Lexter's POV
Laying down before Shasha, wala na siguro akong ibang mahihiling pa kundi ang maging ganito na lang palagi ang pagsasama naming dalawa.
Habang masarap na ang tulog niya sa 'king tabi, ang sarap lang titigan ng napakaamo niyang mukha. Parehas kami ng skin tone ni Shasha, brown complexion din. Pero mas maganda ang pagkakutis ng balat niya dahil sa mabalbon niyang katawan. Matangos ang kaniyang ilong at medyo singkit ang kaniyang mga mata. Mas lalo lang tuloy ako na-in love sa kaniya!
Eight years together and three years being official with Shasha Adelle Salamanca, hindi pa rin ako makapaniwala na kami na nga talaga ngayon.
Long long eight years ago flashback...
''Lexter, ayoko nga sumama sa birthday ng kapatid mo,'' panimulang sambit niya.
''Ha? Mabait 'yon si Lux ano ka ba. Saka kakatapos lang ng exam kaya magliwaliw ka naman boo,''
''Mabait nga siya pero ang mommy Stacy mo,''
''Si mom? Wala 'yon. Ako bahala sayo.'' Nag-iisip isip pa rin siya habang nandito kami sa labas ng university.
''Fine,''
''That's my girl!'' Ginulo ko ang buhok niya dahil sa tuwa.
Kinabukasan, kaarawan na ng kapatid ko na si Lux. Ginawang napakagarbo ang aming mansyon dahil pupunta rin ang ibang ka-business partner nila mommy.
Alasingko ng hapon ay sinundo ko na si Shasha sa bahay nila.
''Okay lang ba 'tong suot ko?''
''Wow, y-you're so beautiful -- boo,''
''H-hindi ba ako -- mukhang cheap?''
''What? I like your simple pink dress so hop in now dahil baka mamaya ay magbago pa iyang isip mo.'' Hindi na siya sumagot pa at sumakay na lang sa sasakyan.
Habang nasa byahe kami, inabot niya sa 'kin ang regalo niya para kay Lux. Dalawang mamahaling pantalon ito, kaya napalaki bigla ang mga mata ko dahil sa iniabot niya.
''Shasha? 'Di ba sabi ko naman sa 'yo ay okay lang kahit na wala kang regalo sa kapatid ko? Penshoppe at Guess pa binili mo? Saan ka naman kumuha ng pera? 'Di ba sakto lang ang binibigay na allowance ng lolo dad ni Rain sa 'yo?'' mahabang paliwanag ko. Masaya ako dahil ramdam kong mahal din ni Shasha ang aking kapatid, pero hindi ko pa rin maisip kung paano siya nagtipid para lang mabili 'to!
Ang konsensya ko ay hindi mapalagay. Matanda na ang mga magulang ni Shasha na sina mang Ramon at aling Norma, kaya ang matalik niyang kaibigan na si Rain ang tumutulong dito. Samakatuwid, ang lolo dad ni Rain ang nagpapaaral kay Shasha. Grabe kung magtipid itong babaeng kasama ko, kaya kahit ang favorite gold heart shape earrings na gustong gusto niya, ay hindi niya kayang bilhin dahil sa mas marami pa siyang inuuna kaysa sa kaniyang sarili.
''Sorry Shasha, k-kung may pera lang ako, napalitan ko na sana ang ginastos mo dito. Kaya lang, alam mo naman si mommy na -- ''
''Hey, okay lang. Matagal ko na rin naman pinag-ipunan 'yan. Mga -- limang buwan din.''
''Li -- LIMANG BUWAN!'' Napatigil ako bigla sa pagmamaneho.
''Shasha naman, sana mas inuna mo na lang bilhin ang heart shape earrings na gustong gusto mo,''
''Hindi mo ba ako narinig Lexter? Sabi ko okay lang ako. Magmaneho ka na nang sa gayo'n safe tayong makarating doon.'' Hindi na ako umimik sa kaniya, dahil baka umayaw na siyang sumama sa akin papunta sa mansyon.
Bilib talaga ako sa puso na mayro'n si Shasha. Kahit pa sa puntong kalimutan na niya ang sarili niya, okay lang basta may mapasayang siyang iba.
Nakarating na kami sa bahay, marami ng bisita ang pumalibot maging sa pool kung saan dinadaos ang party.
Pagbaba ng sasakyan, hinanap namin kaagad si Lux.
''Ate Shasha! I'm happy you made it!'' panimulang sambit at yumakap sa aking kasama.
''Syempre naman, nag-promise ako sayo 'di ba?'' usal naman niya sa aking kapatid at iniaabot ang dalawang paper na naglalaman ng mga branded pants.
''Hope you enjoy my sixteenth birthday ate Shasha! Iiwan ko na muna kayo ni kuya. Enjoy!'' Ngumiti siya at lumakad na papunta sa kaniyang mga kabarkada.
SHASHA'S POV
Marahil pagod man sa maghapon dahil sa bakbakang paper works sa unibersidad, pinilit ko pa rin na magpakita sa kaarawan ni Lux. Nakapangako na kasi ako sa kaniya at nahihiya naman akong baliin ang usapan naming dalawa.
Sa katunayan, gusto ko naman talaga. Hindi ko lang maiwasan na hindi kabahan dahil sa ito ang pinaka-unang tagpo na ipakikilala na ako ni Lexter sa kaniyang mga magulang lalo na sa mommy Stacy niya.
''Okay ka lang boo?'' usal ni Lexter at inabot sa akin ang baso na naglalaman ng wine.
''M-medyo kinakabahan lang,''
''Ha? 'Di ba sinabi ko naman sa 'yo na huwag kang kabahan? Mabait si dad and mom kaya please, kumalma ka na,'' sambit ni Lexter na nakangiti sa akin.
''Speaking of mom and dad, nasaan na kaya sila?'' tanong niya sa sarili habang nakatingin sa paligid para ipakilala na niya ako, hindi bilang kaibigan ngunit bilang kasintahan niya.
''Hayaan mo na Lexter, baka may mga important visitor lang,''
''At anong tingin mo Shasha? Hindi ka important visitor?''
''Oh who's with you darling?''
''Mom!'' naagaw ang attention naming dalawa ni Lexter nang biglang may lumapit sa aming lamesa.
Halos nabibingi na ako sa kalabog ng dibdib ko pero pinilit ko na lang na pakalamahin ang sarili.
''Where's dad mom?'' tanong ni Lexter sa kaniyang ina.
''Nasa kabilang side ng mansyon, kasama ang mga kalaro niya sa golf,''
''I see. Siya nga pala mom, meet my beautiful girlfriend, Shasha Adelle Salamanca,'' masayang saad ni Lexter, dahilan para lalong mangatog na ang aking mga tuhod. Tumayo ako at inaabot ang aking palad sa kaniya.
''Nice to meet you, t-tita Stacy,''
''Pleasure to meet you too darling. Aba, mukhang first year college pa lang ay kayo na no?''
''N-no tita, ngayon lang po kami -- ni Lexter,''
''Oh, new couple. Its okay basta huwag pabayaan ang pag-aaral dahil second year college pa lang kayo ngayon,''
''O-opo tita,''
''Anyway maiwan ko na muna kayo. Lexter and iha, please enjoy the party!'' Ngumiti siyang matamis at umalis na sa harap namin. Umupo muli ako at inalalayan pa ako ng kasama ko, dahil sa ramdam ko pa rin ang kakaibang kaba bunga ng prisensya ng kaniyang ina.
''See? Sabi ko naman sa 'yo ay magugustuhan ka ni mommy.'' Hindi na ako sumagot sa kaniya sa halip ay tinungga na lang ang baso na naglalaman ng wine.
Naging masaya ang patry ni Lux. Paikot-ikot kami sa buong mansyo nila. Nakita at pinakilala na rin ako sa ama niyang si Lim.
''Boo, pwede mag-comfort room muna ako?''
''Sure, marami ka nang nainom na drinks eh. Mukhang naghalo-halo na sa tiyan mo.'' Inaabot ko sa kaniya ang aking small bag purse at pumunta na sa kaliwang bahagi ng kanilang mansyon.
Naging mabilis lang ang pagpanhik ko sa banyo at agad na rin lumabas sa pasilyo. Nang 'di kalayuan, nakita kong nag-uusap si Lexter maging ang ina niya na si Stacy.
Malaki ang dalawang figurine na namamagitan sa akin at sa kanila. Hindi ko na sana gustong makinig, pero dahil sa na-curious ako ay dinala na ako ng aking mga paa papalapit sa figurine para makinig sa kung ano man ang kanilang pinag-uusapan.
''What are you talking about mom? Akala ko ba ang okay sa 'yo si Shasha?''
''Okay siya sa akin, pero BILANG kaibigan lang. Please don't give me a joke like this Lexter,'' singhal ng kaniyang ina.
''What? T-this is not a joke mom! I like Shasha and not just a friend!''
''Stop acting like a child Lexter. Peperahan ka lang ng babaeng 'yon. Akala mo ba ay hindi ko alam na nagbibigay ka sa kaniya ng pera?''
''W-what -- are you talking about?''
''Huwag mo ng pagtakpan si Shasha, as if kaya niyang bumuli ng Guess at Penshopee clothing brand para iregalo sa kapatid mo!''
Sa pag-uusap ng mag-ina, halos ikapunit na ng puso ko ang aking mga narinig. Ang mga luha ko rin ay parang isang bagyo, dahil sa rumagasa na ito sa aking pisngi. Sobra na akong nadudurog sa mga narinig ko pero heto, nakatayo pa rin ako para pakinggan silang dalawa.
''Mom una sa lahat, hindi ko binibigyan ng pera si Shasha. Pangalawa, pinag-ipunan niya pa ito, at alam mo ba? Inuna niya ang regalo para kay Lux, kaysa sa gold heart shape earrings na gustong gusto niya!''
''And you expecting me to believe that? She's a slot and I will never accept that girl to this family!''
Hinang hina man ang aking katawan dahil sa nasaksihan, inubos ko na lang ang aking natitirang lakas para mabilis nang makabas sa kanilang mansyon.