CHAPTER 4

1444 Words
Lexter's POV Nagulat ako sa naging buwelta sa akin ni mommy. Hindi ko lubos akalaing masasabi niya sa akin ang mga bagay na 'yon, buong akala ko ay suportado siya sa panliligaw ko kay Shasha. Pero heto siya ngayon, pinangangaralan ako sa kaarawan mismo ng kapatid ko. ''Mom, can you please calm down?'' ''I'm calm down iho, sana makinig sa akin,'' saad niya habang nakangiti sa mga dumadaang bisita sa harap namin. ''Mom, saka na natin 'to ulit pag-usapan pagkatapos ng -- '' ''We will not talk about this again Lexter.'' Itinaas niya ang kaniyang kanang kilay sa 'kin. ''Kumare! What a wonderful party of our son!'' sabat ng isa sa kaniyang kaibigan kaya iniwan na akong mag-isa sa gilid ng figurine. Habang hinihintay si Shasha ay kaliwa't kanang pabalik-balik na akong naglalakad dito sa pasilyo. Ilang minuto pa, hanggang sa nagtaka na ako kung nasaan si Shasha. Pumunta ako kaagad sa labas ng comfort room at isinigaw ang pangalan niya. ''Shasha!'' May tumatakbo na sa isip ko, pero pilit ko pa rin siyang tinatawag mula sa loob. Sigundo, lumabas ang isang babae na isa sa mga nag-aasikaso ng birthday ni Lux. ''Miss? May babae pa po ba sa loob?'' ''Wala po sir, ako lang naman po mag-isa dito,'' sagot niya, dahilan kung bakit napatakbo na ako papalabas ng mansyon. Pinaharurot ko na ang sasakyan nang sa gayo'n ay sakaling maabutan ko pa siya. ''Nakakainis, mukhang narinig niya pa kaming dalawa ni mommy!'' Nakailang kalye na ako pero hindi ko pa rin siya makita, hanggang sa nalingat ang mga mata ko sa isang bar. Hindi ako pwedeng magkamali, pink dress ni Shasha ang nakita ko sa loob. Pinarada ko kaagad ang sasakyan at pumasok sa isang kilalang bar dito sa Makati. Masikap kong hinanap siya hanggang sa nahawakan ko na ang kaniyang braso. ''Shasha -- '' tawag ko, hanggang sa napaawang ang aking bibig dahil hindi siya ang babang inaasahan ko. Dismayado akong hindi makita siya kaya napatigil ako sa labas ng bar. ''Damn it! Hindi ugali ni Shasha na mag-bar kaya bakit ko naman inakalang siya ang babaeng nakita ko!'' singhal ko, sabay sipa nang napakalakas sa isang bato at tumama sa pader. Papasok na sana ako sa loob ng bar para dito na lang ibuhos ang pagkadismaya ko, nang biglang tumunog ang aking cellphone. ''Lux,'' ''Kuya! Si daddy, inatake sa puso!'' Sa hindi maipaliwanag na nararamdaman, pumasok na ako sa sasakyan at bumalik na nang mabilis pabalik ng mansyon. Habang buong tulin ko nang kinakaladkad ang Mazda ko, saka ko naman nakita ang babaeng hinahanap ko kanina pa! Naglalakad siya habang pumapatak ang kaniyang luha! Hindi kaya narinig niya talaga kami kanina ni mommy! Gusto kong bumaba ng sasakyan pero tumunog na naman ang aking cellphone. ''Where are you!'' ''I'm -- almost there.'' Napatikom na lang ako ng aking kamao dahil wala na akong sapat na oras para kausapin siya kundi ang dumaretso na lang sa bahay. Minuto ay nakabalik na ako. Kung sa inaakala ko ay nasa panganib si daddy, pwes isa lang pala 'yon na patibong para sa wine toast sa kaarawan ng kapatid ko. ''Mabuti at nakinig ka,'' usal ni mommy at pumasok na sa loob. Nagtangka akong bumalik sa labas para habulin si Shasha pero humarang na ang ilang mga guards doon. Wala na akong ibang nagawa kundi pumasok na lang at makihalubilo sa kanila. Natapos ang party, pumunta ako sa kwarto ni Lux para sana suntukin siya dahil sa ginawa niyang prank kanina sa 'kin. ''Kuya, anong nangyari kanina?'' Papalapit na ako sa kaniya at inihanda na aking kamao para idapo sa kaniyang pisngi. ''Kuya bakit umiiyak si ate Shasha kanina paalis? Nag-away ba kayong dalawa?'' tanong niya, kaya hindi natuloy ang balak kong gawin sa kaniyang mukha. ''Kuya, hindi ko alam kung masaya ako sa birthday ko. Nawala ang cellphone ko, mukhang ninakawan pa ako kanina,'' usal niya dahilan nang pag-atras ko sa kaniya. ''H-hindi ikaw ang tumawag sa 'kin kanina?'' ''Tawag? Kabilaan na ang bisita ko kanina, kaya hindi ko na rin namalayan na ninakawan na pala ako.'' Hindi na ako sumagot pa sa kaniya at pumunta na sa master bedroom nila mommy. Kumatok akong napalakas doon at pinagbuksan ako kaagad ni daddy. ''Dad, where's mom!'' ''Nasa -- '' ''Why you're looking for me?'' saad niya at lumabas sa kaniyang walk in closet. ''Una, bakit mo kami tinututulan ni Shasha! Pangalawa, bakit ka nagkunwaring inatake sa puso si daddy!'' Napaawang naman ang bibig ng aking ama. ''Stacy, what's the problem here?'' ''Lim, 'yang anak mo, hinuthutan na ng babae!'' saad niyang gigil na gigil sa pagmumukha ko. ''Anong pinagsasabi mo mom! Hindi siya gano'ng klaseng babae!'' ''Sa ngayon, hindi mo pa alam. Makinig ka na lang sa akin at -- '' ''Hindi ako makikinig sayo!'' Nakita ko ang cellphone ni Lux sa kaniyang lamesa at agad 'yon kinuha saka binalibag ang kanilang pintuan. Pumasok na ako sa aking kwarto, sinusubukang ma-contact si Shasha. Nakailang text at missed call na ako sa kaniya pero alinman do'n ay wala siyang naging tugon sa akin. Ninais kong puntahan na lang siya sa kanilang bahay, pero ang mga guard sa baba ay mukhang mas naghigpit, at nakatitiyak akong si mommy ang nagbilin nito sa kanila. ''Damn it!'' Ibinagsak ko ang aking katawan sa aking higaan dahil sa labis na inis, lalo na't pinag-ipuanan pa ng ilang buwan ni Shasha ang iniregalo niya para kay Lux. Gusto kong humingi ng tulong sa mga kaibigan ko, kina Rumir, Chris at Allen. Kaya lang, hindi ko pa nasasabi ang tungkol sa relasyon naming dalawa ni Shasha! ''Bukas sa eskwelahan na lang kita kakausapin boo,'' sambit ko sa sarili at pilit nang ipinikit ang aking mata para may lakas ako bukas. Kinabukasan...... ''Shasha, kausapin mo na naman ako!'' sambit ko ng buong pusong pagmamakaawa ko sa kaniya. ''Lexter, mas magandang huwag na tayo maglapit,'' usal niya habang mabilis na humahakbang pababa ng gusali dito sa UP. ''Shasha, ang mga narinig mo kay mommy -- '' Napatigil siya sandali dahil sa ipinagtapat ko. ''Hayaan mo na si mom, sadyang hindi ka pa kasi niya lubusang kilala Shasha,'' ''Lexter, hindi mo ba naitindihan ang mga sinabi niya sa 'yo?'' ''Shasha?'' ''Lexter, kahit kailan ay hindi niya ako matatanggap sa pamilya niyo! Alam mo ba kung bakit? Dahil mahirap lang ako! Mahirap lang ako Lexter!'' ''At ano naman ang kinalaman no'n sa nararamdaman ko para sa 'yo! Sobrang mahal kita Shasha kahit magkaiba pa tayo ng katayuan!'' Napatigil muna kami sandali dahil sa mainit namin na palitan. ''Please, have faith with me boo. I love you Shasha Adelle Salamanca. Please, huwag tayong magpa-apekto sa kaniya,'' ''Pero -- '' hindi na siya nakasagot pa dahil humalik na ako sa mga labi niya. Pumasok kami sa isang cubicle na banyong pang babae at isinarado 'yon. Isinandal ko siya doon at humalik ng marahas sa kaniya. Tatanggalin ko na sana ang botones sa kaniyang uniporme nang biglang may pumasok sa banyo at nakatitiyak kaming mga guro iyon. ''Hindi na ako nagugulat Mrs. Rodriquez.'' Napatikom kami sa loob ng cubicle habang naka-angat pa rin ang mga hita niya sa aking baywang. ''Parehong-pareho sila ng kaibigan niyang si Rumir Excel Montano.'' Nang marinig ko ang pangalan ng isa sa mga kaibigan ko, mas tinalasan ko pa ang aking pandinig. ''Pero maganda na ang ginagawa nila Mrs. Frante nang sa gayo'n ay maagapan. Teka, two minutes na lang ay meeting na sa faculty. Okay ka na ba?'' ''Oo, naihi lang naman ako saglit.'' Sa hindi inaasahan, nahulog ang cellphone ni Shasha mula sa kaniyang bulsa! ''Aba, may tao ba doon?'' Tumaas ang mga balahibo ko maging ang babaeng kasama ko. ''Baka sira lang kaya isinurado.'' ''Masilip nga baka -- '' ''Nandiyan pala kayong dalawa! Pinatatawag na ang lahat ng guro sa Agham, halina't sabay na tayong umakyat.'' Halos mabingi na kami sa mga t***k ng puso namin. Salamat na lang talaga sa gurong tinawag na sila paakyat! ''Shasha, lalabas na ako. I -- love you.'' Tumungo lang siya sa akin. ''Wala ka man lang bang sasabihin sa 'kin?'' dagdag ko pa na tugon sa kaniya. ''Hanggang kailan -- tayo ganito Lexter,'' ''Hey, listen to me. Magiging maayos din ang lahat,'' usal ko at dumampi muli sa kaniyang labi. Aakmang lalabas na sana ako ng pinto, nang biglang kinabig ako ni Shasha at humalik muli sa 'kin. ''I -- I love you too Lexter Thor Frante,'' sambit niyang ngiti saka nauna na akong lumabas ng banyo. Sa ilang buwan na pakikisama ko sa kaniya, ngayon ko lang siya nahalikan -- maging ang marinig sa labi niya na mahal niya rin ako. Mas lalo lang akong lumakas, para ipaglaban ka lalo Shasha Adelle Salamanca.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD