana'y huwag ka namang manangan sa sarili mo nang dahil lang sa alam mong matalino ka,'' mahinanong pagpapaliwanag ko sa kaniya. Tinitigan niya muna ako, saka humalik na sa aking labi. ''How can I live without you, my angel in disguise Shasha?'' ''Sus, nambola pa. Sige na at pumasok ka na sa classroom mo. Kita na lang tayo mamayang five pm sa vacant ko.'' Patalikod na ako, nang bigla niyang hawakan ang aking kamay. ''Siya nga pala boo,'' ''Hmm?'' ''Magpapatulong sana ako.'' Bigla naman ako napakunot ng aking noo. ''Saan?'' ''May dare sa akin si Allen,'' ''Ano 'yon?'' ''Monthsary kasi ni Rain at Rumir,'' ''O ano naman ang dare do'n?'' ''Gusto ni Allen sa i-surprise sila. Eh wala naman akong alam sa mga gano'n.'' Tumahik muna ako sandali at nag-isip ng paraan. ''Sa pagkakaalam ko, ngayon ang monthsary nila Rain. Pero paano 'yan may mga exams ka pa?'' ''Bukas na lang natin siguro gawin. Sabihin ko na lang nakalimutan ko,'' ''Lexter, alam na ba ng mga kaibigan mo ang tungkol sa atin?'' ''H-hindi pa.'' Napayuko naman ako ng ulo dahil sa isinagot niya. ''K-kinahihiya mo -- '' ''NO! Bakit naman kita ikahihiya.'' Bahayang napataas ang boses niya kaya lumayo muna kami sa kaniyang classroom. ''Shasha, naghihintay lang ako ng tamang tiempo. Sa tuwing ipapakilala na kasi kita ay bigla na lang tayo nag-aaway.'' Hinawakan niya ang kanang pisngin ko. ''Mahal na mahal kita boo, sobra,'' saad niya at napayakap sa akin. ''Eh si Rain, alam niya na ba ang tungkol sa atin?'' ''Hindi pa.'' Siya naman ang mukhang naghihinala sa mukha ko. ''Ikaw yata ang ikinahihiya ako eh,'' ''Minsan na lang kami magkita, alam mo naman na galing ako sa chicken fox at lately ko na lang din nalaman ang tungkol sa kanila ni Rumir,'' ''Mr. Frante, the exam will start in three minutes,'' sabat at agaw attention ng kaniyang guro sa amin. ''Sige na boo, galingan mo ha. And pray first! Text mo na lang ako kung anong gagawin natin sa dare sa 'yo ni Allen,'' huling sambit ko sa kaniya at lumakad na papunta sa canteen, para naman makipagkita kay Rain. ''Shasha!'' Yumakap siyang napakahigpit sa akin. ''Ito naman si bff, miss na miss mo ba ako?'' ''Sorry na, medyo napapadalas na kasi ang labas naman ni Rumir kaya hmm, minsan na lang tayo magkita,'' ''Okay lang ano ka ba, masaya ako na bukod sa akin at sa lolo dad mo ay may Rumir ka na rin,'' ''Oo, monthsary namin ngayon eh. Teka ikaw, kailan ka ba magkaka-boyfriend!'' Tapik niya sa akin habang kumakain ng kaniyang sandwich. ''Hmm -- ang kaibigan ni -- '' ''Ay Shasha! Bago ko pala makalimutan!'' Iniabot niya sa akin ang isang sobre. ''Pasensya ka na at medyo napatagal ang pag-abot ng allowance sa 'yo.'' Ibinalik ko rin 'yon kaagad sa kaniya. ''Gamitin niyo muna 'yan Rain para kay lolo dad. 'Di ba na-ospital siya?'' ''Oo pero stable na siya. Nasa La Acosta na siya ngayon ulit at inaasikaso ang hotel namin. Alam mo naman 'yon, ayaw niya na wala siyang ginagawa kaya 'di na ako nakipagtalo pa.'' Ibinalik niya muli sa akin ang sobre. ''Going back, ano nga 'yong sinasabi mo kanina Shasha?'' ''Si -- '' ''Hi, kumusta?'' Agaw pansin namin sa isa sa mga kaklase namin na Tourism din ang kurso. ''Woah, ang gwapo mo talaga Gin Bustamante. Isipin mo kapag flight attendant ka na, paniguradong marami ang magkakandarapa sa kagwapuhan mo.'' Umupo rin siya sa table namin. ''Mukhang stressed out ka yata Gin?'' usal ko namang tanong sa kaniya. ''Nahihirpan ako sa Tourism Law,'' ''Nako si Shasha magaling diyan! Gusto mo magpaturo sa kaniya?'' Napalingat naman ang tingin ko sa bff ko. ''Pwede ba?'' ''Ah -- k-kailan ba exam niyo diyan?'' ''Next week pa naman,'' saad niya at inayos ang kaniyang buhok. Napakaputi ng balat niya, kabaligtaran ng morena kong kutis. Napakaganda ng makakapal niyang kilay lalo na ang mata niyang nakaka -- ''Shasha, hoy! Sabi niya na the day after tomorrow raw, kung pwede mo ba raw siya turuan,'' ''Ahh -- s-sige.'' ''Salamat Shasha. Pupunta na muna ako sa next class ko.'' Tumayo na si Gin sa harap namin at umalis na. ''SHASHA! Mukhang magkaka-boyfriend ka na!'' ''Baliw, sige na at may klase ka pa 'di ba?'' ''Oo, pero wait. 'Di ba may sasabihin ka pa sa 'kin kanina?'' ''N-nakalimutan ko na.'' Pagsisinungaling ko. Tsaka ko na lang sabihin sa kaniya sa relasyon naming dalawa ni Lexter. ''Bff, one more thing,'' saad niya at huwak sa mahaba kong buhok. ''Monthsary namin ni Rumir ngayon 'di ba? May favor sana ako -- sayo eh.'' ''Rain Ann Acosta ano na naman 'yan ha?'' ''Mag-di-dinner kasi kami ni Rumir mamaya, eh baka gabihin ako ng slight. Baka -- hanapin ako kaagad ni lolo dad eh,'' ''Loko ka talaga, malamang hahanapin ka no'n. O ano ang gagawin ko?'' ''Puwede kapag nag-text siya sayo, sabihin mong -- may thesis tayo?'' Napalaki ang mata ko sa sinabi niya. ''Baliw ka talaga Rain!'' ''Sige na please, bff please,'' buong pagmamakaawa niya at humawak sa kamay ko. ''Fine, last na 'to ha at ayaw kong ma-tolerate ka, hindi dahil sa sinusuportahan ako ng lolo dad mo kundi ayaw kong mapahamak ka,'' ''Opo mommy,'' ''Che, o sige na lumakad ka na dahil may klase ka pa,'' ''Okay, I love you bff. Sure ka okay ka lang mag-isa dito sa canteen?'' ''Okay lang ako dito Rain. Maya-maya ay aakyat na rin ako sa klase ko.'' Bumeso siya sa aking pisngi at lumakad na. ''Mabuti na lang at nilibre ako ni Rain. Hindi pa rin kasi talaga ako nabusog sa tatlong pirasong kwek-kwek kanina,'' bulong kong mahina sa aking sarili. Matalino nga ako pero hindi ko pa rin maiwasan na kaawaan ang sarili ko. Kulang na kulang ako sa financial lalo na't hindi naman ako mahal ni ate Shasmeca na nasa Japan, palibhasa kasi ay ampon lang naman ako. Matanda na sila papa at mama kaya wala na silang magawa kundi ang kaawaan na lang din ako. Halos maiyak ako nang makita ko ang nilalaman ng sobre. Nagbigay na naman ang lolo dad ni Rain ng limang libo para sa buong buwang financial ko ngayon. Lumihis ang isang luha ko habang yakap-yakap ang sobre. Halo-halo ang emosyon ko, masaya na malungkot para sa aking abang sarili. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang direksyon ko sa buhay, o kung ano man ang papel ko sa mundo. May magulang nga ako, pero hindi tunay, ni hindi ako kayang tanggapin ni ate Shasha dahil lang sa ampon ako. Hindi niya matanggap na ako ang paborito sa magkakapatid dahil sa talinong mayroon ako lalo na noong nakapasok ako dito sa UP. Pero sa awa ng Diyos, si ate Sarah na ikalawa ay kasundo ko naman. Noong nagtapos na ako sa highschool, kinausap ako nila mama na hindi na nila kayang maghanap buhay dala ng katandaan. Hindi na kaya ni papa na mamasada ng jeep at hindi na kaya ni mama ang pagserbisyo sa paglalaba. Matalino nga ako pero nawalan ako ng pag-asa. Pero dahil sa bff ko, simula first year hanggang fourth year ay kaklase ko siya. Alam niya ang buong buhay ko maging ako sa buhay niya. Malungkot din ang buhay niya lalo na't lumaki siya ng walang ama, walang ina. Tanging sa lolo dad niya na lang umikot ang kaniyang maliit na mundo. Kaya ako, inisip ko na lang na mapalad pa rin ako dahil kahit hindi ko kasama ang totoong mga magulang ko, atleast may tumayo pa rin magulang para sa 'kin. Sa tulong din ni Rain ay may financial ako ngayong nagagamit. ''Paano na lang pala kung wala si Rain sa buhay ko? Sila mama at papa?'' saad ko sa sarili. ''Uunlad din ako, makakatakas din ako sa malungkot at mahirap na pamumuhay ko ngayon. Hindi ako nag-iisa sa laban, dahil may Diyos akong kasama.'' Pagpapalakas ko sa sarili saka tumungo na sa aking klase.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD