CHAPTER 5

1192 Words
Lexter's POV Tumagal pa ng halos dalawang buwan ang sekretong relasyon namin, kaya panahon na siguro para ipakilala ko na siya sa mga kaibigan ko, na sina Rumir, Chris at Allen. Ang girlfriend ni Rumir ay si Rain, na bestfriend naman ni Shasha. Samakatuwid, kilala ng mga kaibigan ko si boo pero bilang kaibigan lang at hindi bilang kasintahan. Ngunit sa kasamaang palad, sa tuwing ipapakilala ko na siya sa mga kaibigan ko ay nagkakataon naman kaming laging nag-aaway. ''Truth or dare,'' tanong ni Rumir sa 'kin habang tinata-tatoo-an ko siya ng malaking letrang R sa kaniyang likuran dito sa kaniyang condo. ''Ano na naman 'yan?'' sagot ko naman sa kaniya. ''Sagot ka na lang 'tol,'' sabat naman ni Chris na pangangasar habang naglalaro sa kaniyang cellphone. ''Truth,'' mahinahong sagot ko habang nakatutok pa rin sa likuran ni Rumir. ''May girlfriend ka na ba?'' usal ni Allen, kaya bigla akong napatingin sa kaniya. ''B-bakit mo naman natanong?'' ''Wala, madalas kasi ay hindi ka na namin kasama sa billiard kapag college break.'' Nakakaramdam na ako ng pawis sa aking noo dahil sa mainit niyang tanong. ''May -- '' ''Sandali 'tol, tawagan ko lang ang baby ko.'' Sa wakas, naagaw na kay Rumir ang attention at hindi na sa 'kin. '''Tol kayo na ni Rain?'' si Allen naman ang nagtanong sa tina-tattoo-an ko. ''Hindi pa 'tol, sa tingin mo ba ay magpapa-tatoo ako kay Lexter kung hindi? Malamang girlfriend ko na si Rain!Teka teka, mabalik tayo kay Lexter,'' Akala ko ay nakalusot na ako, hindi pa pala! Sa tuwing ipakikilala ko na si Shasha sa kanila ay bigla na lang kami nag-aaway o parang may nangyayaring kakaiba kaya nag-desisyon na akong huwag na munang ipaalam sa kanila ang relasyon naming dalawa ni Shasha. ''W-wala pa akong girlfriend,'' ''O bakit ka nauutal Lex?'' ''Baka nakakalimutan mong nagta-tattoo ako sa likod mo ngayon Rumir?'' pagdadahilan ko pero ang mga mokong! Pinagtawanan lang talaga ako! ''Ako naman Lex sayo, truth or dare?'' usal ni Allen. ''Ha? Bakit ako lagi?'' ''Syempre, malapit na birthday mo.'' Hindi na ako nakapalag pa, kaya pumili na lang ako sa tanong niya. ''Hmm, dare.'' Pagkarinig niya sa sagot ko ay bigla niya muna akong pinalapit sa bintana, may ibinulong sa akin. ''Hoy ano 'yang binubulong mo kay Lexter? Hoy ano 'yan Allen?'' tanong ni Rumir sa amin. ''Secret,'' sagot ni Allen sa lalaking nakaupo at muling bumulong sa akin. ''Bakit naman 'yon pa?'' ''Basta. Galingan mo Lexter ha?'' ''Allen, puweda ba h'wag mo ng demonyuhin si Lexter dahil may date pa ako mamaya at hindi pa tapos ang tattoo ko?'' sabat ni Rumir sa aming pag-uusap kaya bumalik na ako sa likod niya at tinapos na ang malaking letrang R. Ilang mga oras pa ay natapos ko na ang kaniyang tattoo. ''Tapos na, tingnan mo na sa salamin,'' saad ko at lumapit na siya sa kaniyang cabinet. Napailing siya ng kaniyang ulo. ''Ang galing mo talaga Lex. Tiyak akong magugustuhan 'to ni Rain. Sa susunod, droplets naman sa paa ko ha,'' dagdag pa niya. ''Sige o paano, babalik na ako sa school dahil may exam pa ako.'' Tinanggal ko na ang gloves sa kamay ko at inihanda na ang aking mga gamit. ''Una na muna ako sa inyo 'tol.'' Hahakbang na ako papalabas nang mapalingat ako kay Allen at itinaas ang kaniyang kilay. ''Nako, may dare pala ako. Fine,'' buntong hininga ko saka lumabas na sa condo ni Rumir at tinahak na ang daan pabalik sa unibersidad. Hapon na pero hindi naman gano'n ka-traffic kaya mabilis lang ako nakabalik para sa aking pagsusulit. Bago ako pumunta sa klase ay nakipagkita muna ako sa aking love of my life sa bleacher. ''Boo,'' tawag ko at yumakap sa kaniyang likuran habang kumakain ng kwek-kwek. ''Nandiyan ka na pala,'' ''Bakit hindi mo man lang ako hinintay para kumain ng kwek-kwek?'' tampong usal ko sa kaniya. ''Pasensya ka na, gutom -- na gutom na kasi ako,'' ''Shasha?'' ''Hm-mm?'' ''Ano inulam mo ng tanghalian?'' ''Busog pa naman ako kasi kanina,'' ''Ano ang huling kinain mo?'' hindi siya naka-imik kaagad sa akin. ''Boo, tinatanong kita,'' '''Y-yong -- date pa natin ka -- '' ''KAGABI PA 'YON HA!'' malakas na pagkasigaw ko kaya ang ibang estudyante ay bahagyang napatingin sa amin. Hinawakan ni Shasha ang braso ko at dinala na sa malayo-layo. ''Shasha, sabi ko sa 'yo ay alagaan mo ang sarili mo 'di ba? Bakit ka nagtitipid ng sobra? Hindi pa ba nagbibigay ang lolo dad ni Rain sa 'yo?'' ''A-ayoko muna humingi sa kanila, na -- nahihiya ako.'' Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. ''Lexter, ooperahan ang lolo dad ni Rain kaya ayoko muna kulitin ang bff ko tungkol sa usaping financial,'' paliwanag niya, kaya hindi na ako naka-imik pa sa kaniyang sinabi. Matalik na kaibigan ni Shasha si Rain Ann Acosta. Tulad ng sinabi ko kanina, siya rin ang babae sa buhay ng kaibigan kong si Rumir. May mga magulang si Shasha, si mang Ramon at aling Norma. Adopted lang siya at siya ang bunso sa tatlong magkakapatid. Abroad ang ate niya sa Japan at 'yon ang bumubuhay sa kanilang pamilya. Subalit, kahit kailan yata ay hindi na siya matatanggap na pamilya lalo ng ate niya na si Shasmeca na naghahanap buhay sa Japan. Matalinong estudyante si Shasha at iskolar ng bayan noong highshool. Kaya lang no'ng tumungtung na siya sa college ay wala ng tutustos ng mga pangangailangan niya sa pag-aaral. Kaya, salamat na lang sa kaniyang long time best friend, walang iba kundi si Rain. Simula highschool hanggang sa tumungtong na sila sa college ay sabay sila. Si Rain, tulad niya ay napakabusilak din ng puso. Ulilang lubos na siya at tanging ang lolo dad niyang si Romolo na lang ang tumayong magulang sa kaniya. At dahil talagang dikit ang dalawa, ang lolo dad ni Rain na ang nagtustos ng pag-aaral niya dito sa UP Diliman. ''Boo, sorry.'' Yumuko ako sa harap niya. ''Shh, okay lang ako boo. Busog na nga ako eh. Hawakan mo pa tiyan ko!'' ngiting sambit niya sa akin. ''Boo, kung hindi ko lang nawala ang sapatos ng kaklase ko, edi sana hindi ko nagalaw ang limang libo na allowance mo.'' Gustuhin ko man na manghingi at sabihin 'to kay mommy, hindi ko na lang itinuloy dahil paniguradong iisipin niya na ibibigay ko lang ang pera kay Shasha. ''Boo, babawi ako sayo,'' malungkot na pahayag ko sa kaniya. Nalungkot ako ng sobra dahil sa imbis na makatulong ako sa kaniya ay ako pa ang lalong nagpabigat sa aspeto niyang financial. Binawasan din ni mommy ng kalahati ng kabuoang baon ko kaya talagang sapat na sapat lang ang cash na hawak ko. Gustuhin ko man na manghiram kina Allen pero 'di ko naman pwede basta sabihin sa kanila ang relasyon naming dalawa. ''Boo, pangako, ang gold heart shape earrings na gustong gusto mo, pag-iipunan ko 'yon.'' ''Hindi ko kailangan 'yon boo, aanhin ko naman ang accessory na isasabit ko lang sa tainga ko.'' Alam ko, ginagawa niya lang ang best niya para kumalma at sumaya na ako. Ibang klase ang pagmamahal sa akin ni Shasha, mukhang hindi ko kayang tumbasan dahil sa paraan ng pagsasakripisyo niya para sa 'kin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD